Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

Maya-maya, lumapit si Jhone. Pinapasok niya ito ng taxi.

"What happened?! Nangyari sa kanya? Ba't siya may sugat-sugat? Wala ba siyang malay?"

"Relax, natutulog lang siya. We went to the park, maraming tao and you know what happened next." Paliwanag ni Kent, he chose his words carefully dahil na rin sa manong driver na nakikinig.

"Nang ganyan ang itsura mo? Nasisiraan ka na? Buti pa si Harley nagawa pang magdisgu---"

"Jhone! I never wanted this. Okay?"

"Kawawa naman si Phoebe sayo. Sasabihin ko nga dyan kay Phoebe na i-accept na yung offer ni Harley."

"What are you talking about?!" napataas ang boses ni Kent. "Anong offer?"

"He wishes to take Phoebe away from you dahil sinasaktan mo lang siya." Diretsahang sabi ni Khone.

"I never wished for that! Damn it! Gagong yun! Madami namang iba."

"I guess that's what real love is." May pangaasar na sabi ni Jhone.

"Real love, my ass. Kakakilala lang nila."

"Kesa naman sa inyo tagal niyo na magkakilala pero ano?"

"Jhone."

"Bakit? Mahal mo na ba best-friend ko? O nacha-challenge ka lang. Is Harley just a threat to your ego? O narealize na talaga na mahal mo si Phoebe. Because if not, better let her go." bulong ni Jhone.

"Let her go?! Di ko alam Jhone. Basta ang alam ko, I won't, by all means, let Harley take her."

"Take her from whom?"

"I don't know... pero ... sa mga nangyayari ngayon, hindi ko kaya, pag nawala si Phoebe."

Wala naman nasabi sa Jhone. Hindi na ulit ito nagtanong.

"Gisingin mo si Phoebe maya-maya at pumunta na kayo sa loob. I can't go there with her again. Baka maulit na naman ang nangyari sa park." Sabi ni Kent. Takot na kasi siyang dumugin ulit ng tao at mapahamal ulit si Phoebe.

"Tsk! Fine! Napakagulo niyo! Oh Eto na!"

Ibinigay ni Jhone kay Kent ang mga dalang shades at jacket.

"Let her be treated, paki-sabi hwag siyang makulit. May iilang sugat din siya."

Nahihiya man si Kent kay Jhone, he cupped Phoebe's face, at hinalikan niya ito sa labi.

Binayaran ni Kent ang matandang taxi driver ng sobra tska lumabas at naglakad palayo.

*

Nagising si Phoebe ng may parang sumampal sa pisngi niya.

"Fiibbss!! Hay grabe ang hirap mo gisingin sorry" sabi ni Jhone

"Jhone? Bakit nandito ka?"

"Umalis na si Kent eh, I heard what happened. Pwede bang pumasok muna tayo at maipagamot mo yung mga sugat mo, nakuuu!!"

"Ospital?? Hwag na, simpleng sugat lang eh."

"Anong simple? Mga sugat po, ang dami kaya! Tska sleeping beauty, sabi ng prince charming mo kanina, hwag ka daw makulit! Kaso di ka naman nagising sa halik ni prince charming."

"Huh?! Pinagsasasabi mo? Nanuod ka ba ng fairytales?"

Hindi kasi alam ni Phoebe na hinalikan siya ni Kent kanina sa harap ni Jhone.

Lumabas na sila ng taxi at pumasok sa ospital.

Inaakay ni Jhone si Phoebe.

"Alam mo Fibbs, hati na ako, Torn na ako sa kanilang dalawa."

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon