Chapter 35: Reasons

517K 15.7K 5.1K
                                    

Skie's point of view


Three days ago..



Pagdating namin sa canteen may kumpulan sa bandang gitna. Lumapit kami don at nagulat ako ng makita ko si Anya kasama si Angel. Naunang maglakad sa amin si Caleb.

"Oh, nandito na pala sila Caleb. Bakit hindi mo itanong sakanya ang totoo? Ang totoo na plano lang ang lahat ng 'to. Plano nila na ma-in love ka may Caleb at kapag nangyari na 'yon makikipaghiwalay din si Caleb sayo para masaktan ka at para bumalik ka na sa New York! Ngayon alam mo na ang lahat, mabuti pa umalis ka na dito!"

Halos hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Paano nalaman niya Anya ang tungkol don?

Tinignan ko si Caleb at kahit siya gulat na gulat na parang hindi din siya nakagalaw sa kinakatayuan niya. Hinawakan ko siya sa balikat niya. "Angel, let me explain." Sambit niya.

Bigla na lang umiyak si Angel. Parang may kumurot sa puso ko. Pakiramdam ko pati ako nasasaktan.

"Explain? Explain what?! Malinaw naman sakin 'yong sinabi niya eh, niloko niyo ako at pinaglaruan niyo ako! Pinagkatiwalaan kita Caleb! Akala ko mahal mo talaga ako! Akala ko nagbago ka na talaga! Nagkamali pala ako! Ang tanga tanga ko!" Pinunasan niya ang mga luha sa mata niya. Lumalit sakanya si Caleb pero tinulak niya 'to palayo. "Wag mo akong hahawakan!"

"Babe nagkakamali ka, oo totoo na plano lang lahat ng 'to pero matagal na namin tinigil 'yon simula nang mahulog talaga ako sayo. Totoong mahal kita, mahal na mahal kita. Babe, please makinig ka sakin."

Naiiyak na din si Caleb, ramdam ko 'yon.

"Wag mo akong tawaging babe! Wag ka nang magpanggap dahil nasaktan niyo na ako!" Tinignan ako ni Angel at kitang kita ko sa mata niya ang galit. "At ikaw Skie, akala ko sincere ka nang sabihin mong gusto mo akong maging kaibigan pero hindi pala! Ganyan ba talaga kalaki 'yong galit mo sakin na gumawa ka pa talaga ng plano para saktan ako at paalisin ako? You're so pathetic!"

"Angel, mali ka nang iniisip. Oo naisip ko 'yon pero tinigil na namin yon at totoong minahal ka ni Caleb!"

"Hindi niyo na ako maloloko! Magsama sama kayong lahat!"

Tumakbo palayo si Angel sa amin. Nakatulala lang kaming lahat pati sila Enzo at Luke. Totoo ba talagang nangyayari 'to? Parang ayokong maniwala.

"Tignan mo kung anong ginawa mong babae ka!" kitang kita ko sa mata ni Caleb ang sobrang galit na pati ako natatakot sa mga pwede niyang gawin. Nasa likod ko lang si Anya at ang higpit ng pagkakakapit niya sa kamay ko, alam kong pati siya natatakot din kay Caleb. "Hindi mo ba alam na matagal nang tapos ang plano namin at simula non lahat ng pinakita ko kay Angel lahat 'yon totoo na. Totoong mahal ko siya! Kaso tignan mo 'yong nangyari, dahil sa ginawa mo nagalit siya sakin at ayaw na niya akong pakinggan! Ano ba kasing problema mo ha?!"

Hawak hawak ni Enzo si Caleb sa balikat niya para hindi siya makalapit sa'min dahil sa sitwasyon niya ngayon, hindi imposible na masaktan niya si Anya. "Caleb, huminahon ka muna. Pag-usapan natin ng maayos 'to." sambit ko.

"Pag-usapan ng maayos? Kitang kita mo naman kung anong ginawa niyang magaling mong girlfriend 'di ba? Pinahiya niya si Angel at sinaraan niya pa ako." pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko. Parang hindi ko kayang ipasok sa utak ko lahat ng mga nangyari ngayon o sabihin na lang natin na hindi ko matanggap 'yong mga nangyayari ngayon. "Alam mo pasalamat nga siya kasi girlfriend mo siya kasi kung hindi kanina ko pa siya sinaktan."

"Hindi ko naman alam na tapos na 'yong plano niyo eh, akala ko tuloy pa din ang lahat kaya ko 'yon nagawa! Akala ko mas makakatulong 'to para mas masaktan niyo si Angel at para na din bumalik na siya don sa New York." hinawakan ni Anya ang kamay ko at tumingin siya diretso sa mata ko. "Baby, maniwala ka sakin, nagsasabi ako ng totoo. Akala ko kasi 'yon 'yong tamang gawin kaya ko 'yon ginawa. I'm really sorry. Baby wag kang magalit sakin, please."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon