Chapter 25: Kisha Versus the Archer Brothers

Kisha’s POV

*BOOM!*

“CRASH!*

*KABLAG!*

*BAM!*

Mga ingay sa labas ang gumising sa akin since wala naman dito si Van kasi pinatawag siya ng Council kaninang madaling araw. Tss. Ano bang nangyayari sa labas at ang ingay-ingay?!

Mumukat-mukat pa akong naglakad papunta sa may pintuan at pagbukas ko ng pinto...

*SPLAAAASH!*

“WHAT THE HELL?!”

“HAHAHAHAHAHAHAHA!”

Pagbukas ko kasi  ng pinto, biglang may bumuhos na tubig!! And take note! May kasama pang yelo kaya sobrang lamig! At pagtingin ko sa harapan ko ay mamamatay na sa katatawa ang Archer Brothers!! What a freaking immature vampires!! I’m soaking wet right now!!

“Arrggh!! Letchugas barabas hestas! Mga anak kayo ni Hudas!!! Tingnan niyo ang ginawa niyo saking mga nilintikang mga bampira kayo!!” I screamed at the top of my lungs! Alam mo ‘yung ang sarap ng tulog mo tapos magigising ka ng dahil sa ingay tapos ganito pa ang mangyayari?! Di ba nakakairita?!

Napansin ko namang tumigil sila sa pagtawa at nakanganga pa sila...

“O ano pang tinatanga niyong tatlo dyan?! Wag niyo nga akong dimadamay sa mga pranks niyo! Bwiset!!!”

Pabagsak kong sinarado ang pinto at nag-ayos na ng sarili ko. Nakakainis! Bitin na bitin ang tulog ko! Masyado akong napuyat kay Van kagabi!! Aba! Ikaw ba naman ang kulitin ng kulitin, sino bang hindi bibigay?! At nakabalandra na ‘yung abs niya, tatanggi pa ba ako?!

Lumabas na ako ng kwarto para kumain. Ayaw ko mang lisanin ang kwarto namin ni Van pero kumukulo na talaga ang tiyan ko. Makikipagsapalaran na lang akong tahakin ang hallway sa mansyong ito para makapunta sa dinning hall ng hindi namamamatay. Baka kasi may mga traps o kaya naman bomba dito dahil nga sa tatlong itlog na ‘yun! Ang drop dead sexy pa naman nila! Ang tatangkad nila, gwapo tsaka ang ninipis ng t-shirt nila kaya bumabakat ang mga muscles nila at for sure may abs din sila tapos para silang mga bata na gumagawa ng pranks?! Ay nako, super turn off! Sigurado kapag nababasa ni Van ang iniisip ko ngayon masasakal ako nun! Hahaha!

“Be careful!”

Napalingon ako sa likudan ko at nakita si Tres na nakangisi... “H-Huh? Anong sinasabi mo?”

He just shrugged his shoulders and then...

Napanganga na lang ako at napatitig sa kawalan ng biglang may lumipad na pana sa harapan mismo ng mukha ko. Dahan-dahan kong ipinaling ang ulo ko sa kaliwa at nakita ang pana na nakatusok sa dingding. Napatingin naman ako sa tinatapakan ko at may square na nakalagay tapos may tali papunta sa kabilang dingding...

“I told you, be careful”

Naiyukom ko na lang ang palad ko at masamang tumingin kay Tres na kasama na ngayon si Trey at Tred...

“Mga immature!! Hindi na nakakatuwa ang mga ginagawa niyo ah!! Paano kapag tumama sa ulo ko ‘yung pana na ‘yun?! HA?!”

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!