Epilogue

1K 36 0
                                    

Tory's P.O.V

Pagkatapos ng lahat ng nanyari, hindi ko aakalaing magiging maayos rin pala abg lahat. At kahit papaano, may nanatili parib sa tabi ko.

Si Mirella na ngayong bago ko ng bestftiend lagi na kaming magkasama sa mga pupuntahan. At masaya ako dahil nagkapatawaran na kami. Nangako rin ako sa kaniya na hinding hindi na ako gagawa ng masama. Masaya ako nung maniwala siya.

Si Wendell na ngayon ay may girlfriend na, napatawad na rin ako. Hindi nga lang buong buo perp kahit papaano. Payag siyang maging magkaibigan kami uli. Masaya ako para sa kanila ng Ate ko.

Si Warren, ayun. Galit parin siya sa akin. Pero heto, payag naman siya na bumawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kaniya. Yun nga lang, kahit friends lang uli ayaw daw muna niya. Naiintindihan ko naman siya. At ayos lang sa akin yun. Naiintindihan ko.

Si Jeff, ayun.. Ayun nga. So, uhm.. Ewan. Sa lahat ng naging kasalanan ko sa Ate niya, nagawa pa niya ako ngayon pormahan. Pilit niya ako ligawan kahit sabi ko e saka na. Pumayag rin naman ako dahil sincere siya. At.. Alam kong kahit siya napatawad na rin ako. Atsaka, pumayag rib akong magpaligaw kasi nagugustuhan ko na rin naman siya kahit papaano e.

And lastly, si Ate Mirae.. Oo. Buhay siya. May mga police kasi ang bigla biglang dumating dun, kaya naidala kagad si Ate sa hospital. Hindi ko alam. Pero ang sabi may nagnga-ngalang Betty raw ang tumawag sa kanila.

Nagpapasalamat ako kay Betty, dahil sa kaniya.. Makakasama ko pa ang Ate ko. Maraming salamat talaga sa kaniya.

Nagi-guilty tuloy ako, kasi.. Sinaltan ko siya -- Pinatay ko siya to be exact. At sana, napatawad na niya ako. Sana lang talaga.

"Tory, tara na! Male-late na tayp. Hinihintay na tayo nina Mirella!" Tawag sa akin ni Ate Mirae mula sa baba.

"Andyan na!"

***

"Tara picture tayo!" Aya ni Jeff sa fujifilm na shop. "KKB nga lang. Si Tory lang libre ko."

"Paano ang Ate mo?" Paalala ni Mirella. Nginitian lang siya ni Jeff.

Pagpasok sa studio, nagngitian na kami. Ready na sanang magpicture pero biglang umimik si Wendell. "Mirae,"

"Hm?"

"Takot ka ba sa ipis?" Bigla naman kaming napatalong mga babae sa sinabi ni Wendell. Magtanong ba naman ng ganun?!
"Ano na kayo, nagtatanong lang ako."

Sabay akbay uli ni Wendell kay Mirae. "Kasi ang totoo niyan.." Rinig kong bulong ni Wendell. "Nasa paanan mo na."

Tilian na naman kaming mga babae habang ang mga lalaki, ayun tawanang tawanan! Patayin ko sila e! Haha, syempre joke lang yon.

Kaya ang nakuhang shot nung babaeng photographer ay eto, Si Ate nakasakay sa likod ni Wendell na halatang nagtiti-tili. Si Mirella, napayakap kay Warren habang nakaangat ang dalawang paa habang nakapikit ay nakanganga, nakiyakap naman si Warren.

At si Jeff at ako, nakapwesto sa gitna. Natumba kami kaya napaupo ako sa lap niya habang siya nakangiti sa camera, at ako yakap na yakap sa leeg niya habang nakatalikod at halatang nagtiti-tili.

"Ang sweet niyo naman po sa picture na to," Komento ng photographer. "Kayo po ba ay magjo-jowa?"

Uhm.. Nagulat ako sa nagsalita. "Actually, nililigawan ko palang 'to." Sabi ni Warren habang naka-akbay kay Mirella.

Si Jeff naman ang sumunod. "Malapit ng maging kami."

Si Wendell naman ang nagsalita. "Actually, nililigawan ko na rin siya. Para sa.. Next level." Sabay taas baba ng kilay ni Wendell kay Mirae.

"Group hug!" Sigaw namin, sakto pinicturan kami nung photographer.

Ito. Ito ang masayang buhay. At ito.. Ito ang barkada ko.

Hindi ang mga killer.

The End.

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon