Chapter 17: FishBall Time

1.4K 39 0

Kailley's Pov

Matapos ang katakot takot na pang-aasar sa akin ni Nathan ay sa wakas tumigil na siya.

---Flashback----

"Nathan bumalik ka na dito" Hingal na hingal akong humahabol sa kanya. Grabe gusto niya ata akong mamatay sa pagod.

"Tss ang lampa naman ng wife ko di man lang ako mahabol habol" Sabi niya sabay takbo na naman. Di ba siya napapagod kakatakbo? Ako pagod na pagod na jusko lang.

Takbo lang siya nang takbo habang ako habol lang ng habol sa kanya. Maya maya hihinto tapos pag malapit ko na siyang maabutan bigla na namang tatakbo. Tss tell me bakit ko ba minahal ang lalaking to?

"Pag nahuli kita humanda ka talaga sakin" Habol lang ako nang habol sa kanya hanggang sa nakarating na kami sa garden. Tumigil siya at maya maya pa ay humiga siya sa damuhan. Tinignan ko lang siya. Pwede namang higaan ang damo dito kasi alaga naman tong garden nato kaya wala akong dapat ipag alala.

"Wife come here. Tabihan mo ako dito" Sabi ni Nathan habang nakangiti sakin kaya humiga na lang din ako sa tabi niya. Tinitigan ko siya at nakita kong mukhang malalim ang iniisip niya. Kannina lang ang harot harot tapos ngayon anh tahimik. Talo pa ang babaeng meron sa bilis ng pag iiba ng mood neto eh

"Anong iniisip mo?" Tanong ko habang nakatitig sa kanya. Bigla na lang siyang napapikit at huminga ng malalim.

"Ikaw" Maikling sabi niya habang nakapikit pa rin. Biglang namula ang pisngi ko da sinabi niya. Buti na lang talaga at nakapikit siya. Nakakahiya

"Tss. Ang dami mong alam" Sabi ko.

"Madami alam ang utak ko kasi K paloang ang naririnig ko eh pangalan mo na ang naaalala ko" sabi nya sabay harap sa akin


Hinaplos haplos nya ang mukha ko ..

"White skin like a snow, perfect pointing nose, beautiful eyes that full of love and happiness and ... and " sabi nya then tumitig sa lips ko

"and .. kissable lips that i want kiss all night and even in all my life .. Kailley can i kiss you?" tanong nya ... Narinig ko ang pagluinok ng laway nya ...

Wag mo na akong tanungin Nthan .. Basta sayo .. laging ready ang lips ko ... yan ang gusto kong sabihin pero di nya na ako pinagsalita ng siniil nya ako ng halik ...

A passionate kiss that shows the full of love with each other

Tumigil na kami then pinagdikit nya ang dalawang noo namin

"kanina pa ako nagtitiis na halikan yang labi mo eh ... isa pa nga" sabi nya kaya namula ako ...

"ouch" binatukan ko kasi ...

"Tss .." yan lang ang nasabi ko

"Kinikilig naman sya" sabi nya .. so lagi mo na lang ba akong gaganyanin nthan ha??

"Tss.. ako ?? di noh !! asa ka naman" ewan ko kung bvakit yan ang lumabas sa bibig ko

"Di daw pero nasarapan sa kiss ko" sabi nya .. aba loko to ah

"Loko ka eh nuh" sampay hampas sa kanya

"hahha babe chillax .. tara punta tayong park" sabi nya .. hinila nya na ako palabas

Nandito na kami sa park .. umupo kami sa may swing

Maya maya may nakita akong Fishball .. Yey FishBall Time!

"Tara Nathan Fisball tayo" aya ko .. nagpahila lang sya

"Manong dalawang cup nga po ng fishball" inabot ko yung bayad then binigay na yung fishball

"What's this?" tanong ni Nathan sa akin ... ngayon lang ba sya nakakita nyan ??

"Fishball ang tawag dyan, masarap yan dali tikman mo" sabi ko pero parang nag aalangan sya

"Ligtas ba ito?' tanong na naman nya

"oo ... tara kain na" sabi ko pero di pa rin nya ginagalaw kaya sinubuan ko na lang

"Its delicious wife, ngayon lang ako nakakain ng ganito" sabi nya sabay kain ng Fishball ko .. meron naman sya ah .. .tsk

"kainin m okaya yung sayo at di sa akin" sabi ko sa kanya ..amauubos na kasi

"Yung sayo na lang para sweet at ibibigay ko dun oh" tinuro nya yung batang namamalimos

"Tara wife bigay na natin" hinila nya na ako

"Bata sayo na lang to oh" sabi ni Nathan ...

"S-salamat po kuya, ilang araw na po kasi akong di kumakain" sabi nung bata .. nakakawa naman sya ...

"Sige kainin mo na yan ah , magpakabusog ka" sabi niNathan

"Kuya salamat po at may mabuti kang loob, balang araw masusuklian ko po ang kabaitan mo" sabi nung bata

"Welcome, bye" paalam nya kaya nagpaalam na rin ako

May nalaman na naman akong bago sa kanya kasi meron naman pala siyang mabuting puso sa kabila ng ugaling nakikita ko dati sa kanya. At isa lang ang masasabi ko...

Masaya tong araw na ito.

Nathan's Pov

I'm happy with her. Hindi ko alam kung bakit basta masaya ako pag nandyan siya.

----End of Flashback---

Someone's Pov

Kailley sana pag nakuha na kita makalimutan mo na yang Nathan na yan kasi kapag napa sa akin ka na. Sisiguraduhin kog ikaw mismo ang papatay sa kanya.

Dati pa lang akin ka na. Mga bata pa lang tayo mahal na mahal na kita at nangako ako sa sarili ko na ikaw ang babaeng papakasalan ko pero nawala ang lahat ng yun nang dumating siya sa buhay mo.

"Pakibantayan niyo ang lahat ng kilos nina Nathan at Kailley" Sabi ko sa malamig na tono at tinignan ng seryoso ang mga tauhan ko.

"Opo boss"

"Dapat lagi lang kayong nakamasid sa kanila"

"Sigurado yan boss"

''Balitaan niyo ako sa lahat ng ginagawa nila kundi mawawala na kayo sa mundong ito"

"Yes, Mafia Prince"

Ms_CupcakeLover


My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!