Kabanata 19: Ikaw at Ako ❤

Start from the beginning
                                    

Lumipas ang sampung minuto ng bigla umimik si Spy.

"Nag-review ka na ba?" tanong niya pero patuloy pa rin ako sa pagkabisado ng formula. "Kasi mamaya, pasasagutin na kita."

Humarap ako sa kanya at binato ko na naman yung notebook, sapul sa mukha niya.

"Ulul! Manahimik ka nga! Landi nito, bobo naman tss!"

"Masasabi mo bang bobo ako..," tugon niya, "Kung ikaw lang ang laman ng utak ko.."

Napahinto ako sa sinabi niya.

Nang marinig ko ang bell ay binatukan ko siya. "Para 'yan sa paglipad ng utak ko! Leche ka Spy! Sinasabi ko sa 'yo, kapag bumagsak ako sa Math ikaw ang yari!"

"Hahaha kailan ka pa nakapasa sa Math aber?" Oo nga, kailan nga ba?

"Letchugas!"

"I love you bi!" Pinakyuhan ko siya.

---

[Playing: Ikaw at Ako by TJ Monterde]

"Heaven!" Sa wakas tapos na ang paghihirap.

"Aba syempre kasama mo ko, heaven talaga!" Napatingin ako kay Spy. "Kapal mo!"

"Yung ano ko lang y--asdfghjk!" Minudmod ko yung bibig niya ng kamay ko.

"Letche! Ang libog mo talaga kahit kailan e 'no?"

"Sorna!" Inirapan ko na lang siya at nagtuloy maglakad.

Yes! Bakasyon n-- "Aray! Ba't ka nanghihila ng buhok!?"

"Ang bilis mo e! Iniiwanan mo ko tangna!"

"Sino ba kasi nagsabi sa'yo na sundan mo ko? Uuwi na ko."

"Ako.. ihahatid kita e!"

"Eh kung ayoko?"

"E gusto ko eh!" Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at sabay kaming naglakad.

"Ba't kaylangan pang magkahawak ng kamay ha!"

"Alerto lang ako, baka makuha ka ng iba."

Gagu!

"Bopols, ang dami mong alam! Galawang breezy ka lang e."

Nabigla ako nang huminto siya. Pinaharap niya ko sa kanya kaya tinaasan ko siya ng kilay ko.

"Isa lang naman ang alam ko tomboy e, MAHAL KITA!"

"Pero dalawa iyun?" sarkastiko kong tugon. Napaisip siya kaya binatukan ko. "Baliw!"

"Sayo lang naman.." Naglakad uli kami.

"Mamimiss kita tomboy.."

"Bakit? Mamamatay ka na b--aray!" Pinitik ba naman ako sa ilong.

"Bakasyon na, langya!"

"Ay oo nga pala.."

"Hindi mo ba ko mamimiss?"

"Ikaw?" turo ko sa kanya. Tumawa ako, "Mamimiss kita? E ayos nga 'yun eh walang hangin, walang feeling gwapo, walang pipitik sa ilong ko, walang manyak o malibog! Wala yung taong mangungulit sa akin! Wala rin yung taong banatero, yung taong sumisira sa maganda kong araw. Walang maingay, magulo, malandi, kissing monster! Walang Guyabano, walang Gagong Gangster! Walang Guyabanong Baklang GANGSTER na nagngangalang Spy Giovannie Palmer!"

"Tama na tomboy! Tama na! Tama na, puta! Nasasaktan ako e!!"

"Aba syempre SOBRA ko mamimiss ang taong mahal ko na nagngangalang Spy Giovannie Palmer!!"

Napahinto siya sa sinabi ko. Pinaharap niya ko sa kanya. "Sus! Kinilig ka naman! Gago!" sigaw ko na parang natatawa.

Pero leche, pati ako kinikilig sa sinabi ko!!

"Pasensiya na, tao lang," ngiting tugon niya, asus!

"At sino naman ang nagchismis sa'yo na tao ka?"

"Ang sama nito."

Tinawanan ko na lang siya.

Biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni kuya Hyro sa 'kin na may gusto sa 'kin si Kyle. Si Kyle? Na bestfriend ko? Bakit? Paano?

"Spy.."

"Hmm.."

"Anong gagawin mo kapag ika'y nagseselos?"

"Ahm.. 'Pag ako nagselos, simple lang naman. Kakausapin ko lang yung pinagseselosan ko. Sabay bulong ng, 'Distansya o Ambulasya?' "

"Gagong gangster!" Nasabi ko na lang.

"Ba't mo ba natanong?"

"Wala lang.."

"Wew! Nilalapitan ka siguro ng bestfriend mo gagong Kyle na 'yun 'no!"

"Langya, bestfriend nga diba? Bestfriend ko lang 'yun! Bakit? Nagseselos ka ba sa kanya?"

Binitawan niya yung kamay ko. Humarap siya sa 'kin at hinawakan niya ang dalawa kong balikat.

"Nung mga bata pa tayo, d'yan rin tayo nagsimula! Sa pagiging bestfriend. Oo! Nagseselos ako! Sobra-sobra!" natameme ako, "Nagseselos ako dahil.. Gusto ko ako lang! At natatakot ako na kunin ka niya sa akin.. Ayoko! Ayoko dahil mahal kita!"

Napakagat labi na lang ako sa sinabi niya.

Is this love? Eto ba yung sinasabi na true love? Totoo ba yung nababasa ko o napapanood na ramdam mo na mahal ka ng taong mahal mo.. Totoo ba na hindi lahat ng lalaki ay lolokohin ka, papaasahin ka, o paglalaruan ka.

Sincere siya, magtitiwala ba ako?

Niyakap ko siya. "Oo! Ikaw at ako lang!"

🎶🎶 Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo 🎶

🎶🎶 Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo~ 🎶🎶

"Mahal kita tae ko!"

"Mahal din kita, Guyabano!"

"I love you Khaile.."

"I love myself." biro ko.

"Tangina!"

Nagkatinginan kami.. sabay tumawa ng malakas.

Simula na ba ang lahat?

-dyosang ceventinia-


Guyabanong Baklang Gangster!Where stories live. Discover now