Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)

1.1M 14.2K 3.2K
                                    

DATE POSTED: July 31, 2011


Chapter 20 - Confused


Hinahalikan si Phoebe ng marahas ni Kent. At naramdaman din ni Phoebe na hinuhubad na rin nito ang blouse niya.

Nagpumiglas si Phoebe dahil natatakot siya. Parang isang monster si Kent na kaya siyang saktan. Habang nagpupumiglas si Phoebe, mas nagiging marahas si Kent.

Until she felt the metallic taste in her mouth. Alam niyang nasusugatan na ang labi niya. Tuluyan na ring nahubad ni Kent ang blouse niya. Medyo napuntin ang ibang parte nito dahil sa paghila ni Kent

"Stop it..." nagawa niyang sabihin ng nilalandas na ng labi ni Kent ang leeg niya.

"Please..." pakiusap niya ulit. Pero mukhang bingi si Kent.

Tumigil siya sa pagpupumiglas.

Pero hindi dahil sa gusto niya na ang nangyayari. Pero dahil sa naawa siya sa sarili niya. Unti-unting nagtubig ang mata niya at masaganang luha ang pumatak mula sa mga ito.

Ilang hikbi ang kumawala sa bibig niya.

***

Timigil si Kent sa paggalaw, mukhang naramdamang hindi na siya lumalaban.

Umiiyak na si Phoebe.

"Phoebe..." sabi ni Kent ng makitang humahagulogol ang asawa.

Pero patuloy pa din ito sa pag-iyak.

"I'm sorry. Please tumahan ka na."

Hindi alam ni Kent ang gagawin. Nagulo ang ayos ng buhok ni Phoebe. Her lipstick is also smudged to the sides.

Pero ang dumudurog sa puso ni Kent ay ang umiiyak na asawa.

"Hey!!! Look at me!" Hinawakan ito ni Kent sa dalawang balikat.

"I didn't... I'm not... Please..." nagsasalita na si Phoebe sa pagitan ng hagulgol pero hindi ito maintindihan. Niyayakap na din nito ang sariling kahubdan.

Kumuha si Kent ng bathrobe para ilagay sa nakahantad na katawan ni Phoebe.

"Hey! I'm sorry!!! Please hwag ka ng umiyak! I'm sorry. I was just too angry." Paliwanag ni Kent pero umiiyak pa rin si Phoebe.

Lumapit si Kent sa asawa at niyakap ito.

Habang hinahaplos ang buhok. Hinahalikan din niya ang ulo ni Phoebe.

"Sorry... Patawarin mo na ako..." bulong niya.

Ilang minuto siyang nakayakap dito ng maramdaman niyang tumatahan na rin si Phoebe.

"I'm really sorry" ulit ni Kent habang nakayakap pa din.

Naramdaman ni Kent na yumakap na rin si Phoebe sa kanya.

Hinigpitan niya lalo ang yakap kay Phoebe.

***

Ang sarap ng pakiramdam ni Phoebe habang magkayakap sila ng asawa. Parang nawala na naman lahat ng hinanakit niya.

Ano ba to? Galit ako sa kanya! Ang dami kong kinaiinis sa kanya. Pero isang yakap lang, tinatraydor ako ng sarili ko. Bakit parang gusto ko na rin siyang yakapin? Mahal ko na ba talaga siya? Naiisip ni Phoebe kaya yumakap na rin siya kay Kent.

Hindi na umiiyak si Phoebe pero hindi niya mapigilang humikbi.

"Sorry na baby, hindi ko na uulitin. Hinahaplos-haplos pa ni Kent ang ulo niya.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon