Caela.

Pasado alas-otso na at pabalik na kami ngayon sa dorm namin. Ayaw pa nga sana nila kaming pauwiin kaso baka daw maabutan kami ng curfew which is at 9:00 p.m.

Doon na rin kami nagdinner kaya inabot na kami ng ganitong oras. Masarap magluto si Victoria, namiss ko tuloy 'yung mga panahong ipinagluluto ako ni Mama ng paborito kong ulam.

Well the lunch went well as well as the dinner. Nakakatuwa silang lahat, ipinaparamdam nilang tanggap nila kami at hindi nila ipinapamukhang mataas sila kesa sa amin. Kahit na tahimik lang sina Kent at Jackson, hindi ko naman naramdamang ayaw nila kaso nga lang parang na-aawkwardan sila. Hindi ko lang alam kung bakit.

Wala rin si Dashiell, hindi siya lumabas ng kwarto simula kaninang mag-umpisa kaming kumain. Ang sabi naman ng Superiors ganoon lang daw talaga si Dashiell, hindi naman daw 'yun magugutom dahil may sarili naman daw palang ref sa loob ng room niya. Well ano pa nga bang aasahan mo? Superiors e.

Pero pinagpapasalamat ko na rin iyon dahil baka hindi ako makapagconcentrate sa pagkain dahil sa kaniya. Hindi ko na talaga alam kung bakit ganoon na lang 'yung nararamdaman ko, sa tuwing nasa paligid siya.

At oo nga pala kasama namin ngayon 'yung apat na babaeng Superiors pati na rin si Peter. Nag-insist sila na ihahatid daw nila kami. Gusto pa ngang sumama noong kambal kaso hindi na pinasama ni Beatrice dahil sila daw ang magliligpit noong pinagkainina namin.

Mukhang under sila sa mga babae. Cute!

"Ahmm. Maraming salamat sa inyo. Naabala pa tuloy namin kayo." nahihiyang pasasalamat ko sa kanila nang makarating na kami sa harap ng pinto ng room namin.

"Ano ka ba, pretty Caela? That's okay, since we're friends now." nakangiting sagot ni Beatrice.

"Oo nga naman, ganda. H'wag kang mahihiyang lumapit sa amin." Masiglang saad ni Audrey. Sa kanilang lahat, siya talaga 'yung pinakamasayahin.

Nahihiya pa rin ako sa mga tawag nila. Mas maganda pa nga silang apat kesa sa akin e.

"So pretty ladies, we gotta go! Matulog na rin kayo." sabi ni Zoey pagkatapos ay bineso niya kami isa-isa.

"Hey ganda, kita-kits na lang bukas. Good night!" Niyakap naman kami ni Peter.

"Good night." tipid na saad naman ni Victoria. Niyakap din niya kaming tatlo.

They are the sweetest.

"Good night din po." Nahihiyang sagot noong dalawa. Ramdam na ramdam ko ang tuwa nitong dalawa simula pa kanina.

"Salamat din sa lunch at dinner. Good night." Kumaway ako sa kanilang lima. Sabay-sabay silang tumalikod at bigla na lang naglaho.

Nauna ng pumasok sina Sophia at Mich. Hindi muna ako pumasok dahil pakiramdam ko  ay may nagmamasid sa amin. Tumingin ako sa gilid at nakita ko doon si Nathalie na binibigyan ako ng matatalim na tingin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ano na naman ba ang problema niya?

Hindi ko na pinag-aksayahang basahin pa kung ano ang nasa isip niya at tuluyan ng pumasok sa loob. Gusto ko ng matulog.

Hindi ko na naabutan sa sala 'yung dalawa, siguro ay nasa loob na ng kwarto nila. Dumiretso na rin ako sa kwarto at nakita ko si Din-din na mahimbing na natutulog.

Namiss ko ang bulinggit na ito. She's like my baby sister. Sayang lang at wala akong kapatid. Hinalikan ko muna siya sa noo at bahagyang inayos ang kumot bago ako nagtungo sa closet at kumuha ng damit para magpalit.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!