Chapter Six

14 0 0
                                    

"Guess what?" tanong ni Steven habang kumakain silang apat sa school canteen. Pumasok na si Ella nang Lunes na iyon. Kahit medyo nahihilo pa siya. Ang dahilan niya kay Tita Mabelle ay ayaw niyang mahuli sa klase. Nagsinungaling pa siya tungkol sa totoong nararandaman niya. Natigil ang pagkukuwentuhan ng tatlo. "Buhay pa si Carlotta. Wala ka bang balak na kasuhan siya?" Napabuntong hininga si Ella. Sa totoo lang, sinuhestyon na iyon ni Tita Mabelle sa kanya pero mas pinili niyang wag na.

"Hayaan mo na, mukha naming nagsisisi na eh." sagot ni Ella. "Kanina ni hindi siya makatingin sa akin. At isa pa, pinaguusapan na siya ng buong school." Kaninang umaga pagpasok ni Ella ay maraming nagsimpatya sa kanya.

"Mula nga kanina eh magisa na naglalakad si Carlotta. Mukhang nilulubayan na siya ng mga kaibigan niya." ani Annie.

"Hay naku, mabuti nga sa kanya no! Tutal kasalanan niya dahil nagiwan pa siya ng ebidensya." sabi naman ni Trisha.

"Hayaan niyo na, konsensya niya na lang ang bahala sa kanya."

"Walang konsensya ang babaeng yun!' tugon naman ni Annie.

"Basta kalimutan na natin yun."

"Hindi yun dapat kalimutan Ella! Muntikan ka na ngang mamatay." di mapigilang angas ni Steven.

"Guys, alam kong nahihirapan na rin siya ngayon. Sinasabi ko sa inyo, di niya alam ang ginagawa niya ng mga panahon na iyon." Kinuwento ni Ella ang mga sinabi ni Carlotta sa kanya. Nabigla naman ang tatlo niyang kaibigan. "Pero please, wag niyo nang ipagkalat." Napailing na lamang ang tatlo.

Sa wakas ay magisa nang uuwi si Ella. Ilang araw na rin siyang hinahatid ng mga kaibigan niya sa kanila pero ngayon ay nakumbinsi niya ang mga ito na wag na. Masayang binaybay ni Ella ang daan patungo sa kanila. Thirty minutes ang lakaran mula school hanggang sa kanila. Kailangan niya pang dumaan sa isang tulay at pagkatapos ay sa isang park. Napakapit siya sa isang post eng bigla siyang nakarandam ng pagkahilo. "Pwede ba, wag naman ngayon." sabi ni Ella sa sarili. Pinilit niyang tumayo at maglakad muli. Napatingin si Ella sa relo niya. Alas-tres pa lamang ng hapon. "Konti na lang Ella." sabi ni Ella sa sarili habang dahan-dahang naglalakad. Matutumba na sana siya nang biglang may humawak sa balikat niya. "Justin, ikaw na naman?"

"Bakit wala kang kasama?" galit na tonong tanong nito. "Bakit magisa ka lang? Hindi ka dapat nagiisa." And before Ella knew it, nakasampa na siya sa likod nito.

"Justin, sinusundan mo ba ako?" nakapikit na sabi ni Ella. Tumikhim si Justin.

"Napadaan lang ako.?

"Talaga?"

"Wag ka ng magtanong." At isinakay ni Justin si Ella sa isang magarang sasakyan. At kung hindi nagkakamali si Ella, isa itong Volvo.

"Wow, kotse mo "to?"

"Sabing wag ka ng magtanong eh." Natigilan si Ella. Tila nawala ang hilo nito.

"Wait a minute, pwede ba tayo magusap Mr. Justin Howell?" Di man lang siya pinakinggan ni Justin. Nagmamaneho ito. Hindi alam ni Ella pero parang tuluyan ng kumulo ang dugo niya. Hinawakan niya ang manibela at gumewang-gewang ang kotse.

"Stop it Ella! Mabubunggo tayo!" saway ni Justin. Hindi tumigil si Ella kaya itinabi ni Justin ang sasakyan. "Ano ba, ikaw na nga ang tinutulungan eh?" galit na tunan nito.

"Ayon na nga eh, tinutulungan mo ko sa di malaman dahilan. At isa pa ayoko tumanggap ng tulong mula sa taong di ko malaman kung ano ba talaga ang ugali. You're so weird! Sabi mo gusto mo ko maging kaibigan, tapos ganyan ka kung tratuhin mo ako. Mas gugustuhin ko pa atang himatayin sa gitna ng daan kaysa makasama ang isang tulad mo."

Cinderella Shaine ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon