21

97.3K 3.9K 67

Caela.

Nararamdaman ko ngayon ang malakas na pagyanig ng lupang kinatatayuan ko. Pinilit kong tumayo kahit na pagod ako. Gusto ko ng magpahinga pero alam kong hindi pa pwede. Kailangan ko munang tapusin ito ngayon.

Makaraan ang ilang minuto ay tumigil na sa wakas ang pag-uga ng lupa ngunit wala namang lumalabas na kahit ano sa harapan ko.

Akala ko ba ngayon ko na rin makakalaban ang Supreme Dragon?

Tatalikod na sana ako para maglakad sa kawalan nang makaramdam ako ng isang malakas na pwersang nanggagaling sa ilalim ng lupa. Nakaramdam ako ng matinding kaba.

Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang dambuhalang dragon na lumitaw mula sa lupa. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko dahil dito.

Kulay ginto ito at mayroong iisang mata at sa itaas nito ay mayroon ding kumikinang na diyamante. May mahabang buntot at dalawang pakpak sa likod nito.

Totoong maganda ito pero totoo ring nakakatakot. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Dinig na dinig ko ang paghinga nito.

Isipin ko pa lang na tatapakan niya ako ay nanginginig na ako. Kayang-kaya ako nitong tapakan o kaya ay ihagis ng walang kahirap-hirap. At sigurado akong magkakalasog-lasog ang katawan ko kapag inihagis ako nito.

"Ayaw ko pa pong mamatay. Marami pa po akong pangarap sa buhay. Gusto ko pang makita ang totoo kong magulang at maipaghiganti ang kinilala kong Mama. Huhu!"

Piping dasal ko habang nakatingin sa gintong dragon na kasalukuyang nakapikit. Kahit anong takbo ko ngayon, alam kong mahuhuli at mahuhuli niya pa rin ako dahil katulad nga nang sinabi ko kanina, nasa gitna ako ng kawalan!

"Ikaw ba ang sinasabi ng mga Elemental Gods and Goddesses na siyang magmamay-ari sa akin?" Nagulat ako sa malalim na boses ng gintong dragon na ito.

Hindi ko rin inaasahan na nakakapagsalita siya. Sa bagay ano nga ba ang ieexpect ko, e mundo ito ng mahika kaya lahat ng imposible maaring maging posible.

Isang tango ang tanging naging sagot ko, hindi ko alam pero parang biglang umurong ang dila ko.

"Tingnan natin kung karapat-dapat ka nga bang maging isang Supreme dragon holder dahil sa tingin ko sa'yo hindi mo ako makakaya. Isa ka lamang mahinang nilalang." Aroganteng saad nito.

Nakaramdam ako ng inis. Judger siya!

"Alam ko pong malakas kayo pero hindi ninyo naman po kailangang insultuhin ako." sagot ko. Meron naman pala akong lakas ng loob na sagutin siya.

"HA-HA-HA! Totoo naman ang sinabi ko, alam kong mahina ka." Nakakatakot 'yung tawa niya, parang kakainin ka ng buhay.

Patuloy na nanginginig ang mga tuhod ko pero hindi ko ipinahalata iyon.

"Bakit hindi mo po ako subukan?" matapang na sabi ko.

Muntik ko ng masampal ang sarili ko dahil sa mga bagay na lumalabas sa bibig ko. Jusko! Ang tapang mo, Caela! Bahala ka sa sarili mo kapag nagalit 'yan!

"Matapang ka pala... o baka nagtatapang-tapangan lang?" Mapang-insultong ani niya. Bigla niyang iminulat ang kaniyang mata na ikinagulat ko.

Ang ganda! Kulay ginto rin ito... I'm speechless!

"Siguro nga totoong ikaw ang magiging holder ko dahil hindi ka naging bato ng tingnan mo ang mata ko. Pero hindi pa doon natatapos ang pagsubok ko sa'yo."

So kapag pala nakita ka niyang nakatingin sa kaniya, maari kang maging bato. Kahit papaano ay narelieved ako sa sinabi niya. Pero gusto kong patunayan na karapat-dapat akong maging holder niya.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!