Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)

1.1M 14.5K 1.1K
                                    

DATE POSTED: July 28, 2011


Chapter 17 

"May storycon nga pala tayo mamaya Kent, so I think it's better na magsabay na lang tayo papunta sa company. What do you think?

Kanina pa salita ng salita si Elisa pero hindi sumasagot si Kent. Hinahanap pa rin kasi niya si Harley. He almost smiled when he noticed him at a distance, but the curls of his lips retracted when he realized who was with him.

Dumako ang paningin niya sa magkahugpong na mga kamay ng mga ito.

It was almost instinctive. Hinila niya bigla si Phoebe. Kakasabi niya lang dito na layuan niya ito, tapos ngayon ay makikita niya na hindi lang magkasama ang dalawang ito-- HHWW pa?

"Ken Tomas!"

Parang mga langgam na nagsulputan ang mga ibang estudyante sa gilid.

"Bitiw."

"Ikaw ang bumitiw. May sugat kaya siya!"

Nawala na rin ang paningin ni Elisa sa eksena sa harap niya at lumapit kay Harley.

"What happened? Why are you bleeding?" 

At ska lang napansin ni Kent na may dugo nga ang kanang pisngi ng lalaki.

"Pwede ba. Mamaya na kayo magtanong, kailangan na namin pumunta ng clinic!"

"Hindi mo ba kaya dalhin sarili mo sa clinic? Gusto mo bang ikuha pa kita ng stretcher?"

Harley smirked. Everything is interesting in his eyes.

"Hindi nga pwede!" Halos sumigaw na si Phoebe. 

"Bakit hindi?"

"Siya may kasalanan kung bakit ako nagkasugat." Maang na sagot ni Harley.

"Why? Did you scratch him?"

"What?" Natatawa si Harley. "Of course not. Walang nangyaring ganun, Hayaan niyo na kami dahil dumadami na ang mga usisero."

Tumingin si Kent sa paligid. Tama si Harley, marami na ang nakiki-usyoso. When he relaxed, naglakad na ulit si Phoebe at Harley. 

"God damn it! What a fool." Kent whispered.

"What's happening ba?" Tanong ni Elisa.

"Nothing is happening. Let's go back to class."

Madami pa dapat sasabihin si Elisa, but she managed to smile.

***

Hindi naman mapakali si Phoebe sa buong pagpapalit ng klase. Kaya ikunwento niya sa kaibigan ang mga naganap.

"Woah! Grabe! Grabe!"

Tinakpan ni Phoebe ang bibig ni Jhone. Kahit kailan talaga, OA kung makapag-react ang kaibigan niya. Siningit niya na nga lang nang pabulong ang chika, pero hindi pa rin nito mapigilan ang reaksyon.

"Anong grabe, de Leon?" Tanong ng guro sa harap."

"Ahm..." Tumingin si Jhone sa taas na parang nag-iisip. "Grabe po 'yung lamig. Pwede po pahinaan ang aircon?"

Kumunot ang noo ng guro pero pumayag naman. 

Pinatapos na lang muna ng dalawa ang subject na 'yun, bago sila nagkuwentuhan ulit.

"Huwag ka masyado malaki mag-react friend."

"Ay sori, hindi madigest ng utak ko ang mga pangyayari sa buhay mo bakla ka."

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon