napangiti si alyssa dahil sa sagot ni Marge . pero yung ngiting nyang iyon ay biglang nawala dahil sa nakaramdam sya na parang may nakikinig sa kanila .
Marge - " tsk . mukhang may tao pa .. " bulong nya kay alyssa
aly - " heheh .. sinabi mo pa .. "
Marge - " LUMABAS KA NA DYAN!! " tawag nya sa taong nakikinig sa kanila
napa smirk naman si Marge nung makita nya ang tao sa bandang hindi kalayuan nila . isang taong nakamaskara ito ng nakakatakot at kilala ni Marge ang maskara na iyon dahil alam nyang isa ito sa mga nag tatangka sa medalyon
??? - " magaling pala talaga kayo ... biruin nyung naramdaman nyu ako .. "
Marge - " (smirk) .. ang sang sang kasi ng amoy mo kaya umaalingasaw .. "
??? - " talaga ? (smirk) .. sana yang tabas ng dila mo may panama sa kakayahan ko ! "
naiyukom naman ni Marge ang kamao nya at humakbang na ng isa pasugod pero agad iyon pinigilan ni Alyssa .
aly - " wag mo ng patulan .. "
ngayun naman ang nakamaskara ang lumapit sa pwesto nila alyssa. pumaharap naman si Marge kay alyssa para maprutektahan nya ito.
??? - " easy .. wala PA naman akong gagawin sa kanya (smirk).. " nag lalakad pa din sya papalapit kila alyssa kahit nakataas na ang kamay nito
Marge - " baka kami ang may gawin sayo .. "
nasa tapat na nila ang nakamaskara . ngayun naman ay naramdaman ni alyssa ang itim na awra na bumabalot sa kausap nya . at pinakiramdaman nya pa ang damdamin nito . pero napakunot ang nuo nya ng walang syang marinig kahit pintig man lang ng puso nito . " masama ang kutob ko dito .. " sa isip na lang ni alyssa
??? - " wag mo ng pakiramdaman ang puso ko .. heheh wala kang mararamdaman dyan .. "
Marge - " sino ka ba !? "
??? - " ako lang naman ang tatapos sa Sugo heheh .. kaya mag ingat ka "
naramdaman ni alyssa na sa kanya nakatingin ang tao . kaya binigyan nya ito ng napakagandang ngiti pero halatang plastik ito.
??? - " mag pakasaya muna kayo mahal na Sugo hahahah! " tawa nya ng demonyo
napaatras si Marge ng biglang nawala ang kausap nila sa harapan nila . si alyssa naman ay nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ng kaba dahil sa sinabi ng nakamaskara
Marge - " kilala mo ba kung sino yung siraulong yun ? "
humarap na sya kay alyssa . at si alyssa naman ay tumingala at pinakiramdaman ang paligid kung may makakarinig pa sa kanila .
aly - " sya lang naman yung taong minsan nanuod sa laban nila Kief at Von .. sya din yung nakalaban namin nung araw na pinag training ko ang mga kaibigan ko .. "
kanina pa nya nararamdaman ang awra ng taong kausap nila . at alam nyang iisa lang yung taong yun na nag tatangka sa kanya at minsan nya na itong nakaharap . pero labis ang pag tataka nya kung bakit wala syang narinig na kahit pintig man lang ng puso ng nakamaskara .
Marge - " Baldo .. may masama syang plano sa isa sa grupo nyu ... "
ayaw sanang sabihin ito ni Marge kasi alam nyang madadagdagan pa ang problema ni alyssa . pero kailangan ito malaman ng huli dahil alam nyang kaibigan kung ituri ni alyssa ang mga kagrupo nya .
kinabahan naman lalo si alyssa pero hindi nya pwedeng pabayaan ang mga kagrupo nya . kailangan nya din itong prutektahan tulad ng pag prutekta nila sa kanya .
ČTEŠ
SUGO(alyden)
Sci-fiipag lalaban mo ba kung ano ang sa iyo? ngayon alam mo naman na masaya na sya . ano mas pipilin mo ? makakita o makaramdam? *smirk bakit kelangan mo pang mamili ?? kung kaya mo naman makuha . alyssa- bulag nga ako pero hindi ibig sagihin nun. isa ak...
Mind Reader
Začít od začátku