Chapter 25 (August 06, 2011)

1.1M 15.1K 3K
                                    

DATE POSTED: August 06, 2011


Chapter 25

Nagsimula na ang take. Nakatingin lang si Phoebe sa dalawang  artista.

Huhhh ambilis umiyak ni Elisa!

Naisip ni Phoebe, umiiyak na kasi si Elisa ilang segundo pa lang matapos magsimula ang take1.

Titig na titig si Phoebe sa dalawa. Hindi niya alam ang kasalukuyang nangyayari at ang mga mangyayari pa. Pero alam niyang hindi niya ito magugustuhan dahil ngayon, niyayakap na ni Kent ang umiiyak na Elisa.

Gosh... Ang hirap naman nito. Hindi Phoebe kaya mo yan. Love team lang sila on-cam. Professional si Kent kaya niya nagagawa yan!!! Sinasabi ni Phoebe sa sarili niya dahil di niya alam ang gagawin niya. Ngayon lang siya nakapanuod ng shooting ni Kent.

Ayon na rin sa script. Inaalo ni Kent si Elisa habang niyayakap at unti-unting naglapit yung mga mukha nila.

Napatayo si Phoebe.

"Ay! Phoebe... dito ka lang...." pinigilan siya ni Mel.

Ano to? Hindi ko to kayang tignan... Kissing scene pala ang ipinunta ko dito? Gustong –gusto na niyang tumayo, pero nakahawak si Mel sa kanya.

"Phoebe... sorry hindi ko alam ang script for today" parang apologetic ang tone ni Mel.

Ayaw ng tumingin ni Phoebe, dahil magkalapat na ang labi ni Kent at Elisa, pero wala siyang magawa, ayaw niyang tignan pero parang may nagtutulak sa kanyang tumingin.

Oh no... kanina hug lang self-conscious at naiinis na ako... Now ano ba to! Bakit ba di ko mapigilang tumingin....

Sobrang ruthless ni Kent humalik.

God enjoy naman sila hmpf.... Naiinis si Phoebe

"CUT!!! Ano bay an Kent you are so harsh! This is not making out, this is a romantic movie. Take 2..." sigaw ng director.

Pumasok naman agad ang mga taga-retouch ng make-up.

Uulitin? Di pa ba sapat yun? Ang tagal na nun ah! Sabi ni Phoebe, nagngingitngit ang kalooban niya.

"Kent, be smooth naman! Make it more dreamy!" Take 2 na!

Bakit ganun si Kent? Sobra ba siyang excited halikan si Elisa? Closed-fist na si Phoebe. Nakalubog na ang kuko niya sa palad niya sa sobrang gigil sa nakikita.

***

Naiinis naman si Kent, ayaw niya namang ulitin ang take pero sadyang awkward siya na nadyan si Phoebe at nanunuod kaya gusto niyang madaliin ang take. Pero iba ang nakikita ng director. Akala ruthless kisser siya.

"That's rough... I like it.." bulong sa kanya ni Elisa habang nagreretouch sila.

Di niya ito sinagot. Tumingin siya kay Phoebe. Nakatingin ito sa kanilang dalawa.

Is she jealous? Nagtatanong si Kent sa utak niya.

"So, akala ko ba you are very good at isang take lang lagi pag ikaw ang cast? Gusto mong paulit-ulit ang kissing scene natin???" bulong na naman ni Elisa. "Do you want to make her jealous? Di mo naman sinabi"

"What?! No! Aayusin ko na ang susunod na take. Umayos ka rin" banta ni Kent.

"Take 2 Action!"

Uncomfortable pa rin si Kent. Pero ginagawa niya ang best niya matapos lang ang scene.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon