TROTNP (01)

2.4K 33 0
                                    

Reality

Isang unregistered number ang nag message sa akin but after opening the message alam ko na kung sino ang nag message.

Thou, I don't think her message means friendship lalo na ako ang pinaka ayaw niya dahil nerd daw ako. Hindi ko alam kung ano ang mali sa pagiging nerd! Hindi ko nga alam kung bakit ganoon ang tawag nila sa akin.

Hindi lang naman ako ang tinatawag nilang nerd at binubully nila sa school but of course they are calling me the "Nerd Princess" because of my status on society.

She send me a location of place. Maaga akong pumunta doon dahil may usapan kami ni Christopher na dinner. Not the usual dinner that we are having because we will celebrating our friendship. It's weird to celebrate that, its only applicable to those childrens but we love celebrating how far our friendship throughout the years.

A lot of couples were going inside. I'm far infront of the restaurant pero nakikita ko ang bawat pumapasok sa mamahaling restaurant na iyon. I'm wearing black hoodie. Tatalikod na sana ako nang makita ang di ko inaasahang makita sa lugar na iyon.

Vanna is walking with Christopher through the big sliding door of that fancy restaurant. Nakahilig si Vanna sa dibdib habang kapit ni Vanna ang braso ni Christopher. They look so sweet and perfect together. Gustuhin ko man itanggi ay di ko magawa dahil totoo ang bagay na iyon.

Parang tinusok ang puso ko sa nakikita. Sa lahat ng taong pwede niyang gustuhin ay yung tao pang pinaka ayaw ko.

Wala na atang tao ang gugustuhin na magustuhan ng taong gusto nila. Sadly, I'm one of them. Lumapit ako sa kanila, maybe to pretend that I thought it was us who will celebrate inside my favorite restaurant.

"You really have a good taste when it comes to this." I never thought that her voice can be this sweet.

"I love this place. Megan brought me here often." Si Christopher.

"I don't want to ruin our date but could we please stop talking about her for tonight?"

"Of course why not." parang hindi interesado sa usapan nila.

Humilig si Vanna para abutin ang labi ni Christopher at marahan na hinalikan si Vanna.

My heart hurt seeing him kissing someone else. Agad akong umalis sa restaurant na iyon at dumiretso na sa bahay ko.

"Why?" Sigaw ko sa unan.

Tumahimik lang ako nang ilang sandali ng biglang may tumugtog na kanta. Nung una ay mahina pa pero unti-unting lumakas ito.

Agad akong bumaba at pinakinggan nang mabuti ang kanta. It's a boy, singing! Malamig ang boses niya but very clear. It was my favorite song, laging pinapakanta ko iyon kay Christopher pero hindi niya kinakanta dahil hindi daw siya marunong kumanta.

Bumaba ako sa hagdan at lumabas ng bahay. Tumawid ako sa kabilang daanan at tinignan ang bahay na katapat namin. Bukas ang ilaw ng ikalawang palapag kaya nasisigurado ko na may tao sa bahay na ito. Siguro ay may nakabili na nang bahay?

Kumatok ako pero walang sumagot. Idinikit ko ang tenga sa pintuan pero wala akong naririnig, tumigil ang pagkanta! Lumayo ako at hinarap ulit ang pinto, nakapikit ay kinatok ko ang pintuan ulit. Nang bumukas ito ay tumama ang malambot na labi nang lalaki sa gilid ng mata ko.

The Return Of The Nerd PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon