AN: Hello sa inyo na patuloy na sumusuporta sa story ko. Huhuhu. Alam kong medyo boring siya. Sorry na ! Sa mga lagi kong pinapasalamatan dito @black_lutos165 @JudieRoseAtordido @AngelikaTuazon61 @littlemizzANCILLA  @missciaramae_ . Thank you, thank you ulit. Naaappreciate ko talaga yun. Tapos sa mga positive niyong feedback thank you din. Nakakatuwa talaga :D Thank you din @abatay :) Sa new reader ko @RjAriesMorada, Hello sayo :)

Please keep on supporting my story. Again, this is dedicated to all of you guys :D

Love youuuuuu :*

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Caela's pov

Pagkatapos ng history class namin kanina, umalis na si sir Devione. Lumapit naman sa pwesto namin ang Superiors. Nakita kong napalingon sa banda namin ang grupo nina Nathalie pati na rin ang halos lahat ng mga estudyante sa loob ng mediocris section. But I didn't mind them. As long as wala akong ginagawang masama, hindi ko papansinin ang mga masasama nilang titig.

"Waaah! Ganda, gusto naming sumabay mag-snack sa inyo kaso kailangan kami sa HM's office." malungkot na sabi ni Peter at humawak pa siya sa kaliwang braso ko.



"Oo nga, sayang manlilibre pa naman si Jack. Alam kong maganda siya, kaso wrong timing talaga minsan si Headmistress eh." sabi naman ni Marcus na tumingin pa kay Jackson habang tumataas-baba ang dalawa niyang kilay. Narinig naman namin na napa-'tss' si Jackson.



"Baka manlibre yang si Jackson. Magsalita nga ang dalang, manlibre pa kaya. Hahaha." natatawang sabi ni Harper.



"Ano ba kayo, okay lang naman yun. Kaming tatlo na lang nina Michie ang magkakasabay sa pagkain." nakangiti kong sabi sa kanila. Nakakahiya! Hindi naman nila kailangang malungkot dahil sa hindi nila kami kasabay sa pagkain.



"Pero kasi gusto namin talagang kasabay kayo. Huhuhu." kunwaring umiiyak na sabi ni Audrey na humawak pa sa kabilang braso ko. Ndddapapailing na lang kami sa inasal niya. Hahaha. Ang childish din pala niya



"Ang OA mo naman Audrey, makikita mo naman si Honey ko mamaya o kaya bukas. Siguradong saglit lang naman yung sasabihin ng HM" sabi ni Ian. Honey? Eh? Sino yun?



"HONEY KO?" sabay-sabay na sabi nung walong superior, siyempre liban dun sa tatlong laging seryoso sa buhay, pero nakita ko silang napatingin din kay Ian.



"Oh bakit? Si Caela honey ko, hindi ba namin kayo nainform?" inosenteng tanong ni Ian sa amin at kinindatan pa ako. HAHAHA. Aba matinde -___-

plok

plok

plok

plok

plok

plok

plok

plok

"ARAAAAAAY KO NAMAN." daing ni Ian. Binatukan kasi siya nung walo. Hahahaha. Natatawa na lang kami nina Sophia sa kakulitan nila.



"Ilusyon pa ha? Pinagsasasabi mo diyan? Hindi ka gwapo, para maging bagay kayo ni Caela. Si Dashiell pa okay. TEAM CASHIELL ako" pinanlakihan pa ng mata ni Beatrice si Ian at kinindatan naman niya ako. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng magkabila kong pisngi, kaya napatingin ako sa gilid ko para hindi nila makita ang pagpula ng pisngi ko, pero wrong move na naman. Nandun pala si Dashiell at kasalukuyang nakatitig sa akin. Sheeeems! Lalabas yata yung puso sa dibdib ko, hindi ko alam kung saan ko ibabaling yung ulo ko. Ang lakas na naman kasi ng kalabog ng puso ko. At natatakot akong baka marinig niya ito. 



Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!