Season 1 |40|>>#GoodNightKiss (Part One)

86.9K 893 71
                                    

Belle's POV

"Please pass now your papers... and Ms. Silva I'll see you later at Dean's office,"

"Whatever. Go see him yourself Miss Ugly Duckling. I'm sure Mr. Rivera will be excited to see his mistress. Am I right?"

Walang pagdadalawang isip ko siyang sinagot sa harap ng buong klase. Lahat sila tumigil sa pagsagot sa mga test papers nila at tinitigan lang ako na parang tinubuan ako ng isa pang ulo.

As if namang mangyayari 'yun. Pwede ba. Psh.

Well anyway, katulad ng sinabi ko, lahat sila nakatitig lang sa akin dahil sa pagsagot ko sa prof namin. Pero hindi ko sila pinapansin at nakapako lang ang atensyon ko sa babaeng mukhang bulate sa harapan. Pulang pula na ang mukha niya at nanlalaki pa ang mga mata.

Yuck! Naiimagine ko tuloy na may mga usok na lumalabas sa pangong ilong niya.

Hindi ko maiwasang hindi siya pagtawanan. How pathetic. Akala niya ba hindi ko malalaman na kabit siya ng Dean namin? Puh-lease! They don't call me 'The Great Belle Silva' for nothing.

And besides, this teacher pisses me off. Sino sya para mag pa surprise quiz?

Ugh! I really hate her! At Duh! Hindi dahil sa kinakabahan ako na babagsak. Because let's face it. I'm smart... well not like Kendrick but... I mean... I can pass the quiz even without reviewing pero I already planned to call Kendrick to ask what his text meant.

Sinabi niya kasi sa akin kanina via text na naka accomplish daw siya ng isang goal sa to-do list namin pero hindi niya naman sinabi kung ano 'yun. At dahil sa stupid quiz na'to, I can't call him, ka agad.

"What did you just said Ms. Silva?"

I examined my well manicured finger nails and smirked. Hindi lang pala chaka 'tong prof na'to, bingi din pala. Ngayon, nakalimutan na ng buong klase ang mga tests na hawak nila at pinapanood na lang talaga ang munting drama namin ng prof kong chaka. Gosh, I really love the attention they are giving me! Ang ganda ko talaga!

"What part Miss? Yung sinabi kong Ugly duckling ka? Or yung part na Mistress ka ni Mr. Rivera?"Hindi ko na siya hinintay na sumagot tutal nasa shock state pa siya at nakanganga. Kinuha ko na lang ang gamit ko at pumunta na sa harapan.

Nag smile lang ako at iniabot ang test paper ko. Good luck sa kanya mag check ng perfect score. "Here you go Miss, have fun checking my paper and please say hi to Mr. Rivera for me okay? Ciao,"

Ngumisi ulit ako sa kanya at iniwanan na silang lahat na speechless. Hindi ako natatakot na baka mapatalsik ako sa ginawa kong pagpapahiya sa isang prof. I own this school. They can't kick me out of here.

Past five na ng matapos ang last subject kong Journalism and still wala pa din akong balita kay Kendrick. God! Nakakamiss kulitin ang papabebe ko. Hindi niya sinasagot ang mga texts and calls ko!

Pero kahit na naiinis ako ngayon dahil hindi niya pinapansin ang beauty ko, sa lahat ng naging client ko, sa kanya lang ako nag enjoy. Siya lang kasi ang tanging client na medyo komplikado ang buhay at mahirap baguhin. So, I see him as a challenge. Plus the fact na may connection pa siya kay Jesse.

Kendrick is my perfect boy toy.

I checked my phone again. Baka nagtext na kung anong nangyari sa kanya, pero puro text lang coming from Gabby and the b---itches. Ugh. I really wouldn't mind receiving kahit isang simpleng 'Hi,' lang galing sa kanya ngayon.

"Ms. Silva," I was about to exit my building when somebody called my name.

Lumingon ako just to see Mr. Rivera. Psh. Ano kayang kailangan ng pedo bear na'to?

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon