Chapter 26 - Let's Jog

24 0 0

Kausap ni Armalite girl si Webster ngayon dito sa canteen. Ano kayang pinag-uusapan nila? Hindi naman mukhang badtrip si Beatriz ngayon kay Webster. Nanliligaw na kaya 'tong lalaking 'to? Pumayag na kaya magpaligaw si Armalite girl? Gusto na rin niya kaya si Webster? Sila na ba? Pasensya na kayo marami akong tanong. Pero seryoso ako hindi sila nag-aaway ngayon. Sabay pa silang kumakain at parehong maaliwalas ang mga mukha. Ako naman mag-isa lang. Malapit ko ng maubos 'tong isang box ng pizza. Hati sana kami ni Beatriz dito, ang kaso iba ang kasabay niya. Hindi ako nagseselos huh! Judgmental kayo! Sino ba naman ako para magselos diba? For sure, 'di naman niya ko matitipuhan. 'Tong taba kong 'to, asa pa'ko diba? Well, bagay naman sila ni Webster. Ano namang laban ko sa campus crush?

"Oo.", ang tugon ko sa tanong ni Armalite girl kung uuwi na'ko.

"Sabay na tayo."

"Huh?"

"Bakit? Ayaw mo'ko kasabay?"

"Huh?"

"Hoy Taba! May sakit ka ba? Ba't parang matamlay ka?"

"Huh?"

"Wala ka bang ibang isasagot sa'kin kundi "HUH"? Kung ayaw mo'ko kasabay, e di 'wag!", ang pagsusungit niya sa'kin.

"Hindi naman sa gano'n Beatriz."

"O eh bakit matamlay ka nga?"

"Ah... eh wala naman... baka pagod lang."

"Napagod ka ba sa pagkain ng isang buong box ng pizza? O napagod ka sa pakikipag-usap sa mga chiks mo?"

Ano ba'tong pinagsasabi nitong Armalite girl na chiks? E siya nga 'tong may boylet.

"Kulang lang siguro sa tulog. Nga pala, ano pinag-uusapan niyo ni Webster kanina sa canteen?"

"Secret!"

Grabe naman! Secret talaga Beatriz? Sige na sabihin mo na. Parang awa mo na. Hindi na naman ako makakatulog kakaisip.

Pinigilan niya 'ko sa paglakad. Pumunta siya sa harapan ko. Tiningnan ako at tiningnan pa ulit. Eye to eye contact kami.

"Hoy Taba! Don't tell me nagseselos ka?", ang nakakabiglang tanong sa'kin ni Beatriz.

Dugdug Dugdug Dugdug

Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. As in. Heartbeat. Literal. Naku Diyos ko, 'wag po ngayon. Hindi po ako pwedeng maheart attack ngayon.

"Huh? Bakit naman ako magseselos?"

"Asus! Kunwari ka pa diyan Ben Tiyan! Umamin ka na. Nagseselos ka."

"Hindi noh!", ang mahina kong sagot.

"Hindi raw? 'Wag ka ng magselos. Yaan mo sabay na tayo ulit kakain bukas. Nahatak lang ako nun ni Webster. Pinagbigyan ko na baka kung ano pang eksena ang gawin."

"Ok lang naman sa'kin yun. Nasanay naman ako na walang kasabay sa pagkain."

"Ang cute cute mo talaga! 'Wag ka ng magselos. Ikaw lang ang nag-iisa kong friend dito!"

Ouch. Ang sakit ng pisil niya sa pisngi ko. Ang sakit talaga. Matapos niya kong sabihang cute? Friend lang? Are you serious Bernard? Nagtatanong ka kung bakit friend lang eh hindi ka naman gumagawa ng first move!

Maya-maya lamang ay may bumusina nang pagkalakas-lakas. Hindi niya ba nakikita ang street sign?

NO BLOWING OF HORN

"Girl of my dreams! Sakay ka na!", ang maangas na yaya ni Webster kay Beatriz.

"Ako?", ang tanong naman ni Armalite girl.

OVERWEIGHT? Can LOVE W8?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!