Chapter 3

187 3 0
                                    

Ding Dong

"May bisita pala kayo?" Tanong ko kila Dad.

Tumayo naman si kuya Chris.

"I'll get it. Si lovely siguro yan. I invited her over lunch. Ok lang naman tol db?" nag-aalalang tanogn sa akin ni kuya Chris.

"Yeah! No problem."

Si lovely ang isa sa mga kaclose ko na babae noon na naiwanan ko rin ng walang paalam. Kaya siguro tinanong ni Kuya kasi alam niyang isa yun sa may pinakamalaking tampo sa akin.

"Good eve..-ning po." Nautal siya nang magsalita. Malamang nagulat sa presence ko. Wala kasing may alam na nakabalik na ako.

"Good Evening rin lovely. Have a seat and join us." aya ni Dad.

"Thank you po." Sagot niya at napaupo na at halatang iniiwasan niyang mapatingin sa akin. Ayaw siguro nyang sumabog ang galit niya sa harap nina Dad. Kilala ko kasi to, pag nagalit siya parang sumasabog na bulkan. Walang pakialam sino ang mabahagian ng init niya basta malabas niya lang lahat.

Halos tapos na kumain lahat maliban sa akin nang....

Kriiinnnnnnngggggggg

(tunog yan ng cellphone)

Napatingin si kuya sa CP niya.

"I'll just take this call." pagpapaalam niya.

"Dad, kuya, ate lovely, I'll go ahead ha. May project pa kasi akong tinatapos." Pagpapaalam niya.

"Ako rin, Son, Lovely, I'll go ahead. May mga proposals pa kasi akong kailangan ireview. Lovely, just feel at home. Catch things up with Phil." sabi ni Dad

"Ok po, tito. Thank you po."

At kami na lang ang naiwan ni lovely sa table. Ako ngumunguya pa ng kinakain ko. At di ko magawang Tumingin sa kanya kasi alam kong galit na galit na mga mata ang nag-aabang sa akin. At di ko kayang harapin yun kaya nagkukunwari akong nag-eenjoy sa kinakain ko kahit na parang ang hirap lunukin nitong kinakain ko.

"Ehem!" Pakunwaring pag-ubo ni Lovely. Naku! Eto na nga ba eh. Wala na talaga akong takas dito. Tol!! San ka na ba? Iligtas mo naman ako sa bulkang to.

"Hon?" Yes!!!! Saved by the bell!! Salamt tol!!!! You're my hero. Kahit kailan talaga napakagood timing mo!

"Yes, hon?" tugon naman ni Lovely.

"Ahm, my secretary called. A problem came up sa site. They badly need my help. Ok lang ba kung si Phil na lang ang maghahatid sa'yo pauwi?"

"uho! uho!uho!" naubo ako sa sinabi ni kuya

" tol, ok lang ba. Emergency lang kais talaga?" PATAY!

"Ahm, o-o-ok lang naman." Akala ko pa naman ligtas na ako sa pagsabog ng bulkan.

"Thanks. Bye,Hon. Love you." Paalam ni kuya.

"So? Ahm, Ah. Maghuhugas lang ako ng kamay and ihahatid na kita." Gusto ko sanang kahit papanu makalusot ako at makatakas. Pero nung papunta na ako sa kusina ay sumunod pala siya. Pagkaharap ko ay...

" Ay! Tikbalang!" gulat na sabi ko. Patay na talaga ako nito.

" At tikbalang pa talaga ako ha. Ang dami mo na ngang kasalanan dadagdagan mo pa talaga! Gusto mo ba talaga na kamuhian ka na ng buong barkada John Phil Lim??!!!! Ayan na nga bang sinasabi ko eh. Tsk!!!

"Bakit? Di nyo pa ba ginagawa ang sinasabi mo? Alam ko naman na sobra pa sa muhi ang nararamdaman niyo sa akin eh." May halong sakit at awa na sa sarili ang pagkasabi ko nun na naramdaman naman ni Lovely kaya medyo lumambot yung aura nya.

"Yun na nga Phil eh! Alam mong galit na ang barkada sayo dahil sa ginawa mo! Pero bakit ni isang tawag o ni isang e-mail wala ka man lang binigay sa amin. Ganun ba kahirap magexplain? Ang unfair mo naman kasi eh. Sinaktan mo kaming lahat lalung lalo na si."

"Alam ko. Alam ko malaki ang kasalan ko. Kaya nga ako ayoko nang bumalik eh. Ayoko na gumulo lang ang sitwasyon. Alam kong masaya na kayo, na maayos na kayo. Pero kahit na ganun, alam ko I owe everyone an explanation. Alam ko napakaunfair ng ginawa ko. Alam ko na napakagago ko. Oo, Love, Tarantado ako! Gago ako! Tanga! Pero kailangan Love eh. Kailangan kong magpakagago para di tumigil ang mundo niyong lahat." Di ko na naiwasang maiyak! Oo nakakabading pero ngayon ko lang kasi malalabas to sa taong nasaktan ko eh.

"Sa tingin mo ba, sa pag-alis mo ng walang paalam di tumigil ang mundo namin Phil?! Sa tingin mo ba Di kami naapektohan ng pag-alis mo?!!! Eh Gago ka pala talaga eh!!!" Bakas sa boses nya ang sobrang galit.

"Oo! Alam ko na napakagago ng ginawa ko! Pero anung magagawa ko? Naipit ako ng sitwasyon! Kailangan kong maging selfish sa paningin ninyong lahat para di nyo itigil ang pag-ikot ng mundo nyo!"

"Anu ba ibig mog sabihin?" medyo nawala na ang galit nyang tanong.

Ikinuento ko sa kanya lahat ng nangyari. Lahat lahat wala akong tinirang lihim. Kasi alam ko na sa lahat sa barkada si Lovely lang ang mapapagkatiwalaan ko ng pinakadahilan ng pag-alis ko. Alam ko na awang-awa siya sa nalaman niya.

"Love, isa lang pakiusap ko. Kung ano man ang nalaman mo, sana manatiling lihim lang muna. Alam ko na may tamang panahon para malaman nilang lahat yon. Ayaw ko lang na kaawaan ako ng barkada. Lalong lalo nang ayaw kong kaawaan NIYA ako."

"Pero Phil, sa tingin ko karapatan nilang malaman yun. Lalung lalo nang karapatan NIYANG malaman ang tungkol dito." Mararamdam mo ang awa sa himig ni Lovely. Kaya nga ba ayaw kong malaman ng kahit na sino to eh. Tsk. Pinakaayaw ko sa lahat yung kinakaawaan ako eh.

"Malalaman niya? Para anu Love? Tama na yung sakit na naidulot ko sa kanya. Ayaw ko nang gumulo na naman ang buhay nya. Lalo na ngayon."

Kung Pwede Lang SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon