si alyssa naman ay malalim ang iniisip tungkol sa kinikilos ni Jia . hindi nya maintindihan kung bakit bigla na lang nag lamig si Jia sa mga kaibigan nila . kahit si Maddie nakuha na nitong saktan " mag isip ka ng paraan Baldo !? sira lahat ng plano mo pag pinatagal mo pa ito ! " sa isip ni alyssa 

??? - " mukhang nag iinitan na ang Blue Eagle ah heheh ... " 

napalingon naman silang lahat sa nag salita . nakita nila ang isang babae na nakatayo lang sa may pinto at naka cross arm pero naka ngisi ito ng nakakaloko. si Jia naman ay biglang mas nag init ang ulo dahil nakita na naman nya ang taong kinaiisisan nya sa lahat.

Aly - " Rachel anong ginagawa mo dito ? " 

nag tataka si alyssa dahil pasulpot sulpot na lang si Rachel sa kanila ng hindi man lang nito nararamdaman ang awra . " malamang pinaka magaling nga spy yan eh .. " sa isip ni alyssa . nag tago agad si skimper sa sulok dahil nakita na naman nya si rachel . ayaw nya kasing bumalik na dito , mas gusto na nyang si alyssa ang mag alaga sa kanya .

Rachel - " wala lang heheh .. wala kasi akong magawa sa club namin kaya naisipan kong mag gala gala ng konti .. hangang sa napad pad ako dito .. mukhang wrong timing ako nag aaway away na kayo hahaha ... " pang aasar pa nya lalo kay Jia 

Jia - " kung ako sayo titigil na ako sa kaplastikan mo ! baka pulutin ka sa kangkungan ! " tiningnan nya ng masama si Rachel

lumapit naman si Rachel kay Jia na may ngiting nakakaloko . hinawakan na lang ng mahigpit nila A at kim ang mga kamay ni Jia . baka kasi totohanin nito ang banta kay Rachel

Rachel - " baka kung ako sayo .. buksan mo ang mga mata mo at tingnan mong mabuti ang nasa paligid mo ! "

napakunot naman sila ng mga nuo dahil sa tinuran ni Rachel . " anong buksan ang mata ? " pare-pareho nilang sabi sa isip. 

Jia - " wala ka talagang kwentang kausap ! lalabas na muna ako .. " 

kahit hindi gamitan ni Jia ng mga kamay ay napa angat na din nya sila A at Kim at nilayo ito ng marahan . atsaka nag madaling umalis . sinundan lang naman nila ito ng tingin hangang sa mawala na ito.

Gretch - " hayy .. kung kailan malapit na ang Event saka nag kaganyan si Jia .. "

A - " ano kayang problema niya ? "

tuloy lang sila sa pag uusap . si Vic at Kim naman ay inalalayan si maddie makaupo at lagyan ng yelo ang likod nito . kahit naman asaran sila ng asaran ay natutunan nilang mag tulungan sa oras ng pangangailangan .

lumapit na si rachel kay alyssa na kasalukuyang nakatayo lang sa likuran ni Amy . si Amy naman ay inutusan na ni Aly na asikasuhin agad ang pag bukas sa file ng blue eagle . 

Rachel - " kamusta naman si skimper ? " tanong nya at tumabi na kay alyssa 

aly - " si skimper talaga ang una mong tinanong hahah ... pero ayos lang sya heheh .. "

Rachel - " sorry .. kamusta ka na pala alyssa hahah .. " 

hinampas pa nya ng mahina sa balikat si alyssa at pareho silang natawa . pero bigla na lang napalayo si alyssa kay Rachel ng maramdaman nya ang galit na awra .

???- " mabuti naman sya !! " 

all except Dennise at alyssa - " Den / Besh / Dennise !! " 

.

.

.

.

SUGO(alyden)Where stories live. Discover now