Chapter 14

1.1K 47 22
                                    

"Akala ko ba ayaw mong mag-bar?" Sarkastikong tanong ni Arthur sa akin ng tumabi ako sa kanyang upuan. Nakasimangot kong sinalubong ang ngiti ng bartender dahil bad trip ako ngayon. I was already 19 years old, of legal age, pero ni minsan sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakapasok sa isang bar. Ngayon lang.

I was raised in a Christian environment too, so of course hindi ko kinalakihan ang night life. Pero dahil matagal ng patay ang mga magulang ko, at matagal ko ng iniwan ang pananampalataya, wala na akong pakialam.

"Sometimes it's not bad to break the rules." Sagot ko sa kanya ng hindi tumitingin. I looked at the menu on the signage, pero hindi ako pamilyar sa mga inuming nakasulat doon. May Italian pizza akong namataan, yun na lang siguro for a start. "Italian pizza for two." Sabi ko sa lalakeng bartender na nasobraan yata ng pulbo, the way he stared at me was making me awkward kaya naman nilingon ko na lang si Arthur.

"Breaking the rules? If I know ikaw lang naman ang gumagawa ng sarili mong rules. You're like me, Josh, you control your own life." Komento ni Arthur at dinagdagan ang order ko. "Two glass of vodka, please."

Kumunot ang noo ko. Oo nga at pumasok ako sa bar ngayong gabi pero wala akong balak na magpakalasing. Gusto ko lang talaga ng makakausap at maglakwatsa ngayon, isang bagay na hindi ko ginagawa noon. Ayoko munang umuwi ng bahay dahil naiinis pa ako kay Naomi, sa pagsama niya kay Mike at sa pagiging concern niya dito. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko pala kayang panindigan ang pangako ko sa kanya. Ang payagan siyang makipagdate. Grr. The thought of it frustrates me.

Tumango na ang bartender sa order ni Arthur kaya hindi ko na lang pinakialaman. Pizza lang talaga ang titikman ko dito. Pero nagulat ako ng binalingan ulit ako ng bartender, at nagtanong, "Is there anything else you want, sir?"

"Kita mo namang nanahimik na ako, diba? Pizza lang!" Singhal ko sa bartender na ikinagulat nito, pati si Arthur.

"Hey, bro! Chill lang." Paalala sa akin ni Arthur tapos binalingan niya ang nasigawan kong bartender. "Sorry brad, mukhang wala sa mood itong kasama ko."

Ngumiti lang ang lalake at binalewala ang pagsinghal ko. Umalis ito upang asikasuhin ang mga orders namin. The sudden silence made me noticed the ambiance inside the bar. Medyo marami na ang tao at halos lahat ng mga babae ay lutaw na lutaw ang katawan, ni hindi ko nga sila matingnan. Maraming seksi pero hindi ako nahuhumaling, napailing pa nga ako sa ulo dahil naalala ko si Naomi. At that moment narealize ko na may mabuti din palang naidulot ang pagiging relihiyoso ni Nao, dahil hindi siya katulad ng iba na nagsusuot ng maiiksing damit. At hindi ko rin naman siya papayagan!

Crap. Pumunta ako sa bar pala kalimutan si Naomi pero bakit siya pa rin ang iniisip ko? I shook my head.

"Tell me, Josh, may problema ka ba? Parang wala ka sa sarili simula pa kanina sa school, tapos ngayon bigla ka na lang pumayag na mag-bar. Babae ba yan, bro?" Tanong ni Arthur. Kung makatawag siya sa akin ng bro ay parang close na close na kami, kung tutuusin ngayon lang naman ako sumama sa kanya.

"Si Irisha ba? Naku, pupunta yun dito mamaya at tiyak makakadiskarte ka na. Pasalamat ka at hindi ko type si Irisha." Natatawang sabi ni Arthur ng hindi pa rin ako umiimik. Teka nga, bakit palaging si Irisha ang idinidiin niya sa akin? I don't even care about that woman! Kahit anak pa siya ni Attorney Lim.

"It's not about her or any girl." Pagtatama ko sa mali niyang akala. I don't want to sound defensive, but I have to correct him about that issue. Ayokong chinichismiss ako.

"Wee? Then why are you so unfocused?"

Natigilan ako. Unfocused? Sino, ako? Galit lang ako, ganun! Galit ako sa pagiging concern ni Naomi sa ibang lalake. Galit ako dahil marami siyang oras sa Mike na yun: sa school, sa Bible study, sa church, tapos ngayon pati sa school projects? Halos araw-araw ay nakakasama niya ang Mike na yun, eh. Higit sa lahat, galit ako sa sarili ko at sa nararamdaman kong hindi maganda! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko at kung saan ako lulugar.

Beauty And The BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon