Kiss??!!

16 1 1
                                    

Nakakafrustrate naman ang kalagayan ko.Gusto ko makipagkaibigan pero pumapalpak naman...

O sige..aaminin ko..medyo naturn off ako sa mga narinig ko at nalaman na siya ang dahilan kung bakit naging iba ang tingin nila kay claire. Pero humanga din ako kay claire na kahit gaano niya kamahal si Vince ay mas minabuti niyang makipaghiwalay dito.
Pakiramdam ko tuloy nasayang ang paglipat ko dito dahil malabong maging kaibigan ko siya.

Monday na ulit kaya may pasok na naman kami,kung hindi dahil sa best friend ko at sa mga new friends ko baka maging boring ang last school year ko as high school.

"Class, please be informed na may reporting tayo. Kindly make a line and pick a number inside this bowl,yun kaparehas niyo ng number yun ang magiging partner niyo..is that clear?"

"Yes ma'am"

Pumila na nga kami..dalawang bowl ang nasa desk ni ma'am..dahil equal ang dami ng boys sa girls..

Boy and girl din ang partner.

Number 10 ang nabunot ko..

At ang partner ko walang iba kundi siya...

Siya na laging nangaasar sakin si jowell. Si Emerald naman ang partner ni Vince.

Sayang....

Pero di bale at least nga diko siya naging partner baka di niya ako tulungan at lagi lang niya ako awayin.





"Best canteen lang kami..hindi ka pa ba tapos dyan?"

"Hindi pa nga eh,mauna na kayo tatapusin ko lang yun kinokopya ko"

"Magaling ka nga magdrawing angbagal mo naman magsulat"sabi ni bevs

"Ano ka ba..dapat pati pagsusulat may art!" Sabat naman ni sai

"Mauna na kami at nagugutom na talaga ako"

"Sige.."sabi ko ng nakangiti. Bakit ba kasi ang bagal ko magsulat...di kaya pwede ipaphotocopy ko na lang utobg blackboard?hayyy...

Habang nagsusulat pakiramdam ko may gumagalaw ng buhok ko...hihimasin yun dulo tapos parang iniikot sa sa daliri..nang tignan ko si jowell lang pala..bakit ba ang kulit niya..singkulit ng buhok nitang diko malaman san ang hati.

"ANO BA?!"

"SUNGIT"

"Di ako masungit..ginugulo mo kaya ako..." sabi ko..hindi siya sumagot pero kinuha niya yun notebook at ballpen ko..tapos siya na ang nagtuloy ng sinusulat ko. Di ko na siya napigil dahil ang bilis niyang magsulat..at ang ganda pa..parang pangbabae..bading kaya toh?

"ANO?"

"HUH"

"Hindi ako bading" sabi niya tapos nagsmirk!shocks!sinabi ko ba yun?e iniisip ko lang yun kanina eh.

"Oh tapos na"sabay bigay ng notebook ko..saka uli siya ngsmirk.

"Thanks"

"Welcome!" After nang sinabi niya hindi ineexpect ang sunod niyang ginawa!

He kissed me!

Ang matangkad at ang MidgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon