Chapter 26: Disaster Date

Kisha’s POV

“Ako na ang magbabayad” – Cross

“Anong akala mo saken? Walang pera? Ako ang magbabayad” – Van

“Wag na, baka ikahirap mo pa”

“Sino ba kasing may sabi na sumama ka sa DATE namin ni Kisha?”

Napafacepalm na lang ako dahil sa dalawa, simula nung dumating kami dito sa mall at nakita namin si Cross ay ganito na ang nangyari. Ang liit nga naman ng mundo...

*Flashback*

“Kisha, date tayo?”

“Huh? Ano namang nakain mo?”

Biglang siyang sumimangot... “Masama bang magyaya ng date? Hindi na kasi tayo nakakalabas eh”

Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Ang totoo nyan, excited na ako. Haha! Eh palagi na lang akong nasa mansyon tapos busy pa siya sa pag-aasikaso sa District. Napawi na ang alaala ng mga tao sa District 1 tungkol sa mga nakaraang nangyari kaya nagbalik na ulit ang lahat sa dati na parang normal lang at sa awa ng Diyos ay umuwi na ng Europe ang Archer Brothers...

Niyakap ko siya at hinalikan sa kanyang pisngi... “Tampo ka na nyan? Syempre naman gusto ko” then I smiled...

Namula naman yung pisngi niya at nag-iwas ng tingin. Waaaaaaaah!! Akalain mong cute pala si Van pag nagbablush? Para na siyang kamatis! Pati tenga niya ang pula! “M-Mag-ayos ka na para makaalis na tayo agad”

“Hahaha! Namumula ka Van! Ganun na ba ko kaganda para maapektuhan ka ng ganyan?”

Tumingin siya sakin pero ang pula pa din ng mukha niya... “H-Hindi naman ako namumula ah! Tss. Sige, simulan mo ko, paniguradong hindi tayo makakaalis dito” then he smirked...

Agad naman akong tumayo at lumayo ng konti sa kanya. Ang mga ganyang pagngisi ni Van ay hindi dapat pinagkakatiwalaan dahil sa likod niyan ay may masama siyang binabalak na ikasisira ng date naming dalawa. Naks. Haha! Alam niyo naman ng utak niyang bampirang yan, paliko-liko ang takbo...

“Maliligo na nga ako!” tapos lumakad na ako papunta sa banyo...

“Sabay na tayo!”

“Ayoko nga!” tapos tumakbo ako papasok ng banyo at inilock agad iyon para sigurado...

Nagsimula na akong maligo at nagulat na lang ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Van na may hawak na susi! Walanghiya!! Kukuhanin ko pa sana yung tuwalya para itapis sa sarili ko pero agad na siyang nakalapit sakin...

He pinned me on the wall and crashed his lips to mine...

At alam niyo na ang mga sumunod na nangyari...

Pagkadating namin sa mall nakasalubong namin si Cross...

“I’ll join you”

“Anong join sinasabi mo? Date namin ‘to, ulol”

Pero hindi siya pinansin ni Cross at tuloy lang sa pagsama namin kahit halos magpalit na sa Legendary Mode si Van sa sobrang inis. Buti napigilan ko. Haaay...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!