Niyakap niya ng mahigpit si Phoebe. Umiiyak ito. Tinanggal ni Kent ang cap kay Phoebe at nilagay sa sariling ulo. Ayaw niya ring mamkuhaan siya ng taxi driver.

Natakot siguro siya sa mga nangyari. Hindi naman basta basta umiiyak sa mga sugat to eh. Para siyang naipit sa stampede at muntik pang mabundol. God! Mabuti na lang at nakapagreno yung lalaki, kung hindi…. Di ko mapapatawad sarili ko. Naisip ni Kent

 

Naiinis siya sa lahat. Sa mga fans, sa driver na sumigaw kay Phoebe at higit sa lahat, sa sarili niya.

Kung di ko siya hinila papuntang park, hindi sana nangyari yun. Ang tanga ko naman! Gusto ko lang naman lumabas kami dahil badtrip siya.

 

 

Mahinang umiiyak pa rin si Phoebe. Lagi na lang siya ang may kasalanan ng pag-iyak nito. Medyo nanginginig pa rin ito dahil sa shock at takot.

“Shhhh… Shhh. Okay na. Phoebe… Nandito na ako. Wala ng masamang nangyayari sayo.”

Sobrang yakap na ang ginagawa niya dito dahil sumasakit ang dibdib niya pag nakikitang umiiyak si Phoebe.

“Everything’s alright na, baby, okay?” sabi niya kay Phoebe.

Naconscious siya dahil tumitingin ang taxi driver sa salamin. Medyo ibinaba niya ang cap para matakpan ng konti ang mga mata niya.

“Saan po ba tayo?” tanong ni manong driver.

Saan nga ba? Sa hospital kaya or clinic? Ang dami niya kasing galos at sugat. Eh baka may makakilala na naman sa akin doon. Naisip ni Kent.

“Sige po manong sa pinakamalapit na ospital na lang”

“No need…” paos na sabi ni Phoebe.

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!