Tumingin ako kay Ash. Nasa likod niya ko. Nakikita ko na ang laki ng ipinayat niya. Ngayon ko nalang napansin. Kahit pa naka sweater si Ash hindi e. Pumayat talaga siya. Pero kahit na ganun maganda pa din siya. Kahit pa likod pa lang yan. 

Hindi naman kaputian si Ash. Sakto lang. Morena ika nga. Ang buhok niyang rebonded na may pag ka blonde Ash ay bumagay sa kanya. Hindi din ganun kataba si Ash tama lang. Medyo malaki nga lang ang braso. Kaya malakas sumuntok e. Hindi din ganun katangos ang ilong ni Ash pero kung titingin ka sa mga mata niya na medyo kulay chocolate at sa manipis niyang labi masasabi mong maganda siya. Pero iirapan ka lang niya at sasabihing, 

"Pogi ako. At kaakibat ng pagiging pogi ang pagiging mapag patawad. Kaya sige pinapatawad na kita. Basta Pogi ako ha?." And then she'll flash her "Angas" smile. Angas smile ang tawag niya. Astig daw kase siya. Tss, baliw.

"Ang ganda ng sunset no?" Deretso ang tingin sa sunset habang marahan ko siyang tinutulak. Napatingin siya sakin. Aaminin kong sanay na kung nakikita siyang umiiyak at masakit sakin yun. Mabilis niyang pinahid ang luhang namumuo nanaman. Indikasyon na hindi pa siya tapos.

"Ang ganda no?" Pag ulit nya habang nakatigin pa din sa araw. Ngumiti siya ng tipid at nag nod pa sa sarili nya. Umupo ako sa tabi niya. 

"Ash pinapayagan na kita." Tumingin ako sa kanya.

  "Pinapayagan na kitang umiyak sa harapan ko. Alam kung pinipilit mo lang ngumiti. Alam kong madami ka ng hindi sinasabi sakin." Ngumiti siya. Pero agad ding nag laho yun at isang kisap mata lang ay yakap niya na ko at tahimik na umiiyak. Umiiyak na siya. Nasasaktan ako pero ayoko na itigil niya ang pag iyak nya. Alam kung makakatulong sa kanya ito ngayon. Kaya kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang hahayaan ko siyang gawin ang bagay na ayaw na ayaw kong gawin niya.

 Ilang minuto pa at unti-unti niya ng napapakalma ang sarili niya habang tahimik lang ako at patuloy sa pag hagod sa likod niya. Humihikbi siya habang may kinukuha sa bulsa niya. Hawak ko ang kamay niya at ayoko ng bitawan pa. Pakiwari ko ay may hinahanap siya sa phone niya at ng mahanap niya ay agad niyang ibinigay sakin.

Jammy Hernandez: 
Hi! Diba ikaw yung girlfriend ni Drew? I'm Jammy.                                                                                     Kasali ako sa cheering squad sa school. I went to Mall yesterday at nakita ko si Drew. May kasama siya. I thought ikaw yun kaya lumapit ako para bumati. Pero hindi pala ikaw. Si Zina pala. I'm not telling you this para sirain ang relationship niyo. Concern lang ako kaya ko sinasabi sayo to. Sana kung ano man ang nang yayari sa inyo ni Drew maayos niyo na. Bagay kayo.

Sent : 12/07/15 6:23 pm

"December 19 na. Nung December 7 pa yung text at December 6 niya nakita si Drew." Birthday ni Ash nun. Mas lalo kung hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya.

 "Hindi ko pinansin yan kase okay naman kami ni Drew e. Sweet naman siya sakin. Pero nung 6, diba hindi siya nakarating." Hindi tanong yun. "Maski nung 7 hindi din siya pumunta." Hindi nga sya naka punta.

 "Sabi nya may practice daw nun pero bakit ikaw andito ka nun? E pareho lang naman kayong player. Hindi kita tinanong kase ayokong makahalata ka. Pero hindi ko padin pinansin yung sinabi ni Jammy. Hindi ko naman kase nakita e." Humihikbi nanaman siya. This time kumuha naman ako ng panyo sa bulsa ko. Kinuha niya yun. Hindi ko pa nga ina-alok.

 "Saturday afternoon papunta ko sa inyo. Nag lalakad ako nun e. Ang saya ko pa nga kase makikita ko nanaman si tita. Madami akong ike-kwento sa kanya." Ngumingiti pero naiiyak nanaman siya.

 "Hindi ko sinasadyang makita si Drew nun. Lalapitan ko sana kaso may kasama siya. Akala ko ate niya kase babae e. Pero nagulat ako nung bigla nalang yakapin ni Drew yung babae at pag harap nun sa gawi ko, si Zina. Yung cheerleader. Gusto kung tumakbo pero di ko magawa. Natatakot ako na baka makita ako ni Drew. Pero nakaalis na sila. Hindi niya pa din napansin na andun ako at nakikita ko sila." Umiiyak nanaman siya pero tahimik na. Siguro nag fflashback sa utak niya yung mga nakita niya. Tahimik lang ako. Gusto kung punasan ang mga luhang lumalabas sa mga mata niya. Pero hindi ko na tinangka pa.

Wrong Move(One SHOT)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang