17.2. Daniella

Nasa Lover's Lane na ako thirty minutes before the agreed time. Mas mabuti nang maaga. Pag dumating din siya nang maaga, mas madaling matatapos yung interview. Umupo muna ako sa isang bench at tinext si Bryan.

To: Bryanhoy. sn k naaaaa?!

After fifteen minutes, hindi pa rin nagrereply si mokong! Baka naman eksaktong 2:00 p.m. siya darating. Sayang yung ipinunta ko nang maaga! Naglakad-lakad muna ako para malibang. Ang daming couples na nakatambay. Naalala ko tuloy si Erick.

Oh my! Erase erase erase!

Buti na lang may dala akong libro. Naupo uli ako sa bench at nagbasa. Pagtingin ko uli sa watch ko, 2:30 na! Chineck ko yung phone ko, walang reply from Bryan. Tinawagan ko, hindi rin sumasagot.

Anong nangyari dun? Sana naman hindi niya ako indyanin, di ba?

After another thirty minutes, wala na, suko na ako. I decided na umuwi na lang kesa maghintay sa wala. Nung paalis na ako ng Lover's Lane, narinig ko yung usapan ng tatlong babae na nadaanan ko.

"Si Bryan Lim may mall show ngayon?" 

"Oo, sis, nandun siya ngayon sa The Mall!" 

"Are you sure about that?"

"Oo, sis, kaka-text lang ng classmate ko, nandun sila ngayon."

"So ano pang hinihintay natin? Let's go! Maaabutan pa natin yun!"

What the heck! Kaya ako inindyan ni Bryan dahil may mall show siya? Bakit hindi man lang niya sinabi? Pinaghintay pa talaga niya ako nang isang oras!

Sa sobrang inis, I decided na puntahan siya sa The Mall.

Lagot ka sa'kin, Bryan Lim!

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Mga Kuwentong Mamahalin Mo