Caela.

Malapit na kami sa special room para sa mga Superiors at abot-abot na rin ang kabang nararamdaman ko. Jusko!

Nakaangkla ang mga kamay ni Peter sa braso ko samantalang iyong dalawa naman ay magkasabay na naglalakad sa bandang likod namin.

"You look so nervous, pretty." Natatawang sabi sa akin ni Peter.

"Ahmm... O-of course not." Tanggi ko sa kaniya. Pero alam ko namang hindi siya naniniwala dahil nanginginig din pati ang boses ko.

"Yeah! You're not." Patuloy pa rin siya sa pagtawa.

Nandito na nga kami sa tapat ng pinto. Medyo malayo rin ang nilakad namin. Bakit kasi hindi na lang kami nagteleport para mas mabilis? Charot! Hehe.

May pinasukan kaming lagusan na hindi talaga mapapansin ng kahit na sino man. Natatakpan ito ng mga puno na may malalagong sanga tapos 'yung puno pa na 'yun ay masyadong ordinaryo kaya hindi mo paghihinalaang may kakaiba doon.

Tapos maglalakad ka pa ng mga fifteen minutes at makikita mo na 'yung malaking room na akala mo ay mansyon sa sobrang laki. Bale 'yung special room nila ay napapalibutan din ng mga puno. Maraming bulaklak sa paligid at may fountain na nakalutang at naglalabas ng pinagsamang apoy at tubig.

Wieeeh. Gusto ko rin ng ganoon!

*****

Beatrice.

Oh hi there! I'm Beatrice Farrell. The Ice princess.

Kasalukuyan kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan ng mga kapwa ko princesses at princes dito sa loob ng special room namin. Pagkalabas kasi namin ng Mediocris section ay dumiretso na agad kami dito.

Wala pa namang klase!

"Nakakainis! Sino ang kumain ng chocolate cake ko sa ref?!" nakabusangot na ani ni Audrey na ngayon ay kalalabas lang galing sa kusina.

Siya ang prinsesa ng Earth kingdom. Nagtataka nga ako sa babaeng 'to eh, ang liit na tao pero ang takaw. Hindi naman niya mababasa Ang nasa isip ko dahil nakablock silang lahat sa akin. Wais 'to!

"Oy hindi ako!" Defensive na sagot ni Ian Wesley. Isa sa kambal. Nakatayo ito malapit sa pinto ng kusina.

"Wala naman akong sinasabing ikaw. Tinatanong ko lang!" Inis na sagot ni Audrey sa kaniya.

"HAHAHA! Hindi daw siya? Kaya pala may bahid ng chocolate 'yang damit mo." Sabay turo ko sa collar ng damit niya na nababalutan ngayon ng chocolate.

Siraulo talaga. Tatanggi na nga lang, may sabit pa!

"HAHAHAHA!" Sabay-sabay na tawa naming mga babaeng Superiors. Yeah! Maingay po talaga kami. Except kina kuya Kent, Dashiell at Jackson.

"Matakaw talaga 'yang si Ian kaya ang taba-taba! Hindi gumaya sa akin macho na gwapo pa." Mayabang na sabi ni Ivan. Kambal ni Ian.

They are the conceited twins!

"Kapal mo, bro!" ismid ni Ian sabay bato ng unan sa kaniyang kakambal na nakaiwas naman agad.

"Bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo. Sa ating mga lalaki ako ang pinaka-gwapo. Next lang si Dashiell." Lumalaklak po sila ng kayabangan. Huwag na kayong magtaka.

"Tangina Wesley! Kilabutan ka sa sinasabi mo." Natatawang sabat ni Marcus Adam, ang Earth prince. Sabay bato na naman ng unan kay Ivan.

Kaya ang bilis magdumi ng unan namin dahil sa kanila.

Tawa naman kami ng tawa sa kakulitan nila.

Napapailing na lang sina Kuya Kent at Jackson sa tinuran ni Ivan. Si Dashiell naman, wala! Walang pake! Patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!