"Uyy Cara, baka naman gusto mo kaming kibuin. Kanina ka pa walang imik diyan."- Anna

"Ikaw na nga tong nang-iwan sa amin kahapon, ikaw pa tong ayaw mamansin."- Racquel

KUNG ALAM NIYO LANG!

"Guys, tama na. Hindi naman ginusto ni Cara yun e. Sabi ko nga sa inyo diba, hinila siya nung dalawang asungot."- Recca

"Oo alam namin yun. Pero diba dapat masaya siya? Kasi naka-date niya si Kent at Kenneth!!"- Mica

Dapat bang maging masaya kung minamanyak ka na?

"Cara, wag ka naman nang masungit oh, please? Alis na lang tayo mamaya para mawala yung bad vibes mo."- Recca.

Ewan ko na lang kung may makapagpapawala pa ng bad vibes ko sa dalawang yun. Tangna. Okay na eh! Magaan na loob ko sa kanila kahapon!! Tapos.. tapos.. TAPOS!!! Fck. _P!&@#!*)@%#!@&!! Nakakainit lang talaga ng dugo eh! Alam niyo yun?!

Flasback.

Sabay-sabay naming pinailawan yung mga natirang lusis. Ang ganda. Ang kislap. Ang liwanag. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Hindi yung kasama mo dalawa sa pinaka-gwapong mga lalake sa university ah.. (pero pwede na rin). Pero yung makitang nagiging ganito rin pala ang mga manyak na to paminsan-minsan. I can't help but think.. what kind of boyfriends would they be like? Ang alam ko kasi si Kenneth never pang nagka-girlfriend..

Parang nagslow-mo ang lahat. Ang bagal ng takbo ng oras. Sabi nila, "Time flies when you're having fun." Pero bakit mistulang huminto yung oras ngayon? Nag-eenjoy naman ako ah?

Unti-unting nauubos yung lusis. Kasabay ng pagkawala ng magagandang ilaw ay ang pagbalik ng oras sa normal nitong galaw.

"Masaya ba?"- Kent

Lumingon ako para tignan siya. Hindi ko alam na nakangiti pala siya sa'kin.

"Ah.. oo." Ito ata yung kauna-unahang pagkakataon na nginitian ko siya.

Binaling ko yung tingin ko kay Kenneth. Nakatingin din pala siya sa akin.

Biglang nag-init ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil sa init na dulot ng mga paputok kanina o dahil sa init dahil sa sobrang ka-hot-an nitong dalawang to. Ngayon alam ko na kung bakit sila nagtanggal ng polo. Ganito pala kasi kainit kapag tapos magpaputok ng mga fireworks at magsindi ng lusis. Pero parang may nag-aadd pa lalo ng kainitan sa gabing to. Hindi ko lang malaman kung ano..

"Namumula ka, Cara."- Kent. Nanunumbalik nanaman yung pagiging pilyo niya.

Unti-unti siyang lumalapit sa akin. Ako naman, naglakad papunta dun sa tent.

"Ah. Gutom na ako." Gutom naman na talaga kasi ako. Wala ba silang planong pakainin ako?

"Di ka pa ba nabubusog sa mga nakikita mo?"- Kenneth

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Kenneth. Anong ibig sabihin nito na hindi pa ba busog sa mga nakikita ko? Yung mga katawan at abs nila?! Bakit, nakakain ba yun? Nakakabusog ba yun?! Sa bigla ko, na-out-of-balance ako at natumba. Nahulog ako sa jelly bean na upuan sa may tent.

Ang akward pala ng pagkakabagsak ko. Pero ang mas nakakahiya pa dun eh..

"Ang cute. Stripes."- Kenneth

Pagkalingon ko sa harapan ko, nakita ko si Kent na nakatayo at nakatingin sa... Fck.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

"Oh please Cara, wag ka nang tumayo diyan. Natuturn on ako."- Kent said playfully.

"TANGNA NIYO MAGSAMA KAYONG MGA MANYAK KAYO!!!!" Paspasan akong tumayo tumakbo papunta sa elevator. Shit yung dalawang yun as in! Wag na wag silang magpapakita sa akin bukas sa eskwelahan!!

End of Flashback.

Habang inaalala ko yung mga nangyari kagabi nanggagalaiti talaga ako! Wag na wag magpapakita sa akin yung Kenneth na yun! Kung hindi nako!! Babaugin ko siya nang wala sa oras! Isama pa niya yung malibog na si Kent na yun! Papalamon ko talaga sila sa lupaaaaa!!!

From: Stalker

Hi Cara :)

Oh great. Another jerk has made it's move.

To: Stalker

What.

From: Stalker

Aw. Ang aga aga ang sungit :(

Sino ba namang hindi magsusungit sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, aber?

To: Stalker

Ano gusto mo.

From: Stalker

Ikaw :)

To: Stalker

B.S

I turned my phone off then put it inside my bag. I've had enough of all this crap for two days. Pahinga naman please? Kahit isang araw lang talaga.

"Caraaaaaaaaaa baby!" Muling nabasag ang katahimikan at kaayusan ng paligid ko nang marinig ko ang boses na yun. Alam ko na agad kung kanino galing ang boses na yun.

"Ano nanamang kailangan mo." I said with a cold tone.

"Ouch. Galit ka pa rin ba sa nangyari kagabi?"

Tangna pinaalala pa.

"Look, I've had enough bullshit for a week. Pwede bang pakitigilan na ako?"

"Sorry, baby. I can't do that."

WHAT.

"At bakit?"

"Hindi ko pwedeng tigilan at hayaang mapunta sa iba ang babaeng mahal ko." He flashed this mocky smile that I've only seen now.

"Tigilan mo nga ako, Kent."

"Sorry. I already told you 'No.' Don't be such a nag and just enjoy it while it lasts. Okay sweetheart?"

Ako nanaman ang apple of the eye ng madla. Wow. Thanks so much, Kent! Fck.

Hindi na ako sumagot. Instead tumingin na lang ako sa ibang direksyon.

"Oo nga pala, Kenneth told me to give this to you." Nilapag niya sa desk ko yung box.

"Ano yan?"

"Regalo daw niya sa'yo. An apology for last night's incident."

Naalala ko nanaman yung.. Ugh. Please let this be over.

"Bakit hindi siya ang magpunta dito at magsorry?"

"Coz, he's busy. And I am too."

"Eh ba't ka andito ngayon."

"Tumakas lang ako para masilayan ang kagandahan mo."

Hindi ako sumagot.

Tumunog yung wrist watch ni Kent. "Oops. Time's up. Gotta go."

"Laters, babe."

Ang bilis ng mga pangyayare. Ang bilis niyang gumalaw. Hindi ko namalayan na..

Hinalikan pala niya ako sa labi.

***

A/N: Will post again later. Thankies guys! Now you know why they removed their polos. lol. keep the comments & votes coming! Please share this to your friends. Thankiess!!!

Ang sex addict kong boyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!