[MPG2>29-Jollibee]

5.5K 80 7
                                    

Zain:

"Uno.." Eri

Nagpalipat lipat ang tingin ni Uno sa aming dalawa ni Eri..

Naglakad siya palapit..

Apat na hakbang lamang ang pagitan nila ni Eri...

Nakatingin siya sa mga mata nito..

Iniisip kong baka ito na ang pagkakataon ni Uno na mabawi si Eri..

Akala ko tuluyan nang sasama si Eri sa kanya pero..

"Jollibee.." Uno

Napatingin lang kami kay Uno..

Pareho kaming nagulat sa sinabi niya..

Jollibee?

Gutom ba si Uno?

"Uno.." Eri

"be happy..." Uno

Naglakad na palayo si Uno..

Yun pala ang ibig niyang sabihin sa Jollibee..

Tumawa ng mahina si Eri..

Halatang pilit ito..

Hanggang sa napalitan na ng hikibi ang kanyang tawa..

Gusto kong punasan ang mga luha niya pero...

Wala akong ibang nagawa kundi ang iabot sa kanya ang panyo ko..

Kinuha niya ito at pinunas sa kanyang mga luha..

Eri...

Tama na...

Andito naman ako..

Andito ako para sayo..

Eri...

===================


Mino:

Wwuuuhhh....

Ang sarap maligo..

Lang hiya talaga si Uno!

Walang sabi sabi basta bigla na lang kaming dinala sa gym..

Kaya pala pinilit kaming kumain ng madami at uminom ng gatas nung breakfast ..

Haaaayy...

Nagtapis na ako ng tuwalya sa aking bewang..

Paglabas ko ng banyo ay agad na inabot sa akin ng bodyguard ko yung isa pang tuwalya para sa buhok ko.

Nagbihis na ako at nagpatuyo ng buhok.

May dalawang bodyguard pa ang nakaabang sa labas ng pintuan ko.

Sanay naman na ako.

Naglakad ako sa gitna nila at sumunod na sila sa likuran ko..

Kahit pababa lang ako ng hagdanan ay may nakasunod sa akin na bodyguard kahit nasa bahay lang ako.

Sanay naman ako..

Magtataka narin ako kung wala..

Oo malaki ang bahay namin.

Maituturing itong isang mansyon.

Isang mansyon na ako lang ang nakatira.

Busy ang  mga magulang ko.

Sa buong buhay ko ay tatlong beses ko pa lang sila nakikita.

Ewan ko ba kung bakit nagpapakasubsob sila sa trabaho samantalang mayaman na kami..

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon