Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter Seven

218K 6.3K 1.1K
                                    

Chapter 7.

ABALA ako sa pag-aayos ng mga laruan ni Lucio. Ikinalat na naman kasi niya ang mga laruan niya. Naroon siya sa salas, nanonood ng kung ano kasama ang lolo niyang si Mr. Palermo. Dapat kasi ay maglalaro sila ng XBOX ni Lucas pero ano bang aasahan ko sa lalaking iyon? May babae nga, e. Natural lang na mas uunahin niya ang babae niya kaysa anak niya. Wala siyang kwenta.

Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Lucas. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko kung gaano umaalab ang mata niya sa galit.

“What the fuck did you do, Hestia?” sigaw niya sa akin.

“Ano?”

Lumapit siya sa akin at hinigit ako sa braso. “You just messed up with my girl. Why did you do that, huh? Because you want me for yourself? Tell me!”

Wow. Iniisip niya talaga iyon? All this time, I’m doing all my best for the happiness of my son. Hindi ko iniisip ang kasiyahan ko. At kung kasiyahan din naman ang pinag-uusapan, hindi si Lucas ang sagot doon. Mahal ko siya, oo. Pero hindi niya ako kayang pasayahin.

“Sino ka ba sa akala mo, ha?” sigaw ko.

He grinned. “Wow. Do you want me to ask you who I am? I know that you love me. You said that. Ano pa bang dahilan para hindi ka makisawsaw sa kung anong relasyon ko sa babaeng kasama ko kanina? She’s a fucking model!”

“Ano naman kung model siya? Ikayayaman ko ba ang impormasyong iyon? Saka, ano bang ginawa ko? Ipinaalala ko lang naman sa iyo na hihintayin ka ng anak mo. I overheard you that you will spend your night with her!”

“Now, that’s the point, Hestia! You don’t want me to spend my night with her. Am I right?”

Mahal ko siya. God knows that. Pero hindi ko kailangang gawin iyon para sa sarili ko. Kung desperada ako noon, pwes ngayon hindi na. Hindi ako magiging forever desperada. Bakit ko ba minahal ang saksakan ng walang kwentang lalaking ito?

“You’re over reacting. Ginawa ko iyon dahil ayokong paasahin mo si Lucio. Nangako ka sa kaniya and then I just heard that you’re going to spend the night with her? What are you, Lucas?”

He runs his fingers through his hair. He looks frustrated. “You know what? She dumped me because of you!”

I rolled my eyes at him. “Sorry, ha? Malay ko bang girlfriend mo iyon at mas mahalaga iyon sa anak mo.”

“Hindi ko sinabing mas mahalaga siya sa anak ko!” Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw niya.

I raised my hands up bilang pagsuko. “Stop it, Lucas. Baka mamaya marinig pa tayo na nagsisigawan dito. Nangyari na. And sorry kung gano’n.”

“I don’t care about your fucking sorry. I just want to remind you that you’re a stranger to me outside this house or even inside this house. Get it? You have no rights to talk to me as if we’re close specially in public place.”

Hindi ko na kinakaya si Lucas. He’s a freak.

“Fine! Are we okay now?”

He glared at me. “We will never be okay. Kakausapin lang kita o tatratuhin lang kita nang maayos sa harap ng anak ko. So don’t assume.”

As if, nag-a-assume ako? Ang kapal talaga ng mukha niya. Ngayon ko siya mas nakikilala. Mali ako ng lalaking minahal.

“Okay! Alright!”

Tiningnan pa niya akong muli nang masama bago ako nilampasan at pumunta sa walk-in closet. So hindi pala siya mag-o-overnight sa babae niya dahil wala na sila. Napangiti ako sa isipin ko pero saglit ko rin iyong iwinaglit. Why do I need to act this way?

Mahal ko pa siya, oo. Pero hindi ko hahayaang masaktan ako sa mga sinasabi niya. I am stronger.

-

KAGAGALING ko lamang sa private office ni Mr. Palermo dahil kinailangan ko ng printer at xerox machine. Kumpleto kasi roon. Nakausap ko na ang may-ari ng commercial building na nakita ko kanina at thank God, it was all settled. Napag-usapan namin ang ilang details at gusto ng may-ari na makausap ako nang personal bukas. Ibinilin na rin niya sa akin ang documents na kailangan kong dalhin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Lucas—namin. Baka kasi tulog na ang mag-ama, at ayokong maistorbo ang tulog nila ngunit napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Lucio.

“Bakit po hindi mo kami dinadalaw sa bahay namin do’n sa malayo?” tanong niya kay Lucas.

Masyado silang busy sa pagkukwentuhan kaya hindi nila napapansing nakatayo na ako rito sa may pinto na medyo nakabukas nang kaunti.

“Because . . . I was busy? As you can see, nagtatrabahaho ako sa malaking kompanya and I’m the big boss.”

I rolled my eyes. Busy? Hindi ka busy! Hindi mo lang talaga pinanindigan ang anak ko!

Hindi ko maiwasang hindi makinig sa pag-uusap ng mag-ama. Ayoko namang putulin ang pagkukwentuhan nila.

“Big boss? Ibig sabihin, malaking boss ka?” amazed na tanong ni Lucio.

I can’t help but to smile looking at my son with so much happiness in his eyes. Alam kong kumpleto na ang kasiyahang nararamdaman niya dahil nakilala na niya ang ama niya.

“No. Ibig sabihin, ako ang pinaka-boss ng lahat,” pagmamayabang ni Lucas. He was gentle. But now, he’s . . . rough. The way he talked to me a while ago, he’s a jerk.

“Astig! Talaga, Papa? Pwede ba akong sumama sa kompanya mo? Gusto kong makita kasi ‘yung malaking building mo.”

Mukha namang magkasundo talaga ang mag-ama. Well, kami lang naman ni Lucas ang sa tingin ko na hindi magkakasundo.

“Yes. You can. Anytime.”

Nagkibit-balikat ako. Ayos lang sa akin na isama niya si Lucio sa kompanya pero huwag na huwag niyang ipapakita sa anak ko ang pakikipaglandian niya sa kung kani-kanino. Ayokong matulad ang anak ko sa kaniya.

“Yehey! E, Papa, ‘di ba ang mag-asawa, nagmamahalan?”

Napalunok akong bigla sa tanong na iyon ni Lucio. Bakit naman niya tinatanong iyon?

“Uh, yes?”

“Ibig sabihin po ba, mahal mo si Mama tapos mahal ka din ni Mama?”

Muntik na akong mabilaukan sa sinabing iyon ni Lucio. Kung bakit kasi napakadaldal ng anak ko? Sa edad niyang iyon, masyado na siyang matanong.

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit kumakabog ito nang malakas. Umaasa ba ako na sasabihin ni Lucas na mahal niya ako? Imposible. Alam na alam kong hindi niya ako mahal at wala siyang nararamdamang kahit ano para sa akin. Kung may nangyari man sa amin noon, dala lang iyon ng init ng katawan niya. At ngayon, pinakikisamahan lang din niya ako para sa anak namin.

Pero umaasa ka pa rin na mamahalin ka niya . . .

Iwinaglit ko ang gumugulo sa isip ko. Hindi! Kung maaari lamang ay mawala na ang nararamdaman kong pagmamahal para kay Lucas. He’s not worth loving for.

“Son,” panimula ni Lucas saka inayos nag kumot nila ni Lucio. “May mga bagay na kumplikado at dahil bata ka pa, hindi mo iyon maiintindihan. But I swear, kapag malaki ka na, maiintindihan mo ang lahat.”

Playing safe sa sagot. Pwede naman niyang sabihing hindi. Expected naman na iyon. Pero sa kabilang banda, alam kong masasaktan si Lucio kapag nalaman niyang hindi nagmamahalan ang magulang niya—dahil ako lang ang nagmamahal. Ang tangang nagmamahal.

“Gano’n po ba, Papa? Pero last na lang po. Hindi ba po, kapag mag-asawa, nagki-kiss?”

What the? Did he just asked . . . no, not this. Masyado nang nagiging madaldal si Lucio at hindi na tama iyon. Bakit ba ganoon kalawak ang isip niya?

“Y-Yes . . .” Napansin kong nagulat si Lucas sa tanong ng anak niya.

“Bakit hindi ko pa kayo nakikita ni Mama na nagki-kiss?” tanong ng inosenteng si Lucio.

Mukhang natameme rin si Lucas sa tanong na iyon.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Pinky, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Pinky
@pinkyjhewelii
Hestia has learned her lesson: never flirt with a casanova or else, y...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 39 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @pinkyjhewelii.
Casanova's Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon