Wizard's Tale 2: Chapter 20

127K 3K 644
                                    


(Alyanna POV)


Ang taunang Blooming Erden Festival ay sini-celebrate ng mga Terrashaw para bigyang pugay at pasasalamat ang elemento ng Lupa. Bilang prime guest nila ngayon, binihisan at inayusan nila ako.

Nang lumabas na ako at nagpakita sa lahat, "Napakaganda niyo Prinsesa Alyanna!" bati sa akin ng mga bata.

"Wushu! Binobola niyo lang yata ako eh!"

"Totoo po, Prinsesa! Ang ganda-ganda niyo talaga!" Dahil inulit nila, naniwala na talaga ako. Magpapakabusog na lang ako sa papuri dahil ang mga bata, hindi nagsisinungaling.

"Wow, Princess Love!" biglang singit naman ni Sylfer, hudyat ng paghahasik niya ng kalandian. Tinitigan niya ang ayos ko at napatingin rin sa nakasabit na pakpak ng paru-paro sa likod ko, "You look like a fairy princess!"

"Kulay blue ang balat ng mga fairies?"

"You're a fairy princess, minus the blue skin!" Binola niya ako at hulaan niyo kung anong sunod niyang ginawa. Kinindatan niya ako.

Hindi na talaga ako nakapagpigil, "May problema ba 'yang mata mo? Bakit kailangang kindatan mo ako everytime na nambobola ka?"

"Don't you like it?"

"It's disturbing."

At nabanggit na rin lang ang salitang 'disturbing,' parehong nabaling ang atensyon namin ni Sylfer sa isang disturbing sight. Sina Brylle at Myera, nag-uusap at nagtatawanan na para bang silang dalawa lang ang tao sa mundo!

"Hanggang dito talaga, sinusundan niya si Brylle," sabi ni Sylfer.

"Nagpunta rito si Myera dahil inimbitahan daw siya ng kaibigan niyang Terrashaw."

"Sinong may sabi?"

"Siya mismo. Sinabi niya kahapon."

"As far as I know, walang kaibigang Terrashaw si Myera." Napaisip bigla ng malalim si Sylfer.

"Bakit Sylfer? Nagseselos ka ba? May gusto ka kay Myera 'no? Ay mali—kahit sinong babae pala, gusto mo!"

"Hahaha! Ikaw 'tong inaaya ko ng kasal tapos kay Myera ako may gusto? Myera and I are just—you know, we just knew each other. But I don't really know her."

"Eh bakit parang affected ka masyado na sinundan niya si Brylle?"

"Bakit ikaw, Prinsesa? Hindi ka ba apektado? Nagtataka nga ako kung bakit siya ang sinasamahan ni Brylle ngayon. Eh hindi ba't kayong dalawa ay—"

"Anong kaming dalawa?"

"Nothing! Forget it." Ano ba naman! Nambibitin pa talaga! "But seriously speaking Princess Love, you should marry me."

"Seriously speaking talaga?" Lumapit ako sa kanya at tinapik ko na lang siya sa balikat. "No." Saka ko siya nilayasan.

But at the back of my mind, gumugulo pa rin sa isip ko ang tungkol sa unresolved issues namin ni Brylle.

"It will be best kung dumistansya na muna tayo sa isa't isa." 'Yan ang sinabi niya sa akin noong nasa Wilberwind kami at 'yan nga mismo ang ginagawa niya ngayong narito kami sa Erden. Consistent siya, ang layo nga ng distansya namin sa isa't isa.


* * *


Bukod sa parade, may mga naganap ding paligsahan. May kantahan, sayawan, dulaan at wantusawang kainan! Parang hindi nga nauubos ang energy ng buong Terrashaw Tribe. Hanggang sa paglubog ng araw, tuloy ang pagdiriwang.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon