Chapter 37: Permission

3.2M 69.4K 24.3K
                                    

CANDICE

Ang score ay 29 – 45.

Kakatapos pa lang ng first half pero grabe, intense na intense na 'yong mga tao sa gym. Tambak 'yong High School. Ang ganda kasi ng laro nina Jeydon, Marky, Troy, Kuya Charles at Ginno. Kaya pala sila 'yong defending champion.

Halata ring okay na sina Kuya at Marky. Buti pa sila, bati na. Kami kaya ni Kuya Charles, kailan magbabati?

"Grabe, pawis na pawis na si Troy!"

"Hay naku, Tiffany! Kanina mo pa 'yan sinasabi, pumunta ka na lang do'n tapos punasan mo siya."

"Eee... nahihiya ako, e."

Nahihiya, e, nag-kiss na nga yata kayo? Na-curious tuloy ako kung anong nangyari sa date nila. Hindi pa kasi niya sa 'kin sinasabi, e. Pa-spy-spy pa ko no'n wala naman pala akong napala. Tsk!

"Go, Jeydon! We love you!"

Napalingon kami ni Tiffany do'n sa fangirls ni Jeydon. Grabe silang makapag-cheer kay Jeydon. Kulang na lang, mag-megaphone sila, e. Lalo tuloy umingay sa gym. Puro fangirls ng team 'yong nandoon. Narindi na nga yata 'yong kalaban sa ingay nila, e.

"Go, Baby Troy!"

Isa pa pala 'yong katabi ko. Kung may fangirl, siya 'yong super fangirl. Hayaan ko na nga lang si Tiffany. Sabagay, ganoon din naman ako kay Marky, hindi nga lang ako maingay. Kumbaga, lihim na pagtingin. Eee! Naalala ko tuloy 'yong nangyari sa Music Hall, kinikilig pa rin ako.

"Candice, okay ka lang?"

Ay, pusa. Halata kayang kinilig ako? "Oo, may naisip lang ako. Ayan, magsisimula na ulit 'yong game! Hehe." Mukhang mang-uusisa pa si Tiffany, e. Buti na 'yong mag-change topic agad ako.

Nag-start na 'yong second half. "Go, Blue Dragons! Kaya n'yo 'yan!" Go, Marky!

Hawak ni Ginno 'yong bola. Pagdating niya agad sa kabilang side ng court, pinasa niya 'yong bola kay Marky. Bigla namang lumapit sa kanya 'yong nagbabantay sa kanya tapos tinulak niya nang pasimple si Marky. Waaaah! Foul 'yon, ah!

Lahat ng tao sa gym, nagulat kasi natumba si Marky pero hindi man lang tinawagan ng referee ng foul 'yong kalaban. Tinayo na lang ni Kuya Charles si Marky. Nasa kalaban na tuloy 'yong bola. Paano kasi, noong natumba si Marky, inagaw bigla ng kalaban 'yong bola. Ang daya naman nila! Hindi naman sila ganyan kanina, e.

Binantayan na ni Troy 'yong may hawak ng bola. Hindi maka-shoot 'yong binabantayan niya, grabe kasing magbantay si Troy. Noong malapit nang mag-shot clock, siniko niya nang pasimple si Troy. Lahat yata kami, nakita 'yon pero hindi na naman tinawagan ng foul ng referee! Naiinis na ako, ah. Grabeng kadayaan na 'yon, ah! Lantaran pa. Ano ba 'tong referee namin? Ayun tuloy, naka-shoot 'yong kalaban.

Noong nasa home team na ulit 'yong bola, dinala ulit ni Ginno ang bola tapos pinasa niya kay Kuya Charles.

"Go, Kuya Charles!"

Napalakas yata ang pagka-cheer ko, bigla kasing napatingin sa 'kin 'yong mga tao. Nakakahiya naman masyado,

Binantayan siya no'ng dalawang malaking players ng kabila. Nahirapan tuloy si Kuya mag-shoot hindi rin niya mapasa hanggang sa nag-shot clock na. Naka-score naman agad 'yong kalaban no'ng turn over.

Noong nasa amin na naman ang bola, si Ginno naman 'yong may hawak no'n. Siya 'yong center ng team, kaya ang laki ng katawan niya. Tingnan ko lang kung masiko nila si Ginno. Magda-dunk na sana siya kaso pinatid naman siya no'ng kalaban. Waaah! Grabe, ang daya-daya naman no'n! Hindi tuloy kami naka-score.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon