Chapter 1

1.9K 48 3


Chapter 1

Mae

Napalingon ako sa aking kanan nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Ang baritong boses ng lalaking naglalakad patungo sa aking gawi. Buti nga 'di ako napatili kun'di sisitahin ako, nasa library pa naman ako. Pero hindi ko alam kung tatayo ba ako, o magtatago sa ilalim ng mesa sa aking harapan o 'di kaya ay magtakip ng libro sa aking mukha. Naloko na!

Napalunok ako ng mas naging malinaw ang boses niya. Papalapit na ang nagmamay-ari ng boses. Napapikit na ako sa huling sandali. Hindi ako namili sa choices ko. 'Di na lang ako gagalaw sa kinauupuan ko.

"Pare, Si Mae 'yan 'di ba?" Boses iyon ng isa sa mga kasama ng lalaking ayaw kong makita. Ang Ex-boyfriend kong si Kevin Deloso. Ang lalaking akala ko'y ka-poreber ko na, pero isang kalokohan lang pala! Ang lalaking ang sarap ilibing sa hukay, isang taong manloloko!

Napa-irap nalang tuloy ako nang isang tawa ang isinagot ni Kevin sa kanyang kasama. Kahit 'di ko siya nililingon ay alam kong nakangisi siya ngayon. Ang animal na 'to!

"Tara na. 'Wag mo na siyang istorbohin, nag-aaral nang mabuti 'yan. Gusto atang magpa-impress sa akin."Nanlaki agad ang mata ko nang marinig ko ang huli niyang sinabi, bago tuluyang kong marinig ang papaalis na yabag sa aking likuran! ANIMAL siya! Nag-aaral ako kasi preliminary exams na!

Ang kapal talga ng mukha niya, 'di na siya nagbago. Simula't sapul alam ko namang animal siya, kaya napapaiisip ako kung bakit naging boyfriend ko iyan e. Masaydo siyang mahangin, masyado siyang pasikat, masaydo siyang vain at higit sa lahat isa siyang animal! It's been a moth when we broke up, and he hasn't change his ways at all.

Tumayo na ako at humakbang paalis sa aking pwesto, pero napatigil ako nang may humarang na sa akin. Isang seryosong titig ang iginawad ng lalaking nasa aking harapan, kaya napalunok ako ng wala sa oras. Ngumiti muna ako nang pilit bago siya tinanong, " Beh, anong ginagawa mo dito?"

Alam kong nababasa niya ang peke kong ngiti, siyempre matalik ko siyang kaibigan. Ang nag-iisang Kenneth Deloso, na kapatid ng animal kong EX.

"Huwag ka nga pikon kay Kuya. Alam mo namang kapag mas pinapansin mo iyon mas aasarin ka no'n!" Nangisi naman na ako sa sinabi niya. Nagkasalubong na naman kasi ang makakapal niyang kilay at halos ngumuso na siya habang pinapangaralan ako. Sinong 'di mapapangiti kong isang gwapong mukha ang nasa harap mo 'di ba?

"Oo na, Beh. 'Di na po mauulit. At saka kasalanan mo 'to, kasi 'di ka dumating ng mas maaga. Ang usapan kasi natin, alas dos. Tingnan mo naman, alas kwatro na." Tinuro ko pa ang orasan sa isang dingding para mas kapani-paniwala ang nagtatampo kong boses. Pero ang loko, mas nagalit pa tuloy.

"Andito na ako ala una pa lang, ikaw 'tong 'di sumipot sa tamang oras. Pinuntahan kita sa classroom mo, kasi wala ka pa no'ng alas tres. Tapos ako pa ang late? Pinagloloko mo ba ako Maerian Garduce?" Napakamot tuloy ako sa ulo ko habang iniiwasan ang tingin niya. Nakakatakot na naman siya, gamit niya na naman buong parangalan ko. Kaya imbes na magrason ako ay umupo nalang akong muli sa upuan.

Alam kong kasalanan ko, at saka 'di pa siya nasanay sa'kin. Simula no'ng 1st year college kami ay lagi na akong late, tapos 4th year na kami ngayon 'di parin siya nasanay. Nakakatawa lang. Masyado kasing good boy, pero okay lang. At least, he's not like his brother. Kenneth is way more gentleman, more manly and most of all kinder. Not like Kevin, whose a jerk, self-centered arrogant, bastard. Oh my!

Naalala ko na naman tuloy ang ginawa ng kulugong 'yon.

"Anong gagawin ninyo ni Kuya sa 6th monthsary ninyo?" Napalingon ako kay Kenneth nang bigla siyang magsalita. Hinahatid niya kasi ako ngayon galing campus. Varsity player kasi si Kevin at magkaiba kami ng kurso kaya 'di niya ako mahahatid, 5th year Computer Engineering siya samantalang ako ay Civil Engineering naman. Nagkikita naman kami kahit papaano kasi nasa iisang campus kami, kaso mas madalas kong kasama si Kenneth kasi parehas kaming CE. Kaya siya ang binansagan kong bestfriend, kahit na tinatanggi niya.

Key To My HeartRead this story for FREE!