OS: .Let's talk about TRUST

5.6K 204 75
                                    

Requested by Juliana (@TWERKITLIKEVICE) writer na ibinigay pa sa 'kin ang idea haha! Siya ang sisihin niyo kung mej masakit 'to ha? HAHAHA :D Sisihin niyo rin siya kung masiyadong cliff-hanger. Lols!

-.-.-.-.-

"Ate, alam kong ayaw mo kay Karylle pero please naman... wag mo naman siyang siraan. Bawat buka ng bibig mo, ako ang nasasaktan!" Vice hissed matapos marinig ang sinasabi ng kapatid.

Dali-dali itong umakyat sa kwarto nilang mag-asawa. Nanatili namang nakasunod ang kapatid na tila siguradong sigurado sa mga paratang para sa asawa ni Vice. As Vice opened the door, nakita niya ang asawa na nakaupo sa kama at tahimik na umiiyak.

"See what you did? Sinaktan mo nanaman ang asawa ko!" pigil na sambit ni Vice as he walked towards his wife. Isang malambing na yakap ang ibinigay nito.

"Maaaring hindi ko gusto yang babae na yan para sa 'yo, pero Jose Marie alam ko kung anong sinasabi ko! I wouldn't waste my time making stories para lang sa babae na yan!" katwiran nito. Isang matalim na tingin ang ibinigay sa kaniya ni Vice. "You know what? Fine! Kung ayaw mong maniwala, edi wag!"

Padabog na nilisan ng kapatid ni Vice ang kwarto. Lalo namang lumakas ang hagulgol ni Karylle sabay yakap ng mahigpit sa asawa. Muli nanaman siyang siniraan ng hipag. She knew from the start na ayaw talaga ni Cristina sa kaniya para kay Vice.

"V-Vice, ayoko na dito..." humihikbing sambit ng dalaga.

Vice cupped both her cheeks at ihinarap sa kaniya ang mukha ng asawa. Bawat pagpatak ng mga luha ni Karylle ay siya namang pagpunas niya rito. He leaned forward to give her a smack. Ito lang sa ngayon ang nakikita niyang paraan upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ng asawa.

"Aalis na tayo dito. Malapit naman ng matapos yung pinapagawa nating bahay. I'm sorry for putting you in this situation ha?" Karylle nodded slowly. Muli niyang niyakap ang asawa na tila ba takot na takot.

"M-mahal, wag kang maniniwala sa ate mo ha? H-hindi ko naman alam yung bini--

"Sshh! I know. I know. You promised me to tell me everything. Naniniwala ako sa 'yo," pag-aalo nito sabay halik ulit sa ulo ni Karylle. "Mahal na mahal kita,"

-.-.-.-.-

Two months passed at nakalipat na nga ng bahay sila Karylle at Vice. Their new house was located in Tagaytay; Karylle's favorite place.

Gustong makawala ni Karylle mula sa kaliwa't-kanang panghuhusga sa kaniya ng kapatid ni Vice. Cristina caught Karylle talking to her guy cousin and she used that para masira ang relasyon ng dalawa but fortunately, Vice didn't believe her.

Likas na malaki ang tiwala niya sa asawa at alam niyang hindi nito magagawa ang mga bagay na ibinibintang sa kaniya. Karylle knows na simula ngayon ay makakahinga na siya ng maluwag.

Kada linggo ay binibisita ni Vice ang ina at mga kapatid sa bahay nito. Karylle refused to go with him dahil alam niyang baka mag-cause lang ng gulo kung sasama pa siya though yung ate lang naman ni Vice ang may ayaw sa kaniya.

"Yung asawa mo?" Cristina asked nang makita ang kapatid na naglalakad si Vice papunta sa kusina.

"Nagpaiwan sa bahay. Matalino yung asawa ko, she doesn't want to make any tumult kaya hangga't kaya niya, iiwas siya." he muttered sarcastically. He continued walking towards the kitchen at nakasunod lang naman sa kaniya ang kapatid.

"Hindi ka ba nagtataka? Nagpapaiwan yung asawa mo? Eh gusto lang nun magkaroon ng oras para sa lalaki niya,"

"Ate can you please stop making shits behind my wife? Nakakabastos ka na!" nagtitimping sigaw ni Vice. Napairap lang naman ang kapatid. "Have your own life! Wag mo kaming pakialaman!"

Vicerylle One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon