I K A L A W A

463 16 0
                                    

[Jungkook]

"Grabe nagsalita siya!"
"Gaga! Nagsasalita naman talaga siya noh!"
"I mean may kinausap siya girl!"
"Oo nga eh, kinausap niya si Jungkook oppa."
"Woah! Magkakilala ba sila?"
"Peymus talaga si Jeon ano? Kilala agad nung transferee oh!"
"Grabe tong part na to guys."

Yan ang mga naririnig ko ngayon muna sa mga kaklase ko. Kinakabahan pa rin ako. SOBRA.

"H-Hello." Pinilit kong bumati pabalik at umiwas ng tingin.
"Ok, mukhang magkakilala kayong dalawa pero later na ang catching ups ok? We still have our lessons." Thank God nagsalita na si ma'am!

Gumalaw naman siya para lumakad papunta sa upuan niya na nasa likod ko lang. I can feel his stares on my back that it sent chills on my spine giving me major goosebumps. The class went on and gladly, nothing crazy happened. /sighs/
~
Ito ang unang pagkakataon na hindi ko nagustuhang nagring na ang bell na hudyat ng break time. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at halos kumaripas ng takbo papunta kina Jin hyung just to get away from his gazes.

"Kook hindi mo ba aayain-"
"Baka may gagawin pa siya eh. Tara na sa canteen hyung! Gutom na ko. Ahehehe." Pilit ko at itinutulak ko na talaga si Jin hyung at RM hyung palabas ng room.

Nagpunta na kaming anim sa canteen at pumunta sa usual table namin. Napabuntong-hininga ako. Grabe tong mga nangyayari.

"So, magkakilala pala kayo nung transferee? Si Kim Taehyung, right?" Jin hyung asked. Oh sht. I should've known na itatanong nila to. Ugh.
"Uhh... o-oo." Alanganing sagot ko.
"Ano mo naman siya melabs?" Tanong ni Jimin hyung.
"Bago ko sagutin yan, hyung, wag mo kong tawagin ng ganyan kasi nakakasakit ng utak, baka lumuha ako ng dugo. So... he and I were childhood... friends." Sagot ko.
"Ahh. So gano kayo ka-close? Dapat maging friendseu tayong lahat!" Masiglang sabi ni J-Horse a.k.a J-Hope or Hobie hyung. Alam kong masama pero hindi ko nagustuhan ang ideyang to ni Hobie hyung. Aish.
"Uhh..."
"Shh! Shut up people! I need silence." Napatingin kaming lahat kay Suga hyung na nagsabi nito. Nagtama ang mga mata namin at parang may mensahe ang tingin niya. Parang naiintindihan niya ang nangyayari. Observant talaga siya, napansin niya sigurong uneasy na ko dito. Thanks Suga hyung!
"Kumain na tayo, lalamig ang mga pagkain." Sabi ko nalang. Napa-gasp naman si Jin hyung at nagdrama na bakit daw nawala yun sa isip niya, dapat daw dinidisiplina niya ng ayos kaming mga anak niya.

Natapos na kaming kumain kaya napagdesisyunan na namin bumalik sa room. Buti nalang wala ng nag-open ulit ng topic tungkol sa kanya. Habang naglalakad sa hallway, biglang humangin ng malakas. Napuwing ako at kesa kusutin ko ang mata ko at mairritate ito, nagpaalam nalang ako sa kanila na pupunta muna sa CR para maghilamos.

Deretso agad ako sa sink pagkapasok ko. Argh. Grabe angsakit sa mata nung puwing. Huhuhu. Nagluluha ako. Naghilamos na agad ako. Pagtunghay ko sa salamin, nanlaki ang mga mata ko. Parang scene sa horror movies, nasa likod na ng bida ang kinatatakutan niya pagharap sa salamin. Yes, Kim Taehyung is standing behind me, looking at me in the mirror. Humarap ako sa kanya para ma-sure kung hindi ako namamalikmata kaso unluckily, totoo siya. Bigla nga niya kong niyakap eh. Anghigpit ng yakap niya na para bang madadala ako ng hangin palayo kapag niluwagan niya ang yakap kahit konti.

"A-ano ba? Bi-bitawan mo k-ko." Piglas ko.
"Kookie." Kinilabutan ako nang tinawag niya ko. His voice was so deep and husky when he said my name. "Kookie, I-" the bell rang again indicating the break time's over. Saved by the bell! Lumuwag yung yakap niya nung nagbell kaya I grabbed the opportunity para makawala sa yakap niya.
"May klase na." Sabi ko lang at lumabas na kaagad ng CR. Ano pang imamalas ko sa araw na to?! Argh!
~
"Suga hyung, salamat pala kanina." Sabi ko nung tumabi sakin si Suga hyung dito sa sahig. Nasa practice room kami, club activities ngayon. Kapag kasi friday ang last 3 school hours namin ay club activities. And today's friday.
"Maybe you're not yet ready to tell us about it but I'm always here to listen kid." Suga hyung said tapos ginulo buhok ko.
"Salamat hyung." Sabi ko.

I Need You (VKook Obsession FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon