Duncan Dizon a promdi hunk and a certified bachelor. Simple lang naman ang hanap niya sa isang babae:

1. Maganda

2. Matalino

3. Mabining kumilos

4. Softspoken

5. Marunong magluto

6. Mahaba ang buhok

....at higit sa lahat

7. A virgin!

What if of all those traits, he will fell in love with someone who only bears one characteristic he like----Yung pang-anim lamang.

6. Mahaba ang buhok.

Tatagal ba siya?

Abangan kung paanong nainlove si Duncan Dizon kay Roxanne Sandoval na kabaligtaran ng babaeng gugustuhin niya.

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

ONE

"Madali naman akong kausap Rox, isang tawag ko lang at ilalayo na sayo ang anak-anakan mo. Alalahanin mo na wala kang pang asawa. Pwedeng kunin ng DSWD yang ampon mo. May kilala kaya ako sa loob," pananakot pa nito sa kanya.

"Napakahayop mo Faye, pati bata na walang malay ay idadamay mo. Ano bang nagawa ko sayo at ginaganito mo ako?" kung nakamamatay lamang ang tingin, marahil ay natumba na si Faye sa harap niya ngayon. Wala itong kasing sama. Hindi akalain ni Roxanne na aabot ito sa ganitong pamba-blackmail.

"Simple,lahat na lang ng gusto ko ay sayo napupunta. Ngayon pati yung lalaking gusto ko sayo pa rin mapupunta?" halos manlisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Wala akong gusto sa lalaking yun Faye, ilang beses ko ba sabihin sa 'yo yan? Siya itong sunod ng sunod sa akin," depensa niya, pilit niyang ipinapaliwanag ang lahat. Gusto niyang ipaintindi kay Faye na mali ito ng iniisip sa kanya.

"Talaga? Kaya pala magkasama kayo kahapon?" ramdam mo na punung-puno ng pagseselos ang tinig nito.

"Nagkataon lang nagkita kami sa mall. Siya yung lumapit at napakaraming tao, alangan namang bastusin ko siya?" para siyang nagpapaliwanag sa isang batang paslit na inagawan ng kendi.

"Sana ginawa mo na lang! Pag hindi ka sumunod sa akin Roxanne maraming masasaktan. Si Pot-Pot na ampon mo, ang Papa, at lahat ng nagtatrabaho sa bar." Sabay ngisi sa kanya.

Ampon siya ng ama ni Faye na si Mang Luis. Bata pa lamang ay naulila na siya. Namatay ang mga magulang niya sa aksidente noong anim na taong si Roxanne. Inampon siya ni Mang Luis na pinsang buo ng tatay ni Roxanne.

But her childhood was a hell. Lagi siyang sinasaktan ng asawa ni Mang Luis. Hindi rin sila magkasundo ni Faye. Parating kawawa siya sa mag-ina, lahat na siguro ng pasakit ay naranasan niya mula sa dalawa. At hanggang ngayon nga ay hindi pa rin tumitigil si Faye, idinamay pa pati batang walang malay.

May ari ng isang bar si Mang Luis, legal ang kanilang night club at alam niyang kahit pa may mga babaeng nagtatrabaho sa kanila, wala ni isang menor de edad.

Naalala pa nga niya ng ipagkalat ni Faye sa unibersidad na pinapasukan niya na isa siyang babaeng bayaran. Hiyang-hiya siya ng mga oras na yun pero nilunok niya ang lahat ng kahihiyan dahil gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral upang makaalis sa poder nila Faye.

Isa siyang iskolar sa pinapasukan niyang unibersidad pero kailangan pa rin niyang kumita upang may ipandagdag sa mga gastusin sa eskuwela. Hindi naman niya gustong humingi na lamang ng humingi kay Mang Luis. Nag wawaitress siya sa gabi sa bar, kaya nung ipagkalat ni Faye na isa siyang prostitute ay nanganib pati pag-aaral niya. Mabuti na lang mabait at hindi mapanghusga ang administrasyon ng paaralan niya.

Laking pasasalamat niya ng nakatapos siya at kinuha rin ng university para magturo. Aminado siyang hindi ganun kalaki ang sweldo pero sapat na para mabuhay niya ang kanyang sarili..

Pero eto ngayon at binibigyan siya ng problema ni Faye.

"Alam mong wala kang laban sa akin Roxanne. Kung hindi ka susunod sa akin eh nawawala ang pinakamamahal mong si Pot-Pot. Ipapasara ko pa ang night club. Alam mo namang matanda na si Papa. Maraming mawawalan ng trabaho ng dahil sayo. Kaya ba yan ng konsiyensa mo?" naghahamon na sabi nito sa kanya.

"Wala akong kasalanan sayo Faye, bakit mo ako ginaganito? Kung si Kier ang gusto mo, iyung-iyo na siya!" galit na sabi ni Roxanne.

Si Kier ay co-teacher ni Roxanne. Malaki ang gusto ni Faye rito. Kaklase niya ito sa isang minor subject sa college. Kahit anong pilit ni Roxanne na hindi niya manliligaw si Kier ay hindi pa rin naniniwala si Faye.

"Pwede ko rin namang ibigay sayo ang custody ni Pot-Pot, kung papayag ka sa gusto ko, five hundred thousand lang ang kailangan mo Roxie baby, within a week. Ngayon, kung susunod ka sa gusto ko, limang buwan lang Roxanne at iyo na si Pot-Pot. Hindi na kita guguluhin kahit kailan. May pipirmahan pa tayong kasunduan kung gusto mo. Think about that."

Si Pot-Pot ay anak ng kaibigan niyang matalik na si Jenny. Nagtatrabaho ito sa club ng makilala ang half-brother ni Faye. Nabuntis nito ang kaibigan. Pakakasalan naman sana ito ng kapatid ni Faye kung hindi ito napatay sa saksak ng mahold- up pauwi sa kanila.

Si Jenny naman ay namatay sa panganganak kay Pot-Pot. Naiwan sa kanya ang bata at inangkin na nga niya ito na parang anak dahil.katulad niya rin si Jenny na walang pamilya. Hindi niya rin kilala ang iba pang kamag-anak ng kaibigan.

At ngayon nga, hindi niya alam bakit ganun na lamang ang galit ni Faye sa kanya. Kahit hindi sila magkasundo nito ay itinuring pa rin niya itong kapatid. Umuwi tuloy siya sa boarding house na problemado.

"Ano na Rox, nakausap mo na ba si Faye?" si Glenda, kasama niya ito sa inuupahang bahay at waitress sa club. Tuwing umaga ay ito ang nakatokang mag-alaga sa bata.

"Hindi pa rin niya ibinigay si Pot-Pot Glenda," parang mamamatay siyang mag-isip kung maayos ba ang kalagayan ni Pot-pot sa pamilya nila Faye. Alam kasi siyang walang amor ang dalaga pati ang nanay nito na dapat sana ay lola ni Poy-pot sa bata. Nakatatak kasi sa mga ito na si Jenny ang dahilan kaya namatay ang kuya nito.

Kinuwento niya yung gustong mangyari ni Faye.

"Baka pwedeng pag-isipan mo ang gusto niya Rox. Maawa ka sa amin, maraming umaasa sa club. Kami ang bahala kay Pot-pot kapag pumayag ka," nakikiusap na sabi ni Glenda.

Buong gabing pinag-isipan ni Roxanne ang magiging desisyon. Alam kasi niyang tama si Faye, kapag hindi siya pumayag, marami ang maapektuhan. Magugutom ang mga pamilya na iyon lamang ang tanging alam na hanap-buhay. Kakayanin ba talaga niya iyon? So she made a decision.

Nakipagkita siya kay Faye kinabukasan.

"I know you will say yes Roxie darling. Don't worry, magiging maayos ang lahat basta ba susunod ka lang sa lahat ng gusto ko." Nakataas pa ang kilay ni Faye habang nagsasalita.

Kung hindi lang sana masamang pumatay ng tao. Ginawa na niya.

"I'll just call you details. Basta pakatandaan mo, ako ang masusunod." Nakakaloko pa itong ngumiti sa kanya.

Ang Promdi At Ang ProstiBasahin ang storyang ito ng LIBRE!