"Wag mo na alamin, di na yun mahalaga. Oo nga pala, bukas pupunta akong Ateneo." sabi niya
"Sige, nasa Ateneo rin ako bukas eh. Magkita tayo pagkatapos."
At nagpaalam na ako sa kaniya. Dumating na rin kasi yung teacher nila. Sumunod naman ako sa Boyz.
=========
March 1, 2008
Katatapos lang ng exam namin dito sa Pathways. Mabuti at maaabutan ko pa si Chiina.
"Uuwi ka na?" kasama ko nga pala si Justin dito sa Pathways.
"Hindi pa. Hihintayin ko pa si Chiina sa office, sabay kaming uuwi."
"Nice. Sabi naman sayo bagay kayo eh. Sabay ako sainyo. Ok lang ba?" tanong niya. Nagtanong ka pa tol.
"Ikaw bahala. Dun tayo sa office maghintay." Pwede ko ba namang sabihing hindi? Tss.
"May pupuntahan pa pala ako Jhy, mauna na ko ah." Mabuti naman at nakaramdam siya.
Lagpas 5:00pm na, pero hindi pa rin tapos si Chiina. Nakita na nga ako nung isang officer ng Pathways eh, ang tiyaga ko raw maghintay. Pinapasok niya ko sa loob ng office kaso sabi ko ok lang ako sa labas.
Pinapanood ko lang yung mga taong dumadaan, saka yung mga naglalaro sa field.
Tapos, nakita ko si Justin.
Nakatayo siya sa di kalayuan sakin at nakatingin sa direksyon ko - o sa office. Tingin ko naman hindi niya ko nakikita dahil may mga halaman sa harap ko.
Ano pang ginagawa niya rito? Akala ko may lakad pa siya?
Halos 30 minutes ding palakad-lakad si Justin. May hinihintay ba siya?
Maya-maya, umalis na siya.
6:00 pm na, pinapasok na ako sa loob ng office dahil malamok na sa labas. Nagpa-practice pala si Chiina ng graduation speech niya. Siya kasi yung napili na magsalita sa graduation nila sa Pathways program. Taon-taon, may graduation. parang regular classes din kasi ang meron kami sa Pathways, tuwing weekends nga lang.
Past 8:00pm na nung matapos sa practice si Chiina. Sabay kaming umuwi, at magkatabi kami sa jeep - first time.
========
Pagkagising ko, may ilang text akong nakita sa cellphone ko, lahat galing kay Chiina - at Justin.
Binasa ko muna yung pinakaunang dumating. Galing yun kay Chiina, at ang sabi niya, sasabihin na raw niya kung sino yung nanliligaw sa kaniya.
Rereplyan ko na ba?
Pero naisip kong basahin na muna yung iba. At yung sumunod, galing kay Justin.
Jhy, ako yung tinutukoy ni Chiina. Oo mahal ko siya. Pero ikaw ang mahal niya. Hehe. Ikaw na bahala sakaniya ah. Goodluck sa inyo tol. Hehe.
Yung sumunod naman.
Wag ka pala magagalit kay Chiina. Ako ang nagsabi sa kaniya na wag sabihin sayo yung tungkol samin. Mahal na mahal ka nun. Hehehe.
Kay Chiina naman yung sumunod.
Naasabi na siya siguro sayo. Sana hindi ka galit sakin. :(
Kanina, medyo inaantok pa ko pero pagkabasa ko nung mga text nila, nagising ako bigla. Hindi ako galit. Wala anman akong karapatang magalit kasi hindi naman kami.
Badtrip lang ako sa text ni Justin. Masyado siyang sarcastic. Nakakaasar.
NIreplyan ko na lang si Chiina na kagigising ko lang.
Naalala ko lahat. Hindi ko nalaman. Yung control name para sa NBA na naka-save sa computer na madalas gamitin ni Justin, yung code sa text na nabasa ni Marky, yung pag-alis niya kina Ricky nung nakaraan na baka nagkita sila, yung pagpipilit ni Justin na ligawan ko si Chiina, at yung pagpunta namin ni Justin kina Chiina para tuparin yung hiling niya...
Kaya pala..
Hindi naman ako galit kay Chiina. Natural lang na may manligaw sakaniya. Pero bakit nga asar na asar ako? Dahil ba may ibang nanliligaw sa kaniya kasabay ko? Hindi eh..
O dahil nalaman kong si Justin yun?
Wala namang nagbago samin ni Chiina - pero samin ni Justin, meron. Para kaming nag-aalangan sa isa't isa. Hindi kami nag-uusap, o nagsasabay pauwi gaya ng nakasanayan.
Pero sana, hindi to magtagal. Kaibigan ko pa rin naman siya.
YOU ARE READING
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...
Chapter 42 - Intuition
Start from the beginning
