Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)

1.2M 15.5K 3.5K
                                    

DATE POSTED: August 05, 2011


Chapter 24 - Real love

Niyakap niya ng mahigpit si Phoebe habang miiyak ito. Tinanggal ni Kent ang cap kay Phoebe at nilagay sa sariling ulo. Ayaw niya ring mamukhaan siya ng taxi driver.

Natakot siguro siya sa mga nangyari. Hindi naman basta basta umiiyak sa mga sugat to eh. Para siyang naipit sa stampede at muntik pang mabundol. God! Mabuti na lang at nakapagreno yung lalaki, kung hindi.... 'Di ko mapapatawad sarili ko.

Naiinis siya sa lahat. Sa mga fans, sa driver na sumigaw kay Phoebe at higit sa lahat, sa sarili niya.

Kung di ko siya hinila papuntang park, hindi sana nangyari yun. Ang tanga ko naman! Gusto ko lang naman lumabas kami dahil badtrip siya.

Mahinang umiiyak pa rin si Phoebe. Lagi na lang siya ang may kasalanan ng pag-iyak nito. Medyo nanginginig pa rin ito dahil sa shock at takot.

"Shhhh... Shhh. Okay na. Phoebe... Nandito na ako. Wala nang masamang nangyayari sayo."

Sobrang yakap na ang ginagawa niya dito dahil sumasakit ang dibdib niya pag nakikitang umiiyak si Phoebe.

"Everything's alright na, baby, okay?" sabi niya kay Phoebe.

Naconscious siya dahil tumitingin ang taxi driver sa salamin. Medyo ibinaba niya ang cap para matakpan ng konti ang mga mata niya.

"Saan po ba tayo?" tanong ni manong driver.

Saan nga ba? Sa hospital kaya or clinic? Ang dami niya kasing galos at sugat. Eh baka may makakilala na naman sa akin doon. Naisip ni Kent.

"Sige po manong sa pinakamalapit na ospital na lang"

"No need..." paos na sabi ni Phoebe.

"Yes you do." Giit ni Kent kaya hindi na muli pang sumagot si Phoebe.

Maya-maya, nakatulog si Phoebe sa balikat ni Kent.

Nakatulog? Kainis di pa diya kumakain, Kung anu-ano pang nangyari ngayong araw.

Habang tulog, kinapa ni Kent ang cellphone Phoebe at may tinawagan mula sa contacts nito.

("Baklaaaa!")

"Hello Jhone?"

("Huh? Kent?! Saan si Phoebe!")

"We're near your house, at pupunta kami sa malapit na ospital"

("Ospital? Don't tell me malala ang sakit ni Phoebe?")

"This isn't about her fainting. But, can you meet us there? I'll explain? And pwede bang padala ng kahit shades or jacket, kahit ano."

("K.")

"Ha?"

("Oo kontakin mo na lang ako sa phone mo. 'Wag mo na pakialaman phone ni Phoebe.)

May kakaibang naramdaman si Kent sa sinasabi Jhone as if trying to put him to his place. Pero hindi niya na lang pinansin.

"Hindi ko alam number mo."

("Alam ko number mo. Ako na lang kokontak. 'Wag ka na magtanong bye.")

Napailing na lang si Kent hanggag mareceive ang text message ni Jhone sa sarili niyang telepono. Ibinalik niya sa bulsa ni Phoebe ang phone nito.

'Pagdating nila sa ospital, Nakita agad ni Kent si Jhone sa may harap nito. Pinahinto niya ang taxi sa 'di kalayuan bago nagtext dito.

|Sa white and green na taxi sa kanan mo|

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon