Mabilis siya niyakap ni Rio. "Heto nanaman tayo! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ikaw lang ang babes ko, kahit na mas marami pang mas maganda sa---ARAY!!!" Napasigaw and at the same time ay napabitaw sa pagyakap kay Riba si Rio, dahil mabilis na inapakan ni Riba ang paa ni Rio.

"Binibiro ka lang eh!" Sabi niya kay Riba.

"Bwesit ka! Layas!" Sigaw sa kanya ni Riba.

"Joke lang nga! Tampo agad? Babes, naman... ilang minuto na lang aalis na kami..." Sabi niya rito.

May dinukot sa kanyang bulsa si Riba... isang box na maliit. Pagkatapos ay dinampot niya ang isa pang box na malaki mula sa kanyang bag. Ibinigay niya ang mga ito kay Rio.

Pagkatapos ay mabilis niyang niyakap si Rio. "I'll miss you Rio peste ng buhay ko Maktel. I love you, kahit pa ikaw ang pinaka nakakasukang peste na nakilala ko." Sabi niya rito at saka mabilis na hinalikan sa pisngi.

Napaatras siya at mabilis na nagpaalam.

Ngumiti lamang si Rio sa kanya, at sinabing, "I love you too, kahit ikaw pa ang pinaka amazonang mahilig manampal na babaeng nakilala ko. Wait for me... babalik rin ako."

Kaagad naman niyang binuksan ang dalawang box. Ang isang box ay naglalaman ng Photo Gallery, at ang isa ay susi ng photo gallery.

Binuksan niya ito, at nakita niya ang mga litrato nila na magkasama. Napakarami nito at may mga caption pa.

★☆★

Ilang minuto rin ang lumipas at nagkasama na ang mga Kings at papasok na sila ng airfield, dahil aalis na sila papuntang Amerika.

Ilang hakbang pa lamang ang tinahak nila, ay may biglang sumigaw.

"Choi Collins!!!!!!"

Napalingon silang tatlo.

Pagkalingon ni Choi, ay kaagad na hinagis ni Tiffany ang maliit box sa mukha nito.

"F*ck! Ouch!" Pagrereklamo ni Choi, dahil sa may bandang ilong niya talaga ito tumama. "What's this?!" Naiirita niyang tanong.

"Then what do you think?! Open it!" Sigaw sa kanya ni Tiffany.

Choi opened it, and there's a ring inside it. He looked at her.

Tiffany smiled at him and shouted, "Ayaw kong umalis ka na ganito lang tayo! I don't want to control myself anymore! Mahal kita! You hear me, right? MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA CHOI COLLINS!!!!"

Pati ang mga tao sa paligid ay napatingin sa kanila. Ang iba ay nagulat, at ang iba naman ay kinikilig.

Napatawa bigla sina Sumi at Rio.

"Bro, I guess Rio and I have to go. You stay here." Sabi ni Sumi kay Choi, at mabilis na inakbayan si Rio.

"Yeah, you're right! So, paano ba 'yan? Aalis na ang gwapong si Sumi, at ang mas gwapong si ako! Bye, dude! See you next year!" Sabi ni Rio kay Choi.

Mabilis siyang kinaladkad ni Sumi papasok sa airfield.

Habang naglalakad ay nagawa pang magsalita ni Rio. "Bye ulit! TIFF! MAGPARAMI KAYO AH? CHOI, DUDE... KAYA MO 'YAN! FIGHTING!!!" Sigaw niya, bago tuluyang lumisan.

Natawa lamang sina Choi at Tiffany sa dalawa.

Mabilis na nilapitan ni Choi si Tiffany at saka niyakap ng mahigpit. "Why are you always like this? You're driving me crazy stupid girl." Pabulong na sabi ni Choi habang yakap-yakap si Tiffany.

Bumitaw sila sa pagkakayakap at mabilis na lumuhod si Choi sa harapan ni Tiffany.

"Choi..."

"Let me do it, Tiff." Sabi niya at saka mabilis na hinigit ang singsing.

"Tiffany Lian Kastel... oh, no! I mean, Tiffany Codey Rockwel... will you marry me?" He asked her.

"Who am I to say no?" She replied.

Lahat ng taong nanonood sa eksena ay nagsipalakpakan.

And that's how their story ended...

★☆★

Sa love, walang imposible...

Kung mahal mo ang isang tao, kaya mong gawin ang lahat para sa ikabubuti niya.

Walang taong perpekto, that's why everyone deserves to be forgiven. Forget the past and move on.

Whoever you are, whatever you do, when love strikes you...

you have nothing to do but to let it happen and be thankful for meeting the right person who will truly love and fight for you.

-xaikology

The Three Mafia KingsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!