Caela.

Kaming tatlo na lang ang natitira dito sa loob dahil kanina pa lumabas ang mga kaklase namin. Nagkani-kaniya na sila ng alis noong umalis din ang Superiors. Halatang-halata sa mukha nila ang saya at excitement para sa mga susunod na araw kasama sila.

"Saan tayo tatambay ngayon?" Tanong ni Sophia sa amin.

"Library na lang tayo. Hanggang ngayon kasi wala pa tayong napapag-aralan. Gusto kong may malaman naman kahit papaano tungkol dito sa school natin."

Dalawang araw na kaming pumapasok at wala pa kaming nagiging matinong klase. Hanggang kailan ba ang adjustment period? So paano ko malalaman ang history ng academy? Hay!

"Boring doon, sis! Siguro naman bukas mag-didiscuss na si Sir. Sulitin na natin ngayon 'yung pagkakataon na free tayo." Saad ni Michie.

No. Ayokong mahawaan ng katamaran. Hehe.

"Oo nga, sis. Sasakit lang ang ulo mo sa sobrang tahimik sa library." Panggagatol pa ni Sophia.

Akala ko mga baliw lang ang mga kaibigan ko, bad influence rin pala?

"That's fine with me. Tahimik lang naman talaga ako, dahil lang sa inyo kaya ako nagiging madaldal."

"Basag!" sabay na sabi nila at sinimangutan ako, tinawanan ko lang naman sila. Alam ko namang hindi nila ako matitiis. Hehe.

"Sige na nga, tara na doon!" ani ni Sophia. Napangiti ako dahil doon.

"Thank you, Sophie. I love you." Hinalikan ko ang pisngi niya.

Medyo nahuhuli ako sa paglalakad dahil abala ako sa paghahalungkat ng bag ko. Hindi ko makita 'yung kwintas. Ang alam ko inilagay ko 'yun sa bag bago kami umalis ng dorm. Hindi pwedeng mawala 'yun!

Tatawagin ko na sana sina Michie para bumalik muna kami sa dorm nang maramdaman kong tumama na naman ako sa isang bagay – no tao.

Binundol agad ako ng kaba dahil baka mapaaway na naman ako. Oh gosh! Bakit ang clumsy ko?!

Isang gwapong lalaki na nakaupo sa sahig ang bumungad sa aking harap.

Natataranta naman akong tinulungan siya para tumayo.

Ang galing mo talaga, Caela! Masasapak na kita!

"I'm sorry po. Hindi ko sinasadya." Sobra na ang kabang nararamdaman ko ngayon. Abala siya sa pagpapapagpag ng damit niya kaya tinulungan ko na rin siya.

"Pasensiya na po talaga." todo yuko na ako para humingi ng pasensiya. Ipinapanalangin ko na sana huwag siyang magalit. Ayoko po ng away! Huhu.

Tumunghay siya sa akin kaya nagulat ako ng mapatili siya.

"Ay Diyosa! Ang pretty!" bulalas niya. Nakakahiya!

Familiar talaga ang mukha niya sa akin. Sino nga 'to? Isip, Caela Isip.

*tink*

Oh gosh!

Ramdam ko ang pamamawis ng kamay ko. Lalo akong hindi magkaintindihan sa paghingi ng tawad nang maaalala ko kung sino ang lalaking 'to.

It's Mark Peter Nevill – 'yung poging bakla. Superiors.

Trouble! Trouble! Trouble!

Kapag ka nga naman sinuswerte oh? Lagot kang bata ka!

"OMG! What happened, sis?" natatarantang tanong ni Michie sa akin. Hindi ko namalayang bumalik pala sila. Medyo malayo na kasi sila sa akin kanina.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!