TAL Chapters 1-3 is in private!

TAL. 05 - Cass' S*X Tape?

Cassandra's POV

"Yam.."

Still no reaction.

Napakagat labi ako. He's really mad. Salubong ang kilay nya tapos ang aura nya, ang dark! Magkalapat lang ang labi nya at deretso lang ang tingin sa daan.

"Yam.." tawag ko ulit. Kung sa ibang pagkakataon siguro, kakantiyawan ko pa sya sa pagiging seloso nya. But not this time. I know totoong galit sya.

Napabuntong hininga ako. Nakatigil na kami ngayon dahil red light pero hindi pa rin nya ako nililingon. Simula ng hilahin nya ako pasakay dito sa kotse nya, hindi nya ako kinakausap. Pasalamat na nga lang din ako na hindi nya pinag initan ang lalaking kasama ko kanina. Lagot talaga sakin yun! Bwisit! Dahil sa kanya, magkakaroon na kami ng first ever LQ as a married couple!

"I am sorry, okay?" sumusukong sabi ko. I am not sorry for what happened dahil hindi ko naman ginusto yun. As if naman papahalik talaga ako sa hinayupak na yun! I just wanted to say sorry for... For making him feel jealous? Ah, I really don't know.

"Sorry for what?" malamig ang boses na sabi ng asawa ko. Gusto ko man makaramdam ng relief dahil sa wakas nagsalita na sya, pero nakakakaba naman yung cold voice nya! Daig ako ni Daryl sa ganyan ha! Akala ko ba, ako na ang may pinakamalamig na emosyon, e natalo ako nito ngayon!

"Sorry for...." hindi ko na masundan ang sinasabi ko dahil para akong nablangko.

"Sorry because I caught you?"

"No!" pabigla kong pagtutol. Napailing ako. "You really think I cheated on you?!" hindi ko napigilan ang biglaang outburst ko. Akala ko ba kilala na nya ako. If he really know me, alam nya dapat na hindi ko magagawa sa kanya 'yon!

"Then explain what I saw!" sigaw ni Daryl. I saw how his knuckles turned into white dahil sa higpit ng hawak nya sa steering wheel.

Pabigla nyang inapakan ang accelerator ng mag green light na kaya napakapit ako sa katabing pinto ko. "Daryl! Will you slow down?!"

Tila naman walang narinig ito na mas binilisan pa ang pagpapatakbo. Hindi iilang sasakyan din ang nilampasan nya at nag oovertake sya kahit sa mga truck na kasabayan namin sa highway na ito. "Daryl, ano ba?!" nakakaramdam na ako ng takot sa nangyayari. Nanunubig na ang mga mata ko at nanginginig na ang katawan ko.

"I'll explain everything to you. Itigil mo muna ang sasakyan. For Christ's sake, Daryl! Nagagalit ka ng walang basehan!"

Pabigla namang nag preno ito na kung hindi ako naka safety belt, malamang napasubsob na ako sa dashboard ng sasakyang ito.

"Walang basehan? I saw you with that infamous Tom Guanzon, Cassandra!" tila mas irita nyang sabi sa akin. Parang isa akong batang napakahirap umintindi na pilit nyang isinisiksik sa utak ko na mali ang ginawa ko. "And you are about to let that dumb as$hole kiss you! What if I was not there? Only God knows what could have happened!"

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!