"I don't play." Maikling sagot ko.

"You can fix the tune but you can't play?" Nanunuyang tanong niya.

"I said it already. Piano is not my forte." He's getting into my nerves. Nilingon ko siya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Impossible." Napakagat ako sa labi ko sa sobrang inis.

"Ano ba sa sinabi kong 'I don't play' ang hindi mo maintindihan?" Mapaklang sabi ko, naiyukom ko ang aking kamay bago umalis.

Time flies quickly. Seven days. Seven days na kaming di nag-uusap ni Dylan. Since that day na napikon ako sa kanya'y di ko na siya pinansin, ganoon rin naman siya sakin. Yeah, I've always been cold yet kahit sila Roni ay nagtataka na kung bakit ganun ang asta namin sa bahay. Hindi na rin kami sabay kumain. And Dylan... He's been so vague and busy.

Mabilis na natapos ang isang linggo. Ginamit lang kasi ng klase namin ang panahong 'yon para sa paghahanda sa play. Ngayon ang gabi ng performance.

"This is the day!" Matinis ang boses na sigaw ni Aphro. Papasok na kami, ipinakita namin ang I.D saka idineretso ang sasakyan. Nairita ako sa atensyong nakuha pagkalabas ng kotse. The fuck? May mali ba sa suot ko? Pinasadahan ko iyon ng tingin. Okay lang naman. Dahil nga sa backstage lang kami I'm only wearing black leather shorts and loose sweater, sa sobrang pagka-loose nga lang ay nakalabas na ang kanang balikat ko.

"You're hot Zy. That's the reason why they're staring." Napalingon ako kay Debby na nakangisi na sa akin ngayon. Inirapan ko lamang siya.

Pagkapasok sa theater, dumiretso na kami sa backstage. Inumpisahan nang ayusan ang mga aarte habang kami naman ay nag-ayos na ng mga gagamiting props. Wala naman akong masyadong itinulong doon kaya sumandal na lang ako sa gilid na pader.

Ilang sandali lang ay marami na ang taong nanonood sa labas. Nakahanda na rin ang lahat, in a minute magsisimula na kami. Pumwesto ako kasama si Roni at Debby sa may gilid ng stage para makapanood.

Sa umpisa'y kabado ang ilan, pero agad din namang nawala ang kaba na iyon nang makakuha sila ng hiyawan at reaksyon sa mga manonood. I can see how much effort we exert in this. Uh, they exert actually.

Even the sound effects match the scenes. Ngayon ko lang napansin, it's a story about a little girl who witnessed her parent's death in a brutal way. Sumikip ang dibdib ko. Naroon na kami sa scene kung saan itinago ang bata sa loob ng closet habang pinapanood niya kung paano tutukan ng baril ang kanyang mga magulang. She's crying silently, so damn scared and furious at the same time.

"Mommy... Daddy..." Bulong nung bata, rinig na rinig iyon sa buong theater dahil sa lapel mic na suot nito.

Umiiyak pa rin ang bata, nakatakip ang dalawang kamay nito sa kanyang bibig upang pigilan ang paghikbi. Wala siyang magawa kung hindi panoorin ang mga magulang niya na sinasaktan ng ilang lalaki. Maya-maya'y itinutok na noong isa sa ulo ng kanyang ama ang baril. Ngumisi lamang ang lalaki, di kalaunan nabalot ang buong kwarto sa tunong ng putok ng baril.

Napapikit ako. Mariin kong kinagat ang labi ko. Napahawak ako sa aking ulo at naramdaman ko na rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Zy." I felt Debby's hand on my shoulder. Agad kong tinagtag iyon, minulat ko ang mata ko at nakita ang pagtataka at pag-aalala sa kanyang mga mata. Ngumiti na lamang ako bago tumingin muli sa stage.

"You okay?" Tanong naman ni Roni. Bahagya akong napatulala bago tumango sa kanya.

"I'm fine. Sandali lang." Unti-unti akong tumayo. My knees are trembling, ganoon rin ang mga kamay ko.

Kahit nahihirapa'y dumiretso ako sa CR. Sumandal ako sa pader malapit sa lababo at napapikit muli. Nanatili ako sa ganoong posisyon. Ayoko munang idilat ang mga mata ko, hindi ko alam pero binabalot ako ng takot. Kinapa ko ang gripo at binuksan, ibinaba ko ang mukha ko at marahan itong binasa ng tubig. Slowly... I tried to open my eyes. I stared at my reflection in the mirror before I leaned against the wall.

Rule Breakers : Royalty Clash ☠Место, где живут истории. Откройте их для себя