Chapter 1

38.9K 667 50
                                    

-------------
---------
---

Reyka

Natapos rin ang buong araw ko na klase.. ang sakit ng likuran kakaupo... sakit din sa pwet ugghh i need massage ... At Dali dali kong tinungo ang sasakyan sa parking area....

"Rey? wait!" tawag sa akin ng aking bff ko na si Nica ..

"Oh bakit ?"

"Pasakay naman oh, please? wala kasi akong sasakyan eh, ginamit ni Kuya.. nasira kasi car niya.."

"Kung ayaw ko?"

"Ang damot naman nito, o sige na nga ,maglalakad nalang ako." sabay talikod nya..

"Hoy, biro lang... ikaw talaga di mabiro.. "

"Alam ko nagbibiro kalang ,di mo ako matiis eh.. mag bff kaya tayo.."

"Ang rami mo pang sinasabi.. sakay ka nga." at agad ko ng pinaandar ang sasakyan... nang maihatid ko na sa kanila si Nica.. dumeretso na rin akong umuwi sa amin..

--------

Dumating na ako ng bahay .. Pinark ko agad ang sasakyan ko at bumaba na.. Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko ang ate at si Mommy..

"Hi guys.." bati ko sa dalawa na nakaupo sa salas habang nanunuod ng tv.. para lang kaming magbabarkada ng mom at ate ko, si Daddy naman nasa ibang bansa para sa isang business trip

"Hi pangit, hows ur skul?" bati ng ate ko na lagi akong inaasar pero love na love nya ako , pangit ang tawag nya sa akin

"Okay lang , ang sakit ng pwet kakaupo."

"Eh di tumayo ka nextime.." sabay tawa ng dalawa sa akin

"Magpahinga ka muna Rey, baba ka mamaya para sa dinner."

"Okay mom."

Dumeretso na ako sa room ko sa taas at humiga agad sa bed at nakatulog ...

(ako nga pala si Reyka Fitzgerald ,half american half pinoy pero dito ako ipinanganak sa pilipinas at dito na rin lumaki.. 22 yrs old..nasa 3rdyear college na ako ,hindi ako matapos tapos sa aking kolehiyo dahil palipat lipat ako ng course..Di ko pa gustong lisanin ang skul ko kasi nag eenjoy pa ako!)

--------

Nagising ako sa ingay ng mga sasakyan sa tapat ng bahay namin ... Nakatira kami sa isang private subdivision.. Bumangon ako at sinilip ko sa window.. Nakita ko ang dalawang maitim na van at isang red na sportscar ..

Nakita ko ang ilang kalalakihan na tila mga bodyguards sila na bumaba sa van at may mga binaba silang gamit . Pumasok na sila sa bahay katapat sa amin, matagal na itong walang nakatira dahil nag migrate sa ibang bansa ang may ari nito.

Sumunod na bumaba ang isang matandang lalaki na naka amerikano na barong na halata sa kanya na isa siyang mayaman at promenenteng tao... Nakatayo lang siya na tila may hinihintay na bumaba...

Sumunod na bumaba ang isang mataas na babae ,nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha nya , bumaba siya sa sports car at agad pumasok siya sa bahay at sumunod sa kanya ang matandang lalaki at ang mga body guards nito...

Bumaba na ako at dumeretso sa dining kung saan kumakain na ang ate at mom ko..

"Upo kana Rey." at umupo na ako at kumuha ng pagkain at sinimulan ko ng kumain

"Mom, parang may bago tayong kapitbahay." sambit ko sa mommy ko

"Ah yang bagong dating sa tapat nag bahay natin."

"Yes."

"Uu sila na yung bagong may ari nyan , nabili na nila."

"Sino ?"

Umiling lang si mommy ...

"Bakit pangit? sinilipan mo noh?" biglang tanong ni ate sa akin

"Nagising kasi ako ang ingay ng mga sasakyan nila."

Hindi na umimik si Ate at tinapos nalang namin ang aming pagkain ..

Pagkatapos naming kumain ,umupo muna kaming tatlo sa salas at nanuod ng tv ..

---

Pumasok na ako sa room ko kasi dinalaw na ng antok ang mga mata ko , maaga pa naman ako bukas sa skul ...

Humiga na ako pero parang nawawala ang antok ko ..

Bumangon ako ng may narinig akong sasakyan na tila papaalis na .. Sinilip ko ulit sa glass window ko at paalis na nga ang dalawang maitim na van at naiwan ang sportscar..

Na curious talaga ako sa bagong kapitbahay namin kaya tiningnan ko muna ang katapat na bahay namin ..

Umilaw ang isang kwarto na katapat lang din ng room ko, nanlaki ang mata ko sa nakita ko, yung babae kaninang bumaba sa sports car nakatalikod siya sa window ng room niya , at dahan dahang hinubad ang damit niya ,nanigas ako sa nakita ko , ang ganda ng katawan niya .. morena siya ang taas ng legs niya, di ba nya alam na kitang kita siya sa labas ng room niya..

Nang biglang napalingon siya agad namn akong yumuko at gumapang papunta sa bed ko ....

Nang makahiga na ako, natawa nalang ako sa nakita ko .. eh siya kasi ,tatanga tanga ayan tuloy nasilipan ko siya ... Sayang hindi ko nakita ang mukha niya ... hmf! makatulog na nga...

--------------

Hi guys ... please vote or comments after reading .. thank you so much 😉😉😉

Love ,

Author ❤️😍😘

"Fansign Book 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon