Caela.

Nagulat ako dahil mga nag-aalalang mukha ng dalawa kong kaibigan ang sumalubong sa akin. Bakit?

"Umiyak ba kayo?" nag-aalalang tanong ko sa kanila.

"Akala kasi namin patay ka na. Kasi naman ginigising ka namin pero ayaw mong magising. Huhu!" Umiiyak na naman na saad ni Sophia.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko sa yakap niya na iyon ang pag-aaalala at ang takot na mawala ako kaya naman ay niyakap ko din siya pabalik.

Nakita ko namang nakatingin lang sa amin si Michie at hindi nagsasalita. Pero halata sa mga mata niyang umiyak din siya.

"Buti naman at nahawakan na kita. Hindi ka na sobrang mainit." Natutuwang sabi ni Sophia.

"Huh? Mainit naman talaga ako kasi buhay pa ako." Naguguluhang sagot ko sa kaniya.

"No! Ang ibig kong sabihin ay sobrang init mo kasi kanina. Hindi ka namin mahawakan. 'Yung tipong pwede kaming mapaso kapag dumampi ang kamay namin sa'yo. Kahit itanong mo pa kay Michie." Kwento ni Sophia at nakita ko namang napatango si Mich dahil sa sinabi niya.

Bakit sobrang tahimik niya yata ngayon? Parang confused at tampo ang nararamdaman ko sa kaniya. Ayoko namang basahin kung ano ang nasa isip niya dahil nangako ako sa sarili ko.

"Ah.. hindi ko alam. Ano ba ang nangyari kanina? Tapos mukhang hinihingal pa kayong dalawa." Tanong ko kay Sophia.

"Aysh. Lumindol ng malakas kanina. Naglabasan na nga 'yung mga estudyante sa mga dorms nila, tapos naalala ka namin. Hindi ka naman namin pwedeng iwan. Nakita namin na ang himbing himbing ng tulog mo. Hindi ka man lang nagising sa lakas ng lindol. Pero ang ipinagtataka ko ay noong dumilat ang mga mata mo, tsaka lang huminto 'yung lindol. Pero siguro baka coincidence lang 'yun. Tapos color gold ang mata mo kanina pero ngayon grey na ulit. Pero baka namamalik-mata lang ako. Siguro ganoon na nga! Pero masaya ako na gising ka na. Akala kasi talaga namin patay ka na." Tuloy-tuloy na saad niya.

Color gold? Yeah! Kanina noong gumising ako ay naramdaman ko rin ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko. Naramdaman ko rin ang paglakas ng aura ko kaya isineal ko na agad ito kanina bago pa maramdaman ng iba.

"Ah. Ganoon ba?" Hindi ko kasi alam kung ano ang irereact ko.

Ayoko namang magsinungaling na naman. Hindi pa kasi ngayon ang oras para malaman nila ang lahat sa akin. Maaring naikwento ko na sa kanila ang ibang tungkol sa buhay ko pero hindi pa talaga pwedeng buo.

"Grabe sis, ang haba ng sinabi ko pero 'yun lang ang nasabi mo. Jusko!" Maktol ni Sophia. Nginitian ko na lang siya.

"Hehe." Ewan ko pero ngayon ako nakaramdam ng pagod. Gusto kong matulog at magpahinga muna buong araw.

Nananakit ang katawan ko. Feeling ko sobrang nadrained ang energy ko.

Ding-dong!

Tunog ng doorbell ang pumukaw sa atensyon namin. Alam kong ang Superiors iyon dahil nararamdaman ko ang mga aura nila.

Anong ginagawa nila dito?

"Sige na. Pagbuksan ninyo muna ng pinto ang Superiors." Sabi ko sa kanila.

"Paano mo nalaman?" Cold na tanong ni Mich.

Ugh! Mukhang nagtatampo talaga siya at alam ko na kung bakit. Sorry, Mich!

"Naramdaman ko ang aura at emosyon nila." Sagot ko.

Tumalikod na siya para puntahan ang Superiors. Ganoon din ang ginawa ni Sophia pero nagpaalam muna siya sa akin.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!