II- Thirty

28.6K 194 2
                                    

GAIL'S POV

 

"Let's Give a round of applause to Ms. Gail Yu. This batch's valedictorian!"

 

Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao. Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at nagpunta ng stage. Tumingin ako sa buong hall ng school namin. Ito na ba ang huling tapak ko dito?

 

"Goodmorning everyone. Sabi ng mga teachers, dapat daw saulo ko yung speech ko.." Nakarinig ako ng mga tawanan.

 

"Ang kaso wala naman akong nagawang speech, paano ko sasauluhin di ba?" Nagtawanan na naman.

 

"Syempre unang-una, gusto kong batiin kayo. Yes! Graduate na tayo!" Napangiti ako bigla.

 

"Gusto ko ding batiin ang mga guro na nasa loob nitong hall. Lahat ng mga teachers na talaga namang walang sawang nagtuturo satin kahit na ang titigas ng ulo natin at pasaway tayo sa klase. Gusto ko ding batiin ang ating punong-guro. Kung wala sya, imposibleng mangyari ang mga programang tulad nito. Pati lahat ng guest na nagpunta dito para masaksihan ang isa sa importanteng event sa buhay ng isang estudyante.."

 

Bumuntong-hininga ako. Iginala ko ang tingin ko sa buong hall.

 

"Alam nyo ba, marami akong first time na naranasan ngayong highschool. First time malate, first time umuwi ng gabi, first time mag gala kasama ang mga kaibigan, first time mapagalitan ng teacher? pwede din. First time umiyak? Oo ata. first time masaktan.." Napatingin ako kay sieg. Napabuntong-hininga ako.

 

"Masaya ang Highschool, nandyan yung magkokopyahan ang buong klase nyo. Yung teamwork ba? Tapos nandyan yung sa school na gagawa ng assignment. Magkakantahan sa hallway hanggang sa pagsabihan na ng teacher. Maghihingian ng papel pag may quiz o kaya seatwork. Magawa pa kaya natin yung mga bagay na yun sa college?"

 

Ngumiti ako ng mapakla, Nakakaiyak pala talaga ang graduation ng highschool.

 

"Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nakilala ko sa buong highschool life ko. Sa mga naging kaibigan ko, sa mga naging kaclose ko. Dahil sa inyo naging masaya ang journey ko. Sa lahat ng nakaaway ko, salamat din, nagkathrill ang journey ko.." Natawa ako ng nagtinginan halos lahat ng estudyante kay Lean.

 

"Oh? Anong tinitingin-tingin nyo?" Napailing na lang ako.

 

"Salamat sa mga naging crush ko dito sa campus. Sa mga sumubok manligaw sakin, sa mga nagbigay ng regalo and such, dahil sa inyo, masasabi kong may crush life ako kahit papano.." Nakarinig ako ng konting tawanan.

 

"Sa mga teachers ko. Pasensya na po kung minsan lutang ako. Wala eh. Gail Yu yan eh.." Nagtawanan ulit sila.

 

"Gusto ko ding magpasalamat sa mga taong nanakit sakin.." Nagkaroon ng konting katahimikan sa hall. Naiiyak na naman ako.

 

"Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magiging malakas na tao. Hindi ako makakarating kung nasan ako ngayon. Hindi ako magiging better person. salamat."

 

"At syempre, gusto kong magpasalamat sa mga taong laging nandyan sakin, umulan man o uumaraw, lungkot o ligaya. Yung mga kaibigan ko na hindi ako iniwan. Kay mommy. kay Yaya na kasama ko pag wala si mommy, Salamat. sa inyong lahat na nandidito, Salamat at naging part kayo ng buhay ko. Ipagpatuloy nyo ang maganda nating nasimulan. Goodluck and godbless, sa bagong path nyo. Congratulations.."

 

Nakarinig na naman ako ng palakpakan. This is it. Handa na kong tunguhin ang bagong path ko sa buhay.

 

****

 

"Ready ka na?" Napatingin ako kay Lance.

 

Kanina pa kamin nandito sa airport at tinatawag na ang flight namin.

 

"Sabihin mo lang kung ayaw mong tumuloy.."

 

"Tayo na Lance. Gusto ko ng matulog.." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

 

Nagsmile lang sya then inalalayan na kong tumayo. Sa ngayon, Goodbye Philippines muna. At sa pag-alis kong to, iiwan ko ang lahat.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon