Caela.

Nagsimula na muling magdiscuss si Sir matapos ang nangyaring diskusyon kanina. Gustong-gusto kong malaman ang history ng academy at ng mundong kung saan ako naroroon ngayon.

Kung gugustuhin ko naman kaya kong basahin ang nasa isip ng taong nasa harapan namin ngayon para malaman ko agad ito pero ayoko ng ganoon. Gusto kong malaman ang isang bagay hindi dahil binasa ko ito sa isip nila kundi dahil sila mismo ang nagsabi sa akin nito. Tsaka ipinangako ko na hindi ko gagamitin ang pagiging mind reader maliban na lang kung kinakailangan.

"El Mystique World has seven kingdoms. First is the Pyro Kingdom wherein it's being ruled by King Darwin and Queen Eliza Lockridge, the parents of the Fire prince Dashiell John Lockridge. It is located at the East wing of this world. The second one is the Hydro Kingdom which is being lead by King Johnson and Queen Jackie Smythe, Prince Jackson's parents. Their kingdom is on the West wing while the Aero Kingdom of King Voltaire and Queen Johanna Darcey is on the North Wing of El Mystique.

The Earth Kingdom is on the South wing and being ruled by King Mason and Queen Adrianna Baites together with their daughter Princess Audrey and their nephew Prince Marcus Adam. The fifth kingdom is the Ice Kingdom which is on the left side of Water Kingdom. It is being lead by King Kenneth Farrell and his son and daughter Prince Kent Austin and Princess Beatrice. The sixth kingdom is the Sorcery Kingdom of Queen Chloe Asselin and Princess Zoey which is being located at the right side of Earth Kingdom.

The last one is the Mystique Kingdom which is the center of all the kingdoms. It keeps the balance of the whole El Mystique world. King Arnold and Queen Jazmine Mitchell is the ruler of this kingdom. They are the one who built the Mystique Academy. Queen Jazmine is the creator of the barriers in whole academy, to protect all the students from the dark mages and dark wizards who's living in the Darko Kingdom. Darko Kingdom is being ruled by Armand Mitchell brother of King Aeris."

Mataman lang akong nakikinig kay Sir. Gusto kong maintindihan lahat-lahat. Ayokong magkaroon ng tanong sa isip ko at gusto kong malaman kung nandito nga ba ang tunay kong mga magulang.

"Sir, paano nangyaring si Armand ang naging hari sa Darko Kingdom, e kapatid siya ni King Aeris diba?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.

Oo nga. Bakit kailangang maging kalaban siya? Meron pala talagang ganun, sarili mong kadugo pero siya pa ang matindi mong kaaway. Ayoko. Ayokong mangyari din sa akin iyon.

"Nobody knows what really happened to the Mitchell brothers. Even the King doesn't want to tackle the reason. It is just one day Armand declares war between Darko Kingdom and the entire kingdom in El Mystique. And that war leads to the lost of the Mystique Kingdom's Princess." pagpapatuloy ni Sir Devione.

Princess? May nawawalang prinsesa ang Mystique Kingdom?

"Missing Princess, sir? How? Bakit hindi namin alam na may nawawalang prinsesa ang Mystique?" naguguluhang tanong ni Nathalie.

So hindi din pala nila alam? Ngayon lang ba itinuro ang history dito sa academy? Ang dami kong tanong.

Napalingon ako kina Peter at nakita ko silang nakikinig. No, hindi naman sila mukhang nakikinig mas tamang sabihing nakatingin lamang sila kay Sir. Alam na siguro nila yung history, hindi naman kasi bakas sa kanila ang mga nagtatanong na mukha.

Napadako ang tingin ko kay Dash and I didn't expect na titingin din siya. Shems! My heart is beating faster, again. Yung tipong aatakehin na lang ako sa puso bigla kahit na wala akong sakit. Malala na talaga. Waaah! Ayoko ng ganito!

Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Sir, ramdam ko pa rin ang titig niya na nagmumula sa likod. Naramdaman kong nag-iinit na naman 'yung pisngi ko.

Sophia looked at me, giving what's-the-problem-look and I just gave her my don't-mind-me-look. Mukhang interesado rin 'yung dalawa kong madaldal na kaibigan sa history ng mundong ito.

"Yeah. Mystique Kingdom lost their one and only princess. Only the council and also the Superiors were the one who knew about it. Nineteen years ago, when Armand declared war between his and our kingdoms, Queen Jazmine brought the Princess to the mortal world and gave it to someone just to save her.

But Armand's right hand Cameron, gave the Queen a curse of forgetting a certain memory. Queen Jazmine can't remember to whom she gave the princess. That Princess will be the one who will end the evilness of Armand and his people according to the prophecy. But because of that curse, it is hard for us to find her." malungkot na saad ni Sir Devione.

Yeah. Nakakalungkot talaga ang nangyari sa Prinsesa, pero mas nakakalungkot sa parte ng reyna. Gusto niya lang naman mailigtas ang anak niya, pero ang kinalabasan nakalimutan pa niya. Pero paano malalaman kung sino ang nawawalang prinsesa?

"Sir, paano malalaman kung sino ang nawawalang prinsesa. May mga palatandaan po ba?" tanong ni Mitchie.

Thanks for asking, Michie.

"A crown birthmark on her right shoulder. And we know, the dark king is also making his move to find the missing princess." Talaga palang napaka-importante ng prinsesang iyon.

Sana mahanap na agad siya. Kaya pala pakiramdam ko na parang may kulang nang tumuntong ako dito.

Pero ang ipinagtataka ko sa lahat na alam kong napaka-imposible talaga at isang napakalaking tanong na nasa isip ko ngayon ay bakit... bakit may crown birthmark din ako sa kanang balikat ko?

Yes, I have a crown birthmark on my right shoulder and no one knows it except from my Mama and Papa.

Ayokong mag-assume na ang reyna at hari ng Mystique kingdom ang tunay kong magulang. Katulad din nang sinabi sa sulat ni Papa, may suot na korona ang babaeng nakita nila noon.

Napahawak na lang ako sa sentido ko. Bigla yatang sumakit ang ulo ko. Hindi ko kinakaya kung ano man ang pumapasok na impormasyon dito,

"Okay ka lang ba?" nagulat ako nang hawakan ako ni Sophia sa kamay.

"Bakit anong nararamdaman mo?" pahabol na tanong ni Mitchie.

"Ahm, w-wala. I'm okay. Don't worry." Nginitian ko sila para huwag nang mag-alala.

Gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. I don't want to jump into conclusions especially that I don't have any proofs in my hands.

Katulad nga nang sinabi ng mga tinig sa aking panaginip, just go with the flow. Kung buhay man ang mga magulang ko at kung sila nga iyon, gagawa naman ng paraan ang tadhana para magkakilala kami.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!