Part 12

312K 5.9K 450
                                    

"Oh, di ba ang sarap sa pakiramdam?" Maaliwalas ang mukhang tanong ni Yolly kay Andy. Ngiting-ngiti silang dalawa na lumabas sa simbahan. Patungo na sila kung saan nakaparada ang sasakyan ni Andy.

"Salamat, ha? I somehow feel better."

"Okay lang 'yon. Basta kapag may problema ka o may gumugulo sa isip mo ay dito ka lang pumunta kasi ganito lagi ang ginagawa ko."

"At ano naman ang mga problema mo sa buhay?"

Napalabi si Yolly sa tanong na iyon ni Andy. Gusto niyang sabihin na love life niya ang problema niya sa buhay kaya lang ay naunahan siya ng hiya.

"Basta marami rin pero mga simpleng problema lang naman," kung kaya sabi na lang niya.

"Ah, buti ka pa," bulalas lang din ni Andy.

"Kuya, Ate, bili na kayo banana cue ko?" Isang batang naglalako ang nagpatigil sa kanila sa paglakad at pag-uusap.

Nagkatinginan sila.

"Sige na po, Ate, Kuya, bili na po kayo para maubos na ito para makauwi na ako upang mapakain ko na rin po ang nanay ko," nakakaawang pilit sa kanila ng bata.

"Okay, pabili ako ng isa." Naawang pagpapaunlak ni Yolly sa bata. Kinapa niya ang kanyang bulsa pero pinigilan siya ni Andy.

"Ako na," anito.

Napatanga siya sa naka-side view na mukha ni Andy. Ililibre ulit siya? Hindi nga? Kilig naman.

"Dalawa bata," sabi ni Andy sa bata sabay bigay sa isang libong papel.

Tuwang-tuwa namang inabutan sila ng bata ng tig-isang banana cue. Kaya lang ay napalabi ito nang makita ang isang libo. "Barya lang po, Kuya. Wala akong panukli niyan. Wala pa akong benta masyado, eh."

"Wala akong barya kaya sa 'yo na lang 'yan. Umuwi ka na."

Halos magtatalon sa tuwa ang bata. "Salamat, Kuya. Pagpalain ka po sana ni God ng—" Natigil ang bata at tumingin kay Yolly ng pataas-pababa saka balik ding tingin ito kay Andy. Tapos ay may ibinulong. "Pagpalain ka po sana ni God ng mas magandang girlfriend, Kuya."

Narinig iyon ni Yolly kaya naningkit ang mga mata niya. Subalit bago pa man siya makaalma ay mabilis na nagtatakbo na ang bata palayo.

"Salbaheng bata 'yon, ah!"

Natawa si Andy. "Hayaan mo na akala lang niya siguro ay girlfriend kita."

"Hmmp!" Iningusan niya pa rin ang nagtatakbong bata. Pagkuwa'y hinipan niya ang kanyang bangs. Pati mga bata ngayon ay panlabas na anyo na ang tinitingnan. Nakakadismaya! Tsk!

"Halika na." Bahagyang siniko ni Andy ang kanyang tagiliran.

Narating na nila ang kotse. Pinagbuksan siya nito na akala mo'y isa siyang prinsesa. Naks!

"Salamat dito," pasasalamat niya na ipinakita ang banana cue.

Ngumiti si Andy saka umikot sa may bandang driver seat. Pero bago sumakay ay kinain muna ng binata ang banana cue nito. Dalawang subuan lang. Puno ang bibig nito ng banana cue na pinaandar nito ang sasakyan.

Napahagikgik tuloy si Yolly sa hitsura ng binata. Hindi niya napigilan.

Nginuya at nilunok ni Andy ang laman ng bunganga. "Bakit?" at saka tanong nito nang sulyapan siya.

"Hindi ko kasi alam na kumakain ka rin pala ng mga ganitong pagkain?"

"Anong akala mo sa 'kin? Alien?"

Umiling siya na natatawa. "Mayaman ka kasi, eh. Rich kid ba."

"At kung rich kid na ay hindi na kumakain ng banana cue? Grabe ka naman."

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon