Ch. 17: Friends

Magsimula sa umpisa


"Liar ka, prend. Gusto mo ibaon ka uli namin ngayon?" ani kaibigan niya.


Naiiritang binaling niya ang kaibigan, "Kasalanan ko bang nagpanic ako nang bigla kayong tumakbo? Kayo man ang maiwan doon sa pwesto ko, baka iyon din ang gawin niyo!"


"Sabi mo eh, pero may parusa ka pa rin, prend. Walang rule-breaker sa grupo, remember." si Steven. Siya talaga ang kilala ko sa kanila maliban kay Caile na president ng Council at kay Nathe na presidente ng mga peste. Paanong hindi ko siya makikilala eh lagi siyang nakadikit kay Aimee. 


Sandali kong sinilip ang wrist watch ko bago sila tignan at magpaalam, "Got to go. See you around." I smiled at them. 


"Bye, Ishii."

"Bye."

"See you around, then" paalam nila sa'kin.


Nakangiti akong tumalikod hanggang sa unti-unti iyong nawala habang papalayo ako sa kanila. Syempre kasi kailangan ko ring tanggaling ang ngiti sa mukha ko, mag-isa lang kaya ako at baka mapagkamalan akong baliw ng makakakita sa'kin.


Inikot ko ang buong store, napapaismid pa rin ako kapag nakikita kong halos lahat ng nasa paligid ko ay magbabarkadang sabay sabay na namimili. Sana pala inaya ko na lang si Aimee kanina, kinulit ko kung sakaling ayaw pumayag. Eh, kesa naman mag-isa ako.


Pumunta ako sa counter nang makuntento na ako sa dami ng kinuha ko. Walang pila at isa nalang ang nagbabayad doon kaya tinakbo ko na ang maiksing distansya mula sa pwesto ko. Binilisan ko nang makita kong may naglalakad papuntang counter na malamang ay magbabayad din.


At dahil the best ako, nasingitan ko siya.


Good job, Ishii.


"What the?" bulong ng siningitan niya, sandali lang niyang nilingon iyon saka nginitian.


Hinanap ko kaagad ang bus namin pagkalabas ko ng duty free, pero iba ang nahanap ng mga mata ko.


Si Rainbow with Nathalie.


Napasimangot ako. My heart skipped a beat upon seeing Rainbow but I think someone squeezed it when I saw them together.


Huminga nalang ako ng malalim saka tumalikod para hanapin ang bus ng section namin. Nasa 17 ang mga bus dito sa parking space kaya medyo mahirap maghanap. Sa pagtalikod ko, si Nathe naman ang nakita ko. Ano ba 'to.


Akala ko lalayuan o hindi niya ako papansinin kahit nakita niya rin ako, gano'n naman kasi ang nakasanayan namin. Pero mali ako ngayon kasi lumapit siya sa'kin.


"Hey."


"What?" tanong ko agad.


"Uh" nakatingin siya sa gilid at parang nag-iisip, saka tumingin sa'kin. "Wala." he flatly answered saka tumalikod pagkasabi no'n.


Ano 'yon?


Sandali ko lang siyang sinundan ng tingin saka ko nilabas ang phone ko para sana i-text ang president namin at nang matanong kung nasaan ang bus namin pero bago pa ako makapagcompose ng message ay may napansin na akong tao na nakatayo sa harap ko.


"Ganito kasi talaga," napaangat ako ng tingin dahil doon, mabilis na nangunot ang noo ko. Si Nathe na naman? "In order to make our pairing successful, we need to be united. At hindi mangyayari 'yon kung hindi tayo magkakasunod." huh? Anong sinasabi niya? Takang tinignan ko siya, nakatingin naman siya sa'kin pero hindi niya sinasabulong ng tingin ang mata ko. "To make it short, let's be friends."


Ha? Slap me now.


"For formality." dugto niya.


"Are you crazy?" mangha kong tanong.


"No."


"Are you sick?" tanong ko pa dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.


"I'm healthy as hell."


"Are you Nathe?" he must have a twin.


"Stop those nonsensical questions or I'll wring your neck. Choose."


"You are Nathe." tatango-tango kong pangungumbinsi sa sarili. Saka ko binalikan sa isip ang propagandang nilatag niya sa harap ko. "What if ayaw kong makipagkaibigan?" I remember what I told mom, na hindi ako makikipagkaibigan kay Nathe nang walang mabigat na rason. "Okay na naman tayo sa usapang magtutulungan ah." iyon naman kasi talaga ang unang usapan. Magtiteam up lang.


"Why? Mahirap ba maging kaibigan ako?" umismid siya. "Ang arte mo, alam mo 'yon? Ako na nga ang nag-initiate, eh. Tatanggapin mo nalang, ayaw mo pa."


I almost rolled my eyes, "Duh, nagtatanong pa lang ako. Wala pa naman ako sinasabi, eh."


Tinaasan niya ako ng kilay. Tignan mo 'to, nakikipagkaibigan pero ang intrimitida naman ng itsursa.


"So?"


Sandali akong napaisip. Wala namang problema, di'ba? Excitement suddenly flooded my system. If ever, siya ang magiging unang kaibigan ko. Bukod syempre sa nag-iisang naging kaibigan ko sa school ko noong 1st year high school.


"I don't know how to carry friendship." pag-amin ko. 


Doon lang naman ako bothered eh. Na hindi naman dapat kasi si Nathe lang naman 'yan. Wala akong pake maging kaibigan ko man siya o hindi. 


"Then let the fate handle it."


Marami nang pinapa-handle kay fate, paano kung hindi na niya kayanin at mabitawan niya ang iba? Paano kung 'yong pina-handle namin sa kanya ang mabitawan niya. Edi sira ang friendship?


I dismissed the thought.


"Okay. Friends." kibit balikat kong sagot saka bahagyang nginitian siya, "Now, friend, pwede mo bang tinuro kung nasaan ang bus namin?"


Kinunutan niya ako ng noo. "Nasa tabi lang ng bus namin, gaga."

_______________________________

He's Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon