dahil eto lang ang hinihintay niya bago matulog, so sweet. Sorry naman daw po sis.

Elisa R.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------->

Chapter 17 

"May reading tayo ng scripts mamaya Kent, kaya sasabay na lang ako sa'yo okay?" 

Kanina pa salita ng salita si Elisa pero hindi ito pinapansin ni Kent. Hinayaan niya lang itong magkwento ng magkwento habang naglalakad siya. Napatigil na lang siya ng mapansing magkasama at nakatayo sa may harapan nila si Phoebe at Harley.

Kaya pala hindi ko makita ang Harley na to… TSK! At…

….magkahawak kamay sila? Kasasabi ko lang kay Phoebe na hwag na siyang lumapit dito ah!

 

 

 


Di niya namalayan, hinihila na rin ni Kent ang isang kamay ni Phoebe. Ang resulta, parang pinagaagawan nila ni Harley ito.

“Kent!!!” nagulat si Phoebe.

Di siya sumasagot, naiinis siya kay Harley at pati na rin kay Phoebe.

Parang mga langgam na nagsulputan naman ang mga estudyante. Mga usi talaga pag may mga pangyayaring ganito.

“What’s happening? Why are you bleeding?” sigaw naman ni Elisa, parang hindi nito napansin na naghihilahan si Kent at Harley.

Tska lang napansin ni Kent na may dugo nga ang kanang pisngi ni Harley.

“Kent, wait naman! Kailangan niya na kasing magpuntang clinic eh, pwede ba?” parang iiyak ng sabi ni Phoebe.

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!