*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 24: Secret Ability

Third Person’s POV

Unti-unting naghilom ang sugat ni Van sa kanyang mukha at katawan dahil sa kanyang pagbabago ng anyo. Nasa Legendary Mode na siya ngayon at para sa kanya ay ngayon pa lamang magsisimula ang tunay na laban. Nagkamali siya dahil minaliit niya ang kakahayaan ni Cross dahil hindi naman niya inaasahang ganito ito kalakas kaya wala siyang magagawa kundi ang kalabanin si Cross. Wala na siyang pakealam kung magkapatayan man sila ngayon dahil para sa kanya, kung oras mo na ay oras mo na. Wala ka ng magagawa...

“Hindi ka man lang ba namangha sa itsura ko? Mas astig sayo no?” pang-aasar niya. Napailing na lamang si Cross sa sinabi ni Van. May pagkaisip-bata din pala siya minsan. Napaisip tuloy siya kung ito ba talagang bampirang kaharap niya ang namumuno sa lahat ng angkan ng bampira…

“Let’s get this over with”

“Masyado ka naman atang nagmamadali?”

“Gusto na kasi kitang talunin ng mabilisan” pagkatapos sabihin iyon ni Cross ay sumugod na siya kay Van. Hindi niya ipinahalata ang pagkabigla niya sa anyo ni Van. Hindi normal sa isang Legendary Vampire ang magkaroon ng pakpak. Kung tama ang kanyang hinala ay si Van ang huling Legendary Vampire na isisilang kaya siya ang mapalad na magkaroon ng ganitong anyo...

Nabasa iyon ni Cross sa libro, at maaaring si Van din ang makapagpalabas ng secret ability ng mga Walker. Kahit alam niyang wala siyang laban sa kapangyarihan ni Van ay kampante pa rin siya sa kaniyang sarili. Ibubuhos niya ang lahat niya para lang maipakita na malakas siya at kaya niyang talunin si Van...

Sumuntok si Cross at napalibutan ng green na aura ang kanyang kamao habang palapit sa mukha ni Van. Nanlaki ang mata ni Van sa kanyang nakita. May aura ang kamao ni Cross at ngayon ay alam na niya ang kapangyarihan nito....

Lakas...

Agad siyang nakailag sa suntok ni Cross. Ginamit niya ang kanyang pakpak para mabilis na makagalaw. Pinahaba niya ang kanyang kuko at mabilis na lumipad sa kinatatayuan ni Cross...

Kinalmot niya ang mukha ni Cross at nagkaroon ang pisngi niya ng tatlong mahahabang hiwa...

Pinaulanan niya ng kalmot ang buong katawan ni Cross hanggang sa mapuno ito ng kalmot at nagkagutay-gutay na din ang kanyang damit...

Sinipa ni Van si Cross sa kaniyang tiyan dahilan para tumilapon ito at mapahiga sa lupa. Hinahabol nila pareho ang kanilang hininga. Naiyukom ni Cross ang kanyang palad. Hindi siya dapat matalo ng ganito. Pinilit niyang ibangon ang kanyang katawan...

Nagconcentrate siya at pinakalma ang sarili hanggang sa maramdaman niya ang pagdaloy ng kapangyarihan. Ramdam din niyang nawawala na ang hapdi ng kalmot ni Van na ibig sabihin lamang ay unti-unting naghihilom ang kanyang sugat…

Pinanood na lamang muna ni Van si Cross na tumatayo at napapalibutan naman ng green na aura. Mas lalong lumalaki ang katawan nito at nanlilisik ang mga mata…

Napangisi na lamang siya dahil sa layo ng pagitan nilang dalawa ay ramdam niya ang kapangyarihan ni Cross. Para sa kanya ay magiging masaya ang laban na ito pero gusto na niya itong matapos bago mag-umaga. Hindi nila pwedeng patagalin ang laban na ito dahil baka hanapin siya ni Kisha. Siguradong magagalit ‘yon kapag nalamang naglalaban silang dalawa ng wala siyang alam…

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!