Skie's point of view


Dear diary,
Pinuntahan ko ulit si Kiro sa unit niya para kausapin siya kaso wala siya pero nakapasok pa din ako sa loob dahil meron akong extra susi ng unit. Naiwan niya pa ang phone niya at duon nakita ko ang text nilang dalawa ni Trix sa isa't isa at pati mga litrato nilang dalawa habang magkahalikan. Hindi ko matanggap. Niloko nila ako. Hindi na nila kailangan magpaliwanag pa dahil malinaw na sakin ang lahat. Hindi naman ako tanga, eh. Ginago nila ako at hindi ko sila mapapatawad.


Last page..


Dear diary,
Nakipagkita na ako kay Trix, sa favorite restaurant naming dalawa. Hindi ko hinayaan na ako ang matalo sa aming tatlo. Hindi ko hinayaan na ma-satisfy sila ni Kiro sa pangloloko nila sakin. Hindi ko hahayaan na ako ang umuwing talunan. Hindi ko sinabi sakanila na alam ko na ang lahat. Nakipaghiwalay ako kay Trix ng walang dahilan. Hindi na ako nag hintay ng ano pang paliwanag at mabilis akong umalis. Dito na matatapos ang lahat..

Bigla na lang sumakit ang ulo ko.

Pinikit ko ang mata ko at sa pagpikit ko naalala ko ang pangyayari na nakasulat sa diary. Simula sa gabing nahuli ko si Kiro at Angel sa unit hanggang sa pakikipaghiwalay ko kay Angel sa restaurant na hindi ko pa din maalala kung saan.

Naalala ko na ang pangyayari na 'yon. Bumalik sakin lahat ng sakit at galit. Traydor silang dalawa. Kaya pala kahit wala pa akong maalala, ganon na lang ang galit ko kay Kiro. At kaya siguro inis na inis ako kay Angel nong una naming pagkikita.

Siguro nga nakalimot na ang utak ko pero hindi ang puso ko.

Grabe, ang lakas ng loob ni Angel na magalit samin dahil niloko namin siya pero siya mismo niloko niya ako. Anong klase siya? Ang kapal ng mukha niya.

Panahon na siguro para i confront ko si Kiro. Kailangan ko siyang kausapin.

Tumayo agad ako sa kama ko at pinuntahan ko si Kiro sa kwarto niya. Nakahiga siya habang nakikinig sa iPod niya. Lumapit ako sakanya, tinanggal ko ang headphone sa tainga niya at kinuha ko ang kwelyong damit niya. "What's your problem? Get off me!"

"Sabihin mo, niloko niyo ba talaga ako ni Angel nuon? Tell me the truth!" I didn't let go of him. He needs to tell me everything or else I'm going to beat him. "Did you sleep with her while we're still together? Tell me!"

Tinanggal niya ang kamay ko sa kwelyo niya at ngumisi siya. "Do you really want to know the truth?" He's really getting into my nerves now. Mas tumindi pa ngayon 'yong galit ko sakanya. "Are you sure can handle it?"

"Just tell me the fvcking truth!"

Gusto kong kalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Punong puno na ako kay Kiro. Kung wala lang kami sa bahay ngayon, kanina ko pa siya binugbog.

"Yes, we cheated on you and yes we slept together so many times." He looked at me straight into my eyes. Napakaseryoso niya. Traydor siya. Hindi ko siya mapapatawad. "Angel loves me more than anyone of you because you know what? Until now we're still together."

"What? You're still together? How about Caleb? Did she cheat on him too?"

"How could you consider that as cheating when in the first place, that relationship is just for your fvcking plan? Overall, quits lang naman tayong lahat, hindi ba?" ngumisi na naman siya. Kinuha ko ang kwelyo ng damit niya at sinuntok ko na siya. Hindi ko na talaga kaya. Napahiga siya sa sahig at dumugo ang labi niya. "I thought you can handle the truth?" Tumawa siya, tawa na nang-aasar. T*ngina niya. "Kaya lang naman pumayag makipagrelasyon si Angel kay Caleb dahil nag away kami at kailangan niya ng masasandalan pero ngayon okay na ulit kami. She doesn't need your friend anymore."

Breaking the Bad Boy (Wattys 2016 Winner and soon to be on TV)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!